ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 3

Start from the beginning
                                    

"Diba tinatanong mo ako kanina kong ako ba ang may gawa sa palakang buhat-buhat mo at pati na sa kanyang mga alalay? Hmmm?"

Mula sa kanyang bibig ay pinalandas ko ang aking hintuturo pababa sa kanyang panga hanggang sa ibabaw ng kanyang dibdib at kita ko na bahagya siyang natigilan at hindi ko alam kong dahil ba sa aking ginagawa o dahil sa aking sinabi pero wala akong pakialam kung alin sa dalawa dahil kung magkakamali siya sa mga sagot sa mga tanong ko ay ipapakita ko sa kanya kong paano ako gumawa ng eskandalo na pinagsasabi nitong palaka na nasa kanyang mga braso.

"Oo, at bakit mo ito ginawa sa kapati-.."

"Hahahaha, grabe hindi ko akalain na iyan talaga ang lalabas sa bibig mo mahal na Prinsipe Nexzeuss Lawrence Devilvevoeun."

Napa atras ako at hindi ko mapigilang mapatawa ng pagak dahil sigurado na talaga siya na ako talaga ang gumawa ng kaguluhan sa bayan na ito.

Mula sa pagtawa ay umangat ang gilid ng aking labi at tinignan si Quinta na siyang may kagagawan ng lahat ng ito.

"R-rence, *huk* n-natatakot ako.. b-baka, *huk* baka s-sasaktan niya a-ako u-ulit."

"Huwag ka mag alala nandito lang ako."

Wowww!! Hanep din kayong dalawa ah.

Hindi ko alam kung bakit mas lalong uminit ang buo kong katawan lalo na at tila nararamdaman ko ang isang pintig na sakit sa aking puso habang kitang kita ko kung paano niyakap ni Zeus ng husto si Quinta na umiiyak na para bang handang-handa niya talaga ito p-protektahan laban sa mga taong gusto manakit dito.

Sigi lang, mag yakapan lang kayo.

Sulitin niyo ang oras na ito, mga bwesit kayo.

"Nakalimutan mo yata Zeus kung paano ako gumawa ng gulo at kung ano ang maging hitsura nito. Ikaw naman Quintang pangit na mukhang pwet ng palaka ay huwag kang mag alala dahil ibibigay ko sayo ang hinahanap mo."

Pagkatapos ko bitawan ang mga salitang iyon ay agad kong sinipa ang likod ni Quinta na nasa bisig ni Zeus at dahil sa hindi ito inaasahan ni Zeus ay nabitawan niya si Quinta na tumilapon pa itaas.

Hindi ako nag dalawang isip at tumalon rin ako paitaas at sinipa ang mukha ni Quinta at bumagsak agad ito sa lupa habang hindi na makilala ang mukha pa nito dahil sobrang itim sa aking nagawang pinsala.

Hindi pa ako nakuntento at nilapitan ko pa ito at sinakyan ang kanyang tiyan pagkatapos ay nginisihan.

Kita ko ang takot sa kanyang mga mata na nanghihina na at parang gusto na pumikit pero bago pa man siya makapikit ay ibibigay ko muna ang gusto niya.

"Ito ang gusto mo diba Quinta? Ang makita ng lahat na sinasaktan kita? Pwess matutupad ang kahilingan mo."

Pinagsasapak ko agad ang kanyang mukha kahit wala na siyang malay at panay narin ang agos ng itim na dugo mula sa kanyang pangit na mukha dahil narin sa aking mahika at kapangyarihan.

Diba, sulit ang hinihingi mo?

Diba gusto mo na kaawa-awa ka talagang tignan ng lahat?

Ayan, dahil alam kong awang-awa talaga silang nakatingin sa pagmumukha mo ngayon.

Nang makuntinto na ako sa kakasapak sa kanyang pagmumukha ay agad akong tumayo at tinitigan ang Prinsipe na hindi naka galaw sa kanyang kinatatayuan habang nanlaki ang mga matang nakatingin sa akin.

Kita ko rin ang takot sa mukha ng mga taong nakakita sa aking ginawa habang ang iba naman ay naiiyak at nanginginig kaya nginitian ko na lang sila mas ikinaatras nila.

Psshhhh!! Ang arte, bakit ba sila matatakot,eh maganda naman ang mga ngiti ko.

Binalingan ko nalang muli si Zeus na nakatulalang nakatingin sa aking mga mata na ipinagsawalang bahala ko lamang dahil sa saya na aking nararamdaman.

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Where stories live. Discover now