"Nakalimutan ko nandito ka nga pala Liv!" Natawa kami ni Lou lalo.

"Hindi naman ako magchicheat sayo kahit di mo sabihin your the one and only my babes!" Sabi ni Lou tapos niyakap pa patagilid si Arkhail tapos kiniss pa sa cheeks. Yung Isa naman di na alam kung ngingiti o ano.

"Pulang pula na yung tenga mo Arkhail!" Bulyaw ko. Tapos malakas kami natawa ni Lou.

"Anong nangyayari dito?" Singit ni Samuel tapos tumabi na naman siya sakin pasimple niya akong niyakap sa bewang ko. Napangiti lang ako.

"Inaasar nila akong dalawa brod" Sumbong ni Arkhail. Mula sa pagkakayakap sa bewang ko inakbayan naman niya ako. Samuel is not very clingy at all pag may mga kasama kami pero pag kami lang naman dalawa medyo clingy siya kaya nagugulat ako pag gumagawa siya ng gestures na ganto kahit may nakakakita. Kaming dalawa ata yung couple na kahit hindi masyadong sweet okay lang ang mahalaga our love is genuine.

Habang nakikipagkwentuhan kay Arkhail natawa siya kaya napatingin ako sa kanya lalong gumwapo sa paningin ko si Samuel nagmukha siyang manly lalo kung dati medyo payat siya ngayon medyo nagbroad yung dibdib niya pati yung braso. Yung buhok niya din medyo lumago pero bagay lang sa kanya.

"Nagsumbong ka naman agad sa bestfriend mo! Anyways nasaan na sila Sereng?" Tanong ni Lou.

"Malapit na daw sila! Sinuyo pa daw ni Boss Tom dahil nasigawan niya daw. Knowing them lagi naman ganon yung dalawang yon aso't pusa" Natatawang kwento ni Samuel. Napangiti ako.

"Yung mga gamit niyo Lou, Arkhail ayos na ba?" I asked to them.

"Yes mam" Sabi ni Arkhail.

"Oo nga mamsh! Umaandar na naman pagkananay mo ha! Ayos na lahat all set aalis na lang tayo" Sabi ni Lou.

"All set na dala niya buong bahay niya!" Asar ni Arkhail kay Lou kaya nakatikim siya ng kurot galing kay Lou.

"Yung akin love di mo tatanungin?" Tanong ni Samuel habang nakangisi pa, tumingin ako sa kanya tapos inisnoban ko siya.

"Hindi! Kasi ako naman nag ayos ng gamit mo heler! Kung diko pa ipapaalala di mo aayusin" Sabi ko. Natawa siya tapos hinalikan ako sa pisngi.

"Sorry na love! Diko lang talaga ugali mag ayos ng mga ganon basta na ako nagbibitbit" He said.

"Sus! Reason mo! Arkhail lagay mo na yung gamit niyo sa kotse tapos ikaw love! Lagay mo na gamit natin bilis" Tapos tinapik ko pa siya sa hita. Napailing iling at tatawa tawang tumango si Samuel.

"Yes boss love ito na po!" Tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa tabi ko tapos hinila na niya yung dalawang maleta namin. Light pink ang akin kanya light blue. Hihi ako bumili non para terno kami.

"Babe ang dami mo naman gamit! 3 days lang tayo don para ka namang nagalsa balutan don kana ba titira? Sana pinalagay ko na lang damit ko dito" Rinig kong reklamo ni Arkhail. Paano kasi ang dala ni Lou isang maleta, isang travelling bag tapos isang make up kit bag bukod pa yung hand bag niya lols. Kikay talaga nito.

"Wag kana magreklamo babe ginusto mo akong jowain kaya bitbitin mo na yan" Natawa ako sa sinabi ni Lou nahawa na din siya sa mga words ni Serina. Napakamot na lang si Arkhail sa batok niya tapos Isa Isa niyang binitbit gamit ni Lou plus gamit niya pa lols.



LOU'S POV

NAKASAKAY na kami lahat sa van ni Boss Tom. Si Samuel ang nagdadrive tapos katabi niya si Liv na nasa passenger seat.

Tapos sa first row si Serina at Boss Tom tapos kami ni Arkhail sa second row tapos sa likod yung mga gamit namin.

"Lou meron ka bang sunblock?" Usisa ni Serina sa make up kit bag ko. Curious daw siya kung anong laman non kaya hinayaan ko na lang. Mahilig siya magbag raid very comfortable na kami sa isa't isa.

I Believe In Love (Self Published)Where stories live. Discover now