Chapter 24 - Honeymoon

2.4K 61 35
                                    

Nagbiyahe kami mula sa maliit na munisipyo ng Bantayan nang isang oras at huminto si Archon sa tapat ng isang maliit na port at may naghihintay na bangka, at may isang lalakeng matanda at isang kaedad ni Archon.

"Saan ba tayo pupunta?!" Inis na tanong ko sa kanya pero mahigpit padin ang hawak niya sa kamay ko at patuloy padin akong inalalayan sa beywang hanggang sa makaupo ako sa loob ng bangka.

Katulad noong nasa sasakyan kami, tikom padin ang bibig niya kung saan kami pupunta.

"Archon, walang kasama si Errie." Seryoso kong sabi. "At kagagaling lang ni Errie sa sakit, kailangan ako ng anak ko."

Napabuntong-hininga si Archon at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

"Huwag kang mag-alala, nandun naman si Marites at binabantayan din ni Mama Keena at Mama Mondi ang anak natin."

Nanlaki ang mata ko sa narinig.

"Anong sinabi mo?!"

He looked at me, intently.

"Iniisip mo ba na pakakasalanan kita na hindi nila alam. Nagtatampo sila pero naiintindihan nila kung hindi kapa handa humarap sa kanila. I promised them na they'll see us na ikakasal sa simbahan ulit."

Inirapan ko siya at napabuntonghinga lang si Archon, hindi na siya nagsalita ulit.

"Sinong nagsabing magpapakasal tayo sa simbahan?" Hindi ko napigilan na sumabat.

Then I allow myself to reflect. I am hopelessly romantic, bata palang ako pangarap ko nang makasal sa lalaking mahal ako at mahal ko, engrandeng kasal sa simbahan at bubuo kami ng masayang, kumpletong pamilya. I know, hindi ko na yun matutupad dahil hindi ako mahal ni Archon at hindi ko rin alam kung kaya ko pa ba siyang mahalin. This marriage is only for Errie's sake, malinaw na walang pagmamahal ang namamagitan samin. Para lamg ito mabigyan ng buong pamilya ang anak ko.

"We will." Siguradong-sigurado niyang sabi.

Dumaan ang mahabang katahimikan at nakarating kami sa isang maliit na Isla. Tinulungan kami ng mga kasama namin na magbaba ng mga dalang gamit at naglakad kami sa isang bungalow na bahay.

"Boss Archon, kumpleto po ang gamit sa loob. Babalik na po kami sa kabisera." Narinig ko sabi ng matandang lalaki pagkatapos na maipasok ang mga gamit nnakalagay sa bandang likuran ng bangka.

"Maraming salamat, Elnie. Hintayin niyo nalang ang tawag ko para sunduin kami."

Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto na iiwanan kami ng dalawang bangkero sa isang isla. Kaming dalawa lang!

Hindi pwede! Aakitin ako ng lalaking 'to!

Agad kong kinuha ang maliit kong bag at akmang sasakay ako pabalik sa bangka ay agad na hinawakan ni Archon ang beywang ko.

"San ka pupunta?"

Naiinis ko siyang tinignan, seryoso ang mukha niya pero sobrang taliwas ng mga mata niya na tila nang-aasar, nanunukso.

"Babalik ako sa bayan."

"May honeymoon pa tayo." Agad niya akong hinapit papalapit sa kanya at kinarga sa tradisyunal na paraan. Wala akong nagawa kundi tanawin mula sa balikat ni Archon ang papalayo naming kasama dahil kahit na anong pagpupumiglas ko, mahigpit ang pagkakahawak ni Archon sakin at pinalo lang ang pwet ko.

"Don't touch me! Manyak mo!"

He just fucking chuckled!

"Then stop moving, Wife. Ikaw din, pabor sakin. Papaluin lang kita ulit."

Pinalo ko siya ng malakas sa likod na kinalakas ng tawa ng loko.

"Manyak ako. Sadista ka. Bagay tayo."

Just a Little Bit of Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon