Chapter 17 - Unfair

1.8K 49 26
                                    

Sa unang buwan na wala sa tabi namin si Archon ay palaging umiiyak si Averrie. Nasanay siya na laging ang tatay niya ang unang kumukuha sa kanya kapag umiiyak sa gabi, unang natutunghayan niya tuwing umaga. I know that Averrie is too young pero kakaiba ang bond niya with Archon. It breaks my heart na ako pa ang nagtulak sa tatay niya na iwan kami. Pero lagi kong sinasabi na ako man ang nagtulak, he always had a choice. At ang choice niya ay iwan kami because we're not his priority upon learning about Isla and the baby.

Nakakadurog ng puso. Ilang buwan akong umiyak at tanging si Averrie lang ang naging dahilan ko para bumangon sa araw-araw. Wala na siyang tatay, pati ba naman nanay hindi niya maramdaman. Then I live like nothing hurts, like nothing breaks my heart.

Pagkatapos namin ni Averrie magpalipat-lipat sa iba't-ibang bansa ay napagpasyahan ko na din magstay sa isang lugar. That's when I found Bantayan Island in Cebu. Noong una hindi ko alam kung saan kami magsesettle down mag-ina pero may nakachika ako na isang Filipina sa airport, pinakita niya sakin ang picture ng Bantayan Islands pati nadin ang malapit na Virgin Islands. I got curious, sobra ding nagandahan sa lugar at tamang-tama naman na may kakilala siyang nagbebenta ng bahay with front beach view. I grabbed the opportunity, gusto ko din naman ng bagong scenery at alam kong makakapagrelax ako sa tabing dagat.

Noong ika-limang buwan na ni Averrie ay dumating kami sa Isla, good thing din dahil Averrie started to crawl by then. Lahat ng milestone ni Averrie ay nirerecord ko. Malay ko ba kung isang araw bigla kaming magkita ni Archon. At least may ipapakita ako sa tatay niya.

Napapailing nalang ako sa sarili ko. I refused to wait for him in Italy dahil natatakot akong umasa sa wala. Hindi ko naman ikakaila na noong unang buwan umasa akong hahanapin niya kami. He has all the resources para hanapin kami kaya kung gugustuhin niya at kung kami ang pinipili niya, mahahanap at makikita niya kami ni Averrie.  Yun nga siguro ang nakikita kong dahilan kung bakit nagpalipat-lipat kaming mag-ina, para may maidahilan ako sa utak ko na baka nahihirapan lang siyang hanapin kami.

Kailan nga ba ako totoong humintong umasa na piliin niya kami? Na babalik siya samin?

When I saw them in the news, na may pinakitang picture nila ni Isla na parehas may malapad na ngiti at nakatingin sa isa't-isa habang hawak ni Archon ang anak nilang si Archiel. They looked so happy and so in love, a happy and complete family.

That's the last time I cried because of him.

Hindi ko maipaliwag ang sakit. Mas masakit pa ito sa unang pag-iwan niya sakin, mas doble.

Gusto kong isumbat kay Archon na bakit pa niya pinilit ang sarili niya samin ni Averrie kung sa huli iiwan niya din kami. I already gave him up, ni hindi na ako umasa noon na kaya kong bigyan ng kumpletong pamilya si Averrie but he's so persistent, at noong sanay na ako. When I started to dream of us three, in a happy home, growing old together, lalagapak lang pala ako.

A part of me regrets letting him go kahit na alam ko naman na tama ang naging desisyon ko na itulak siya pabalik kay Isla.

Like the first time he left, I was left no choice but to move on. Mas lalo na ngayon dahil may Averrie na ako. I needed to be stonger for us, kailangan ng anak ko ng isang matatag na nanay. I am her anchor.

After two months namin ni Averrie sa Bantayan ay nagtayo ako ng maliit na cafe,  May 5 tables and 20 chairs lang. I named it 'Coffee on Us'. After ilang linggo ay nakabili ako ng oven kaya nakakapagbake ulit ako, it was like a smaller version ng 'Bitter and Sweets by D'. Nabusy ako kay Averrie at sa maliit kong negosyo.

At after 9 months nang umalis na kami sa Italy, Averrie is almost 11 months ay natuto na siya to stand on her own at nagprapractice ng maglakad sa nursery room at sa crib niya. I am so proud of my baby girl. Matatas nadin siyang bumigkas ng kung ano-anong salita.

Just a Little Bit of Your HeartWhere stories live. Discover now