Chapter 2 - Favorite Daughter-in-Law

1.9K 42 7
                                    

Required bang magpakatanga kapag nagmamahal?

Yes?

or

Yes?

Simula bata palang kami iritang-irita na sakin si Archon. Yung tuwing dumadalaw kami sa kanila lagi siyang nakakulong sa kuwarto nila ni Archer. Pinipilit lang siya ni Mama Keena na lumabas.

Bakit ba gustong-gusto natin ang taong ayaw na ayaw satin?

At bakit hindi tayo crush ng mga crush natin?

Ni minsan hindi ko siya natanong kung bakit iritang-irata siya sa pagmumukha ko simula pagkabata. Sana pala ayun ang unang inalam ko noong magkasama kami.

Medyo may pagkatanga rin ako.

Hindi lang talaga medyo, tanga talaga.

I looked at the acceptance letter dated last year na natanggap ko a week bago pa magsimula ang set up namin ni Aziel. It was an acceptance letter sa isang sikat at prestigious na international cooking Academy sa Italy. Mahilig akong nagluto at magbake kaya culinary arts ang tinapos ko noong college. Noong pagkagraduate ko natrippan kong mag-aral sa ibang bansa para dagdag din expertise sa pagluluto at mas marami pang cultural dishes ang matutunan ko kaya nag-apply ako noon.

Pero walang pagdadalawang isip ko itong itinapon para sa kagagahan ko, para sa pagkakataon na makasama si Archon.

How unfair love is talaga.

Ako na kayang itapon at isantabi ang lahat ng mahahalaga sakin para kay Archon, na para bang siya ang ultimate source of happiness ko.

Samantalang siya, kahit sa hindi naman gaanong kaimportanteng tao o lakad, kayang-kaya niya akong isantabi.

I am his least favorite person.

Kung sa isang bahay na nasusunog at kailangan niyang may isang isasakrispisyo, ako ang isasangkalan niya, walang pagdadalawang isip na ako ang iiwanan niya.

He is my everything and I am his nothing.

Huminga ako nang malalim at nagsulat ng mahabang apology letter sa Academy at humingi ng isa pang chance.

Kaya ko namang hilingin kay Mama Mondi at Papa Ahmed na manirahan sa ibang bansa para makaiwas kay Archon at makamove on nadin pero hindi ko alam na 'tila may pumipigil sakin.

Maybe kapag tinanggap ako ng academy ulit, I'll have no choice but push myself to go.

Pagkatapos kong isend ang email ko sa email address ng Academy ay nagring ang phone ko.

It's Mama Keena.

"Hello, my favorite daughter-in-law!" Masiglang bati ni Mama Keena sakin na ikinasimangot ko naman.

"Mama Keena naman eh. Ayan po ata ang title na hindi ko kailanman makukuha. " Malungkot na sabi ko.

Tumawa lang si Mama Keena at inasar ako.

"Naku, Debbie. Sa isang kambal ka nalang, Anak."

"Yung panganay niyo po ang gusto ko, Mama Keena." Mas humaba pa nga nguso ko.

"Baby girl... pumunta ka dito sa bahay. I've baked your favorite coffee brownies. Dito tayo magkwentuhan."

"Sige, Mama."

Nagbihis lang ako at nagsuot ng highwaist jeans at silky sleeveless na green. Nainis ako nang maramdaman ko ang pagsikip ng pantalon ko. Stress eating pa more.

Alam mo kung ano ang nakakainis sa pagiging heartbroken?

Nakakapangit.

Nakakataba.

Just a Little Bit of Your HeartWhere stories live. Discover now