Chapter 1 - Druken Moments

2.3K 41 8
                                    

Isang buwan nang tapusin ni Archon ang relasyon namin ay nagpatuloy ako sa buhay. Ako padin ang masiyahin at maingay na si Debs. Para hindi ako heartbroken but there are moments everything caught up with me kaya I found myself crying alone.

Ang hirap palang maging broken ang masiyahin, patago ang iyak.

I sighed.

Nandito ako ngayon sa high end bar na pag-aari nila Tito Azi, Papa ni Archon. Dito lang kase kami pinapayagan ng mga magulang namin to chill out, safe kase mga tao nila ang nakabantay samin.

Sinamahan ako ni Kaia at Kayle to chill out. Si Kayle ayun nasa gitna ng dancefloor sayaw nang sayaw. Habang ang mabait na si Kai ay nagdala ng libro at nagbabasa sa harap ko, I wondered kung may nababasa siya. Napailing nalang ako sa dalawa kong matalik na kaibigan. They are twins but so much diffirent pagdating sa hilig at ugali. Parang sina Archer and Archon din.

Agad kong tinampal ang noo ko.

Ayan na naman eh. Pumunta dito sa bar para makalimot pero sumagi na naman siya sa isip ko.

"So, tatampalin mo lang ang noo mo? Sabihin mo nga kung bakit nagyaya ka bigla ng night out? Single kana ulit." Sabi ni Kai habang ang tingin nasa libro niya padin.

Agad nanlaki ang mata ko.

"Wala naman akong naging jowa." Inirapan ko siya, my form of defense sa statement niya.

And I hated to be right, wala naman talaga akong naging jowa dahil hindi naman binigyan ng label ni Archon yung relasyon namin. Ano lang ako labasan ng init ng katawan, pampalipas oras hanggat hindi pa dumadating ang mahal niya.

Unfair din minsan 'tong life eh.

"Hoy, Debborah... Huwag kang maglihim sakin. Kung hindi lalaki yun, babae ba? Magtapat ka nga. Tanggap ka naman namin kahit ano kasarian mo."

"Alam mo siraulo ka din, Kai. Lalake gusto ko."

"Eh.. Yung lalakeng gusto mo hindi ikaw ang gusto."

"Aray. Grabe ka namang mangrealtalk, Besh." Hinimas ko ang dibdib, true naman, truth hurts talaga.

"Sa dami kase ng magugustuhan mo yung suplado ko pang kuya, eh pwede naman si Kuya Archer. Palibhasa, masokista ka, Debs." Inirapan ako ng supladitang kong bestfriend.

Nakangiwi na ako ngayon sa pangrerealtalk ni Kaia.

"So, balik tayo sa iniwasan mo. Sino ang lalaking kinababaliwan mo nitong makalipas na buwan? Lagi kang absent sa happenings e. Si Kuya Archon ba?" Tinignan ako nang derecho ni Kai.

Pasimple akong uminom ng cocktail na inorder ko kanina.

"As if naman papansinin ako ng kuya mo. Allergy yun sakin, diba? Pinanganak ata yung may 'Debs Allergy'."

Tinignan ako ni Kai para bang may hinahanap siya kasagutan sakin.

"Sabagay... Yaan mo na yung kuya kong yun, hanap nalang tayo ng mas gwapo. Hmmm. Bakit pa kase tayo lalayo, si Kuya Archer nalang."

"Tse.. Ako ang maghahanap ng lalaki ko."

Nakahinga ako ng malalim. Okay na sakin na isipin nila that I was hooking or nakikipagkita sa ibang lalaki, huwag lang sa kuya nila. Alam kong magiging malaking gulo yun dahil nililigawan ulit ni Archon si Isla, alam kong hindi magtatagal, sasagutin din siya ulit ni Isla. I hear from Ate Sandra na Isla comes back dahil hindi naging fulfilling ang naging career ni Isla sa Paris. Yes, she was feature on luxurious brand pero she realized na mas masaya kapag kasama niya si Archon.

Napabuntonghinga ako nang malalim.

Kakayanin ko kaya?

Pero wala naman akong choice kundi kayanin at magpanggap na masaya.

Just a Little Bit of Your HeartWhere stories live. Discover now