Chapter 4 - Bridesmaid

1.9K 37 30
                                    

Malaking celebration ang engagement ni Archon at Isla sa aming pamilya. Magkakaibigan ang mga magulang namin.

Si Tito Vik may isang anak na babae, only child nila. Si Tito Perseus naman tatlong lalaki ang anak at ang laging nagpapasakit ng ulo niya. Si Tito Jiyu naman na naka tatlong babae sa kakahabol ng anak na lalaki para magdadala ng apelyido niya. Si Tita Belle at Tito Sandro naman ay may tatlong anak din, si Ate Sandra na pinakamatanda samin, si Ali na mas matanda samin ng tatlong taon at si Isla na halos dalawang taon ang tanda samin.

Ngayon ko narealized na maling-mali ang naging relasyon namin ni Archon, na pwedeng magdulot ng lamat sa malaking pamilya namin.

Oo, una kong nagustuhan si Archon pero si Isla naman ang pinili niya, naging karelasyon at mahal niya.

Oo, wala akong sinirang relasyon dahil tapos at break na sila noon pero kung ako ang nasa sitwasyon ni Isla, I will feel betray. Masasaktan padin ako.

I am feeling guilty.

'I am sorry, Isla.'

Kaya matuturing na blessing in disguise na nakareceive ako ng feedback galing sa Academy. They wanted to admit me again, tamang-tama simula na ang pasukan nila next month.

Alam ko hindi naman mababawasan ang guilt ko kapag umalis ako pero masisigurado ko naman na hindi na makakagulo ang nakaraan namin ni Archon. Baka bumalik nalang ako sa Pinas kapag mayroon nadin akong asawa.

Inampon ako nila Mama Mondi at Papa Ahmed noong limang taong gulang ako. My biological mother was only 16 when she got pregnant with my teenage father, both made a mistake and decided to put up me for adoption. As far as I know my mother is Spanish and my father is Half-Italian and Filipino.

Umaga noong pagkatanggap ko ng re-admission letter, nagpasya akong magpaalam na sa Mother Earth Mondi ko.

Nadatnan ko sila ni Papa na nag-aalmusal sa lanai.

"Good morning to my beautiful parents!" Masigla kong bati at pumunta ako una kay Papa at humalik, ganun din kay Mama.

"Ganda naman ng Unica Hija ko." Hinalikan din ako ni Mama sa pisngi at nilagyan ako ng sinangag at bacon sa pinggan ko.

"Mama, parang masarap ang itlog na maalat na may kamatis dito sa sinangag." Natakam ako ng maisip ko yun.

Nagtawag ako at nakisuyo kay Aling Lota, alam ko naman na meron kaming stock ng itlog na maalat.

"Luh. Kumakain ka ba nun?" Nagtatakang tanong ni Mama Mondi.

"First time, Mama. Nakita ko lang kase sa youtube, natakam ako." Bigla kong naalala ang acceptance letter at binigay kay Mama.

"Ano yan, Debs? Baka mahabang listahan ng credit card mo yan ha." Pang-aasar sakin ni Papa.

"Papa naman eh." Nakasimangot kong sabi habang tinatawanan niya lang ako.

Isang beses kase noong 12 years old ako, nagpunta kami sa isang orphanage, naawa ako sa mga babies kaya nagcheck out ako ng maraming supplies ng diapers, milk at clothes kung saan kami nag-oonline grocery. I never expected na aabot yun sa milyon.

Halos atakihin sa puso si Mama ng makita niya yung bill ng credit card ko eh wala naman daw siyang nakikita binibili ko. But I got away with it dahil maganda naman ang intensiyon ko. Actually, half of my allowance goes to orphanage and charity, hindi ko naman masyadong need ng pera kase kumpleto naman kami sa bahay at hindi naman ako maluho. Kung gusto ko ng mamahaling gamit, mapa-sapatos o pabango o alahas, nagpapabili nalang ako kay Achi. Libre pa! Ang talino ko, 'no?

Tsaka kapag umaalis din ng bansa ang mga Tito, Tita, at Mama Keena, lagi kaming may pasalubong na lahat. I wonder kung hindi ba sila nalulugi, ang dami namin e.

Just a Little Bit of Your HeartWhere stories live. Discover now