Chapter 13 - Co-parenting

2.2K 47 30
                                    

We're at the hospital for the last check up. I am feeling ready and happy these past weeks. Kasama ko si Archon ngayon at natatawa ako sa kanya dahil unconsciously hinawakan niya ang kamay ko at nanginginig niya. Hindi naman siya ang pahihigain sa hospital bed at checheck upin.

"Halu, Mommy Debbie!" Masayang bati ni Dok Jillian, isang Pinay na doktor na nakabase sa Italy dahil nakapangasawa ng Italian Model.

"Hello, Dok Jill! Nasaan si Pietro?" Tanong ko.

Hinahanap ko yung gwapong asawa ni Dok Jill. Nakakunot ang noo ni Archon noong nagbanggit ako ng lalaking pangalan. Tumawa naman si Dok Jill, inirapan ako at kinurot ang tagiliran ko.

"Tse! Huwag mong paglihian ang asawa ko. Lagi nang tulog yun simula nang paglihian mo." She said then gave me a hospital gown to change into.

I looked at Archon pero ang sungit ng aura niya ngayon bigla. I smirked at pumasok na sa maliit ng c.r sa loob ng kuwarto na yun.

Pagkalabas ko ay tinulungan ako ni Dok Jill na humiga at may nakakalokong ngiti.

"Pinaglilihian mo ang asawa ko eh dapat sa tatay ka ng anak mo naglilihi. Ang pogi eh." Hindi man lang nagbago ang expression ng mukha ni Archon, sobrang tahimik padin na tinitignan ang bawat galaw ko at ginagawa sakin ni Dok Jill.

"Hindi naman tatay ng anak ko yan. Ninong niya yan."

Humigpit ang hawak sakin ni Archon, I tried na kunin pero mas lalo lang humigpit ang hawak niya sakin.

"Kamusta ang anak ko, Dok?" Diniinan talaga ni Archon ang pagbigkas sa 'anak'.

"Huwag ka nang majelly, Mister. Ang alam ko patay na patay 'to sa tatay ng anak niya." Sabi ni Dok na nang-aasar ang tingin sakin.

I rolled my eyes.

"Dok, patient and doctor confidentiality? Heard of it?"

"Sungit naman ni buntis. Tsaka hindi naman related yun sa condition mo. Ay! Mali, related pala siya sa heart condition mo."

I felt my hands sweating kaya pinipilit kong kumawala sa pagkakahawak ni Archon pero katulad nang pagtatangka ko kanina, failed. Ayaw niya akong bitiwan.

"Oh.. eto na si baby Peanut. Alam ko namang excited na kayong dalawa."

Titig na titig si Archon sa ultrasound monitor. Ang kaninang madilim at masungit niyang awra ay biglang nawala. His gaze becomes soft.

"Wow... He's now bigger than the last time I saw her. Dati para lang siyang beans ngayon...." Hindi makapaniwalang sabi ni Archon na parang maiiyak.

Gusto ko sana siyang barahin na malamang lalaki yan, nagkaroon ng organs, kamay at paa pero I let him savor this moment with our child.

He put his hand on my tummy and he felt the baby moved for the first time. Feeling ko may tampo din si Peanut sa kanya, this is not the first time he held my tummy after we talked pero kailanman hindi sumipa si Peanut kapag hawak ng tatay niya ang tiyan ko.

"Little Peanut kicked me!" He said in surprise. I could see the pure amusement and happiness in his eyes.

"Ipapasipa kita nang malakas paglabas at paglaki niya."

"I don't mind at all."

Maayos naman ang lahat, nasa tamang posisyon na si Little Peanut at sinabihan ako na nagwalking sa umaga. In next two weeks lalabas na si Peanut. Pagkaraan ay nagpaalam at nagpasalamat kami kay Dok Jill.

We're walking on the pavement when I realized that Archon still holding my hands. Namimihasa na ata 'to.

"Hoy! Kamay mo."

Just a Little Bit of Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon