Parang ganun nga kung yung dress na pinadala ni senyorito Gaston ang susuotin ko. 

"Patingin nung hinatid ni Banoy." pero natigil siya pagkakita sa damit na naka-hanger. "Ay ito ba?" sabi niya na nakatingin dun sa damit. Nahihiya akong tumango sa kanya. 

"Huy bakit iba sayo? Maypa-dress ka samantalang kami t-shirt lang? Ang unfair ni Banoy ha! Pero, ghorl ang bongga nito." namamangha niyang sabi. Oo bongga talaga yung damit. Halatang mamahalin, pati na yung terno nitong sapatos. "Siguradong mapagkakamalan kang isa sa mga mayayamang bisita ng mga Sandoval pag ito ang sinuot mo. Ikaw lang yung maiiba sa amin, pero okay lang din naman kung ito ang susuotin mong damit. Ito ang pinadala sayo eh."

"Hindi ko susuotin yan." mabilis kong tanggi sa kanya. Gustuhin ko mang suotin yun, tama si Amor ako lang ang maiiba sa kanila. 

"Kavogue ka dito, Cam. Bet ko yung damit para sayo. Ito nalang suotin mo. I'm sure 'pag ito sinuot mo, madaming mapapalingon sayo."

At yun ang ayaw kong mangyari. Ayaw kong maging center of attraction. Ni ayaw kong napapansin ako ng mga tao. 

"Okay lang ba kung ibang blouse nalang susuotin ko? May white akong blouse doon, meron din akong black pants."

Hindi naman siguro sila magagalit kung iba ang suot ko. Maliban na lang kung andun sina Roda at Minggay dahil pag nagkataon iisipin naman ng mga yun na gusto ko talagang maging iba sa kanila.

"Okay na yun, hindi na nila mapapansin yun. Akong bahala sayo. Mamaya kung may extrang t-shirt doon na kagaya nitong amin manghihingi ako para sayo."

Nagpaalam ako sa kanyang magbibihis muna. Hindi na ako nagpaalam kay Lolo Ignacio na pupunta ako. Lalapitan ko nalang siya doon mamaya kapag nakita ko siya. Mabilis akong nagbihis ng damit gaya ng sinabi ko kay Amor. White fitted blouse and black high waist pants. 

Hindi na rin ako naglagay ng kung ano-ano pa sa mukha ko para  maiwasang makuha ang atensyon ng iba. 

"Tara na Amor. Baka ma-late na tayo." aya ko kay Amor pagkalabas ko ng silid. Nakatayo pa ito at hinahagod ang tela ng damit na pinadala ni senyorito. Sayang ang ganda pa naman sana kaso hindi ko maisusuot. 

"Amor, tara na!"

"Hala!" eksaherada pa itong nagulat. "Bakit ang ganda mo naman, Camilla? Hindi ka nga nagdress pero mapapansin ka rin sa suot mo."

Pinasadahan ko ng tingin ang suot kong damit. Simple lang naman ito kagaya lang din sa kaniya, black and white ang kaibahan lang hapit ang blouse sa katawan ko pati ang aking pantalon kaya na-eemphasize ang kurba ng aking katawan. 

Hindi na nga ako naglagay ng make up. Nagpulbo lang ako at konting lip at cheek tint tapos pina-curl ko lang ang mahahaba at makapal kong pilik mata. Ang mahabang buhok ko naman ay malinis ang pagkapusod at ang tira ay tinirintas ko para malinis tingnan. 

"Ang unfair talaga ng buhay! Siguro nung nagsabog ng kagandahan ang langit gising na gising si mudra mo at nasalo lahat para sayo. Si nanay kasi tutulog-tulog eh, yun tuloy mga consolation prices nalang yun nakuha para sa amin ni Meling. Mga tira-tira nalang!" nakabusangot pa ang mukha nito. Ang maliit niyang mata ay lalong lumiit dahil sa pagsimangot niya. "Partida pa nga yang damit mo. Paano nalang kung itong dress ang sinuot mo? Tiyak mapapalingon sayo ang ibang bisita doon."

Naiiling akong natawa sa kanya. Ewan ko ba dito kay Amor panay pamumuri nito sa akin na kung tutuusin hindi naman ako ganun kaganda. Iba lang yung kulay ng mga mata ko at medyo maputi lang ako kaya nasasabi nilang maganda ako. 

"Gwapa  jud ka kaayo Camilla ay. Kapag talaga ako nag-asawa na at nabuntis , ikaw ang paglilihian ako. Swerte ng magiging asawa mo, hundred percent sure na sa magandang genes. Hindi lang maganda, matangkad, matalino at higit sa lahat mabait."

Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight (Soon to be published)Where stories live. Discover now