ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 1

Magsimula sa umpisa
                                    

Habang ang dalawang alalay naman nito ay sa aking dalawang mga braso naka alalay.

"Ano ba kasi ang pinaggagawa mo."

Sermon nito sa akin ng magawa na nila akong maitayo pero sa halip na sagutin siya ay mas lalo lang akong napaiyak.

"Wahhhh, ansakit."

Mas lalo lang yata sumakit ang mga hita ko ng makatayo na ako.

"Saan?"

"Sa pep-..."

"Paupuin nalang po muna natin siya Binibining Farina."

Buti pa itong alalay niya ay may malasakit sa akin pero itong si Farina ay parang temang na tinignan ako mula ulo hanggang paa.

Kaibigan ko ba talaga ito? Bakit parang mas malala pa ito kay Prinsesa Zemiragh.

Muntik ko naring masabi na sobrang sakit ng pep* ko dahil sa nangyari kanina.

Tumango lamang ito habang nakakunot noo na pinagmamasdan ako na inaalalayan ng dalawa niyang alalay papunta sa isang mahabang upuan na hindi niya pa yata binuhat dahil nasa tamang pwesto pa ito.

"Ano ba kasi ang nangyari sayo at bakit ganun ang eksena ng pag pasok mo?"

"Kasi balak ko sanang tadyakan ang pintuan mo pero dumiritso ako sa sahig."

Mas lalo lamang kumunot ang noo nito habang ako naman ay hinihilot ang nanginginig kong mga paa at hita.

"At bakit mo naman gagawin iyon?"

"Kasi sinapian ako ng kabaliwan ni Prinsesa Zemiragh at dahil sa kainipan sa tagal mong binuksan ang pintuan ng dormitoryo mo ay tatadyakan ko nalang sana ito."

Nakanguso kong sabi dito at sinisi si Prinsesa Zemiragh dahil sa sinapit ko.

"Eh, hindi naman lampa si Prinsesa Zemiragh eh."

Ang sama.

"Hmmmmp."

Inikutan ko nalang siya ng aking mga mata dahil anong akala niya sa akin lampa?

Eh kung nag sabi lang sana yung alalay niya na hindi niya bubuksan ang pintuan edi sana mahusay ko nang natadyakan ang pintuan niya.

"Pero teka nga, bakit ang tagal mong binuksan ang pintuan ng dormitoryo mo at ano ba ang pinaggagawa mo kanina?"

Kita ko ang pamumula ng kanyang mukha at ang pag iwas nito ng tingin sa akin na tila nahuli ito sa isang bagay na hindi ka aya-ayang tignan at malaman.

"Ahhhh-- wala yu-.."

"Oyy, oyyy, nakita kita kanina at buhat-buhat mo yung dalawang upuan kaya huwag mo nang ipagka-ila pa."

Mas lalo lamang itong namula at kita ko ang pagkagat nito sa kanyang pang ibabang labi at yumuko.

"D-dahil-.. ahmmm.. dahil gusto ko rin lumakas tulad ni Prinsesa Zemiragh."

Hindi ko alam kong matatawa ba ako o hahanga dahil sa kanyang pinaggagawa.

"Hindi mo ba alam na nakakamatay ang mga pinaggagawa ni Prinsesa Zemiragh?"

Kita ko ang pagtataka at pagtatanong nito sa kanyang mga mata ng mag angat ito ng tingin sa akin.

Totoo naman talaga ang sinabi ko eh.

"Bakit mo naman na sabi iyan?"

"Dahil ginaya ko rin siya kanina kaya halos maghiwalay na itong dalawang balakang ko. Kaya huwag mo nang subukan pang gayahin si Prinsesa Zemiragh dahil nakakamatay talaga ang mga pinaggagawa niya."

"Zemiragh: The Unwanted Princess"  S1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon