Chapter 54

1.8K 41 5
                                    

Aria's POV


Dumating na ang araw na pinaka-kinakatakutan ko. Ito na ang araw kung saan paparangalan si Luke. Natatakot ako pero masaya din ako dahil sa wakas, magiging hari na siya ng lugar na ito. Wala akong masabi. Sobrang nakaka-proud si Luke.


I mean, dati ay nagda-doubt pa siya sa sarili niya na maging hari ng lugar na ito. Pero ngayon, wala man lang siyang naging problema. Kung meron man, nagagawan agad ng paraan dahil nasa likuran niya ang council at handang tumulong sa kaniya.


Nakasuot ako ng red na may gold na gown. Naka-bun din ang buhok ko. Gustuhin ko mang mamangha sa itsura ko ngayon dahil para talaga akong nasa disney nang maalala kung ano ang maaaring mangyari ngayon. Natatakot ako. Gusto kong tumakbo at umalis pero hindi ko magawa dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko pwedeng gawin yun. Ayokong iwanan mag-isa si Luke.


Isa pa, nakakahiya na rin kila Queen Cartha. Kung sa kanila nga ay walang problema, bakit sa akin meron? Ni hindi na nga nila pinapansin ang mga naririnig nila sa paligid nila. Siguro ay nasanay na sila o ganon lang talaga nila protektahan ang mga tao sa paligid nila.


"Hey, you ready?" Nakangiting tanong ni Jasmine at ni Sophia nang pumasok sila dito sa room ko. Lumabas na rin kasi ang mga royal servants nang matapos akong ayusan kaya naiwanan ako mag-isa dito. Ang sabi ko nga ay ako nalang ang mag-aayos sa sarili ko since kaya ko naman talaga kaso hindi nila ako pinayagan. May appropriate na ayos daw para sa akin kaya hinayaan ko nalang. Ang dami ko ring suot na alahas. Hindi ako sanay.


"Kinakabahan ako," pag-amin ko sa mga kaibigan ko. Sakto namang pumasok si Mav at Kohen na nakasuot na rin ng suit kaso basta nalang silang humiga sa kama ko. Hindi iniintindi na baka magulo ang mga itsura nila. Hindi rin talaga nawala ito sa mga kaibigan ko. Nakakatuwa kasi kahit medyo matagal na kami dito, may mga ugali pa rin kaming hindi nawala sa amin at isa itong bonding namin. Never talagang nawala sa aming lima ito. Minsan ay kasama pa si Luke. Manonood lang kami ng movie.


"Nandito naman kami." Nakangiwing sabi ni Kohen at ngumiti sa akin. "Hindi kami aalis dito. Kasama mo kami once na kunin mo ang korona. Tsaka if ever na may mang-away sayo doon, aawayin ko rin. Tawagin mo lang ako." Pfft.


"Eh paano nga kung hindi ibigay sa akin?"


"Imposible yun." Sabat naman ni Mav na ikinakunot ng noo ko. Bakit ba ang dami nilang sinasabi huhu. "Hindi mo ba napapansin? Simula nung napunta ka dito sa Arpazia kakaiba na ang aura na ibinibigay mo."


"Aura?" Ano bang sinasabi niya?


"Ay akala ko ako lang ang nakapansin." Nakangiwing sabi ni Jasmine kaya sa kaniya naman napunta ang atensiyon ko. "Nung pumunta tayo dito sa Arpazia, every time na nakikita kita parang automatic na gumagalang yung katawan ko. Hindi ko alam kung bakit pero ganon talaga ang ibinibigay sa akin ng presence mo ngayong nandito ka na sa Arpazia."


"Anong ibig niyong sabihin?"


"Na baka ipinanganak ka talaga para pamunuan ang bansang ito," nakangiting sabi ni Sophia. "Napansin ko rin yun nung mga unang araw natin dito sa Arpazia. Parang matagal ka ng nandito, ganon. Like normal nalang yung presence mo dito sa Arpazia. Hindi na naninibago or what. Halata rin naman siguro kung paano ka iwelcome ng mga tao dito. Parang sanay na sanay na silang nakikita ka."


"Seryoso ba kayo?" Kinakabahan tuloy ako sa sinasabi nila.


"Oo nga," tumayo si Kohen at bahagya akong inakbayan. "Kaya huwag kang matakot kasi you are born to lead this country kasama ang aking tropa."


Captivated By His Enchanted EyesWhere stories live. Discover now