Chapter 43

2K 54 6
                                    

Luke Hayden's POV


Isa sa dahilan kung bakit ako umalis sa Arpazia ay dahil alam kong delikado ako doon. May taong paulit-ulit akong sinisira. Malamang sa malamang, siya din ang nagpakalat na ayokong tanggapin ang throne. Ayaw ko naman talaga kaso hindi ko naman sinabi yun sa kahit kanino kaya paano nalaman ng mga tao sa Arpazia? Isa pang bagay, nasundan na ako ng taong yun dito sa Vinsant.


Siya yung taong muntik ng bumangga kay Aria kaya kinailangan kong lumayo muna sa kaniya at patuloy na ipursue si Ylona. Kailangan ko ng bumalik sa Arpazia. Ayokong guluhin ang buhay ni Aria. Masiyado siyang inosente sa lahat ng bagay.


Kaso palaging nasisira ang plano kong yun. Nakikita ko nalang ang sarili ko na nasa harapan niya.


"Aalis ka ngayon?" Tanong ko sa kaniya at bahagya pang tiningnan si Allen at Ylona na nag-uusap. Gusto kong pigilan si Aria. Pwede naman kasing si Allen at Ylona nalang ang umalis. Tapos sa akin nalang siya sumama.


"Oo. May problema ba? Okay ka lang ba?" Hindi ako okay, Aria. Gusto kong sabihin yun. Gusto ko siyang pigilan pero ano niya ba ako? Sino ba ako sa buhay niya?


"Ito na yung mga information sa ididiscuss ni Prof Pablo bukas. Mauna na ako."


"Teka," napabuntong hininga agad ako nang maramdaman ang pagpigil niya sa akin. Bakit kailangan niyang gawin sa akin ito? Bakit???


"Ano?"


"May kailangan akong sabihin say——" kaso biglang sumingit yung Allen. Nakakainis. Sana umalis nalang sila ni Ylona.


Pinanood ko pa silang maglakad paalis bago tumingin kay Ylona na nakatingin sa akin ngayon. "Ano?" Kunot-noo kong tanong dahil naiinis talaga ako.


"Umamin ka nga sa akin, Luke. Do you really like me? Or you're just playing with me?" Naguguluhan na tanong niya. "Your eyes are expressive, Luke. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung sino talaga ang gusto mo."



"I'm sorry Ylona for doing this. I'm so selfish for not thinking about your feelings. Don't worry. Hindi na kita pipilitin."


"W-what are you saying?" Naguguluhan na tanong niya sa akin. Napailing nalang ako at iniwan na siya sa lugar na yun.


Sumapit ang linggo at wala talaga akong balak na puntahan si Aria ngayon. Kaso halos hindi na ako nakatulog kakaisip kung anong nangyari nung lumabas sila ni Allen. Sila na ba? Nagka-insomnia na ako kakaisip doon. Kung ano-ano na rin ang pumasok sa isipan ko. Gusto ba siya ni Aria? Hindi naman imposible dahil ang daming magandang qualities ni Allen. Napuyat talaga ako kakaisip sa bagay na yun.


"What did you say, Your Royal Highness? You can't do that. Hindi mo pwedeng pabayaan nalang si Miss Ylona. She's your access para makuha ang throne."


"I don't need that throne, Jeff." Madiin na sabi ko. "Dito nalang ako. Hindi na ako babalik."


"What?" Hindi makapaniwalang tanong niya na ikinabuntong hininga ko. "You're kidding me."


"Careful with your words."


"No." Diretsong sagot niya sa akin. "Sa mga oras na ito alam kong tama ako. Hindi mo pwedeng taguan ang responsibilidad mo nang dahil lang sa isang babae."


"Ano bang sinasabi mo diyan?"


"Aria Garcia. You like her, your royal highness. Ayokong makialam sayo dahil finally you have the freedom to choose whatever you want at ayokong pigilan ka doon pero mali itong ginagawa mo ngayon. As much as possible, nakikiusap ako sayo. Tigilan mo ang batang yun. She doesn't even know the real you." That hit me so hard. Hindi niya nga pala ako kilala.


Captivated By His Enchanted EyesWhere stories live. Discover now