Chapter 40

1.9K 35 0
                                    

Aria's POV


Sunod-sunod ang paghikbi ko habang naglalakad papaalis. Napapatingin pa sa akin ang mga guard pero wala na akong pakealam doon dahil gusto ko ng umuwi. "A-ah." Napangiwi agad ako sa sakit nang maramdaman ang sakit sa paa ko kaya dahan-dahan akong umupo sa hagdanan at doon umiyak. Ang malas malas ko naman! Hindi pa ako makaalis dito dahil sa paa ko. Nakakainis!


"Gusto mo na umuwi?" Nag-angat agad ako ng tingin kay Sophia na nasa harapan ko ngayon. Umiling agad ako sa kaniya at muli lang tinakpan ang bibig ko dahil hindi pa rin ako matigil sa pag-iyak. Ang bigat-bigat ng dibdib ko.


Ilang minuto ang lumipas at nanatili lang siyang nakasandal doon sa pader. Halatang hinihintay ako. Pero hindi siya nakatingin sa akin. Nakatingin siya sa sahig. Mukhang malalim ang iniisip.


"Sophia," Tawag ko sa kaniya na nakakuha ng atensyon niya agad. "A-anong kailangan kong gawin?"


"Wala." Diretso niyang sabi. "Wala kang dapat gawin, Aria. Umuwi na tayo." Inalalayan niya agad ako patayo. Hindi ko na rin napansin ang pagdating nila Kohen. Si Mav at Kohen agad ang umalalay sa akin. Samantalang nanatiling tahimik si Sophia at Jasmine sa likuran.


Halos hindi ko na napansin kung saan kami sumakay papauwi. Wala na akong pakealam kung isa yun sa sasakyan nila Luke. Gusto ko nalang talagang umuwi.


Mukhang inaasahan na rin naman nila Mama ang pagdating ko dahil naghihintay na sila sa labas ng bahay. Baka alam na rin nila. Balita ko ay lumabas na sa news ang picture kanina ni Luke doon sa gym. Ang dami ring lumabas na photo niya nung nerd pa siya.


"Magpapahinga na ako. Salamat sa inyo." Tipid na ngiti na sabi ko kila Kohen na hindi na nag-abalang pumasok. Ito ang gusto ko sa mga kaibigan ko. Binibigyan nila ako ng time para sa sarili ko. Hindi naman kasi ibang tao ang makakatulong sayo kapag nakakaranas ka ng ganito. Walang iba kundi ang sarili mo. Kailangan mong magdesisyon kung ano ba ang dapat mong gawin.


Umupo na ako sa kama ko at humiga doon. Muli ko na namang naalala yung nangyari kanina. Ang hirap bitawan ni Luke. Ang hirap niyang pakawalan. May parte pa sa akin na gusto nalang maging selfish kanina. Gusto ko nalang siyang ialis sa lugar na yun. Gusto ko siyang ipagdamot pero para saan pa? Kung kailangan niya na rin namang umalis sa lugar na ito?


Ramdam ko na naman ang sunod-sunod na pagpatak ng luha ko. Hindi ko man lang nasabi lahat. Kung paano niya ako napapasaya. Lahaaaat. Ang dami kong gustong sabihin sa kaniya pero baka kapag sinabi ko, hindi lang lalo siya umalis. Baka lalo ko lang siyang hawakan at hindi na bitawan.


Kinabukasan na nang magising ako. Wednesday. Ilang araw nalang.


Nang magmulat pa ako ng mata ay naamoy ko agad ang pamilyar na pabango na yun. Parang pumunta siya dito. Naging emosyonal na naman ako kahit alam kong imposible ang naiisip ko.


Bumaba agad ako sa kusina para kumain. Hinatiran lang ako nila Mama ng pagkain kagabi. Nahihiya na rin ako sa mga magulang ko kung hanggang ngayon ay ganon pa rin ako. Alam kong nag-aalala rin sila sa akin at ayokong mag-isip sila ng mag-isip dahil doon.


"Huwag ka raw muna pumasok ngayon sabi ng mga professors mo dahil diyan sa paa mo." Sabi ni Mama at nilagyan pa ng gatas ang pagkain na nasa harapan ko. Akala ko aalis na silang dalawa ni Papa pero umupo sila sa magkabilang upuan na nasa tabi ko.


"B-bakit?" Nagtataka kong tanong sa kanila.


"Wala lang." Nakangiting sabi ni Papa. "Namiss lang kita bigla." Kinagat ko agad ang tinapay na nasa harapan ko habang unti-unti ng nagiging emosyonal.


Captivated By His Enchanted EyesWhere stories live. Discover now