Chapter 46

1.9K 42 0
                                    

Aria's POV


Matapos kong sabihin kila Jasmine na pupunta kami ng Arpazia ay nag-impake na agad ako ng gamit ko. Tinulungan pa ako ni Mama tsaka ni Papa. Bukas ng umaga ang alis namin.


"Ayaw niyo ba talaga sumama sa akin?" Tanong ko na ikinatawa nila ng sabay.


"Bakit? Mamamanhikan na ba tayo, anak?" Sumimangot agad ako sa sinabi ni Papa pero bahagya na ring natawa dahil may point nga naman siya. "Tsaka na kami sasama. Kayo nalang munang magkakaibigan. Basta ha.. mag-iingat ka doon, Aria. Iba na ang lugar na yun dito, okay?"


"Ikaw po, Ma? May sasabihin ka rin ba?" Tanong ko kay Mama na ngumiti agad sa akin.


"Wala. May tiwala naman ako sayo. Yang Papa mo lang naman ang marami ang sinasabi palagi."


Halos hindi ako makatulog buong gabi kaya 4am palang ata ay naligo na ako dahil 8am ang flight namin.


Nagsuot lang ako ng light blue high-waisted pants na wide-legged at sandong puti at white shoes bago ko isinuot yung ocean blue na hoodie na ibinigay ni Luke. Hinayaan ko lang rin na bumagsak ang buhok ko dahil medyo malamig naman. Madaling araw kasi. Pero hindi ko rin kasi alam kung anong oras kami makakarating sa Arpazia kaya mas mabuting maaga na.


Inahatid lang ako nila mama sa labas ng airport bago ako pinapasok sa loob kung saan ko nakita ang mga kaibigan ko.


"Gagi ka Aria! Hindi ba ito scam? Nakaimpake na ako talaga! Tingnan mo naman yung mga maleta ko!" Bungad agad sa akin nila Jasmine na hinihintay ako.


"Kaya nga. Nag-impake rin ako.. gagi. Ang dami kong dala na damit. Nung sinabi mo na pupunta tayong Arpazia, nag-impake na agad ako. Gagi. Hindi ako excited ha." Natawa agad ako sa reklamo nung dalawa. Sabi ko na nga ba at magrereklamo ang dalawang ito. Si Mav lang naman at si Sophia ang tahimik dito dahil nanonood lang sila ngayon.


"Totoo nga. Bakit ba ayaw niyo maniwala sa akin?" Tanong ko at nauna pang maglakad sa kanila papunta doon sa entrance since nakita kong nagpapasok na. Sumunod naman agad sila sa akin.


"Anong nakain mo at ginusto mong pumunta bigla sa Arpazia? Okay ka lang?" Nagtatakang tanong ni Mav sa akin.


"Tsaka saan galing ang ticket mo?" Si Sophia naman ngayon. Akala ko mananahimik na silang dalawa pero ayan nga. Kung yung dalawa ay puro reklamo, ang dalawang ito naman ay puro tanong.


"Sa father ni Luke."


"KAY KING ARMAN?!???" Sabay-sabay na tanong nila kaya sinenyasan ko agad sila na huwag maingay dahil nagtinginan yung ibang tao sa amin.


"Oo. Nagkita kami kahapon."


"Hoy!" Hinampas agad ni Sophia ang balikat ko. "Baka naman naghahallucinate ka lang kasi imposible yang sinasabi mo! Bakit siya pupunta rito??"


"Hindi ko rin alam, okay? Pero ibinigay niya kasi sa akin ito...." Ipinakita ko agad sa kanila ang ticket na hawak ko kaya sabay-sabay na nanlaki ang mga mata nila.


"Baka naman hindi si King Arman yun. Baka ini-scam ka lang! Nako! Halika na nga at ipakita mo na yan doon sa nag-aassist para malaman natin kung uuwi na ba tayo o ano," Sabi ni Jasmine at hinila na ako papunta doon sa eroplano nang tawagin ang mga pupuntang Arpazia.


Captivated By His Enchanted Eyesحيث تعيش القصص. اكتشف الآن