Chapter 11

2K 45 2
                                    

Aria's POV


Lumipas ang tatlong araw ng pagtulong ko kay Luke kay Ylona. Every day siyang nagdadala ng rose at naghihintay sa hallway na dumaan si Ylona. Palagi kasi akong pumupunta sa faculty kaya nakikita ko yun. At sa napapansin ko, paulit-ulit lang din naman na tinatanggihan ni Ylona yun.


"Bilib din talaga ako diyan kay Luke. Gustong-gusto niya si Ylona." Bulong ni Kohen sa likuran ko na sinang-ayunan naman nung tatlo. Galing kasi kaming cafeteria. Kakatapos lang kumain at naabutan si Luke na naghihintay na naman dito sa hallway.


"Ganiyan talaga nagagawa ng isang tao kapag nagkagusto noh? Mukhang tanga." Nakangiwing sabi ni Jasmine at nanghingi pa ng turon kay Sophia. Binigyan naman siya agad ni Sophia. Last na kasi yung binili niya. Palaging nagkakaubusan ng turon dito sa cafeteria namin. Ewan ko ba.


"Kakaiba din talaga magkagusto si Luke. I mean, nung monday daw ay hinintay niya pang lumabas ng room nila si Ylona to the point na napagtripan na naman siya nila France."


"Ano? Bakit hindi niyo sinabi sa akin?" Kunot-noong tanong ko kay Sophia. Hindi ko narinig yun ah. Wala akong nabalitaan na ganon.


"Malamang! Hindi naman kasi namin sinabi dahil alam naming makikialam ka na naman," Masungit na sabi na naman ni Jasmine. "Para kang nanay ni Luke. Ready palaging ipagtanggol yung anak niya. Umamin ka nga, anak mo ba yan?"


"Tanga.." Sabi ko kaagad sa kaniya at tiningnan si Luke. "Next time kapag may nangyaring masama sa kaniya, sabihan niyo agad ako."


"Bakit namin gagawin yun? Nahihibang ka na ba?" Tanong ni Sophia na ikinabuntong-hininga ko. Alam ko naman na naiintindihan nila ang punto ko na pagtulong kay Luke. Ang kaso... mas lamang sa kanila na baka mapahamak ako once na makialam ako. Ni hindi ko pa nga naikwento sa kanila yung hinabol kami ni Luke last time nung mga lalaki. Kapag sinabi ko yun, baka bumuntot ang apat na ito palagi sa akin.


"Kaibigan ko si Luke, okay? Hindi pwedeng hindi ako makialam." Buntong-hininga kong sabi at pinanood na abutan ni Luke ng bulaklak na naman si Ylona na nilagpasan lang siya. Kitang-kita ng dalawang mata ko ang pagbuntong-hininga niya at ang pagbagsak ng mga balikat niya. Tss.


"Hoy! Saan ka pupunta???!" Tawag nila Mav sa akin pero nagtuloy-tuloy na ako papunta sa harapan ni Luke at kinuha ang bulaklak na hawak niya na ikinagulat niya pa.


"Thank you." Nakangiti kong sabi at bahagya pang ginulo ang buhok niya bago tuluyang pumasok sa loob ng room namin. Inilagay ko agad ang rose sa bag ko bago inilabas ang mga libro sa susunod na subject.


"Nagdududa na talaga ako sayo, Aria." Napapailing na sabi ni Sophia na ikinatigil ko sa pagsusulat. Naalala ko na naman tuloy yung nangyari nung linggo doon sa market. Hindi ako makapaniwalang sinabi kong may nagustuhan na ako. Mabuti nalang at hindi na inintindi ni Luke yun kaya maayos kaming nakauwi.


"1, 2... good afternoon, Prof Yuan." Bati naming lahat bago sabay-sabay na umupo. Reporting lang naman ang meron ngayon. Nauna na akong magreport kaya nagreklamo agad ang mga kaklase ko dahil sa standard daw na si-net ko. Diniscuss ko lang naman yung introduction. Bukod doon, wala na nga akong ginawa masiyado kahit marami pa akong plano.


"Okay. Write your questions about the lesson today and ask them after the discussion." Paalala ni Prof Yuan at umupo na sa available na upuan. Tumayo naman sa harapan ang ilang kaklase ko at nagdiscuss ng report nila. Hindi rin ako nagsulat ng question dahil sinabihan na nila ako. Huwag daw ako magtanong. Ayokong pahirapan ang mga kaklase ko kaya sinunod ko sila. Isa pa, kami-kami lang din naman ang magtutulungan dito.


Captivated By His Enchanted EyesWhere stories live. Discover now