PROLOGO

16 0 0
                                    

BAD ROMANCE
Written By: MARXXZS


DISCLAIMER: This is a work of fiction, names, characters, businesses, songs, places, events, and incidents that are either product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to an actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.

No part of this book may be reproduced in any form or by any means without the author's consent.

Any similarity of line, characters, and scenarios from other stories are unintentional and just coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, create derivative works from or exploit the contents of this story in any way.

Read at Your Own Risk!

Wide Understanding and Higher Reading Comprehension are what are needed in this story.

WARNING: SOME SCENES MIGHT TRIGGER YOU, THIS CHAPTER HAS A VIOLENT, MATURE, AND STRONG LANGUAGE.

READ AT YOUR OWN RISK. YOU CAN SKIP THIS CHAPTER IF IT MAKES YOU UNCOMFORTABLE AND TRIGGERED YOU.

Beware of some grammatical errors and typographical errors, please excuse, I'm not very fluent in English Language and also I'm not sure sa page-English ko so bear with me also I'm not sure sa sentence construction ko pasensya na (DM me na lang para itama ako)

You better skip this story if you don't like it as simple as that.

I started writing this story noong January 2021

READER'S DISCRETION IS ADVISED.

[R-18]

ONCE AGAIN, I'M NOT ROMANTICIZING THIS TYPE OF CONTENT AS WELL AS NORMALIZING IT. BEFORE YOU JUDGE THIS STORY, READ IT FIRST.


2 years ago...

MAHIGPIT ang kapit ni Sean sa buhok ko, tila ba'y matutuklap na ang anit ko sa sobrang lakas. Ramdam ko ang matinding galit niya sa pamamagitan nang paghila sa buhok ko.

"A-ARAY! A-AHHH! MASAKIT!!" Malakas na pagdaing ko at na may pagkagaralgal. Naglandas na rin ang mga luha mula sa mga mata ko, nasasaktan ako sa higpit nang kapit niya sa buhok ko.

Para bang isang hila na lang niya sa buhok ko ay tuluyan nang mahihiwalay ang anit ko mula sa ulo ko.

Halos kalmut-kalmutin ko na nga ang kamay niyang mahigpit ang kapit sa buhok ko upang bitawan niya ito, ngunit hindi ito tumatalab sa kaniya kahit na nababalatan ko na ang balat niya sa kamay niyang hinihila ang buhok ko gamit ang kuko ko. Gayunpaman, pilit pa rin akong nagpupumiglas sa kabila n'on.

"Nanggigil ako sayo Cara!" Mariin niyang bigkas, "P*tangina kang BABAE ka!"

Halos iika-ika at natatapilok ako dahil nakasuot ako ng stilleto.

Nakakapit pa rin ang kamay niya sa buhok ko habang iginigiya niya ako papasok ng mansion, habang ako ay walang magawa kundi ang magpatianod na lang sa kaniya.

Sinipa niya ang large door ng mansion dahilan para bumukas ito. At para namang mawawasak ang pinto sa sobrang lakas nang pagkakahampas nito sa pader.

Pagkatapos ay hinigit niya ang buhok ko sa marahas na paraan, papasok ng mansion.

Bad RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon