I rubbed his back, trying to comfort him. "Nasaan na ba siya? Buhay pa ba siya Kuya? Anong pangalan niya?" I curiously ask.

Hindi ko rin kasi siya maalala.

Umiling siya."I don't know anymore Ree, hindi ko alam kung buhay pa siya o patay na but his name is Vektor." parang tumigil ang mundo ko sa narinig.

Did I heard it right? Vektor? No, baka ibang Vektor ang ibig niyang sabihin. Imposibleng si Pops 'yon.

"M-may p-picture ka pa ba niya?" I stuttered, already nervous.

"No, Mom won't let me see Dad's photos, lahat ata ng picture ni Dad ay sinunog na niya. Pasensya na at wala akong maipakita." Nakahinga ako nang maluwag pero nalulungkot din.

Paniguradong hindi 'yon si Pops.

"Ayos lang, sana buhay pa siya. I want to see him."

"Me either. By the way, D'mitri mentioned that your guardian was Alonso?"pag-iiba niya sa usapan.

"Uh, oo 'yong umampon kasi sa'kin namatay 'e kaya siya na ang naging guardian ko kasi mag-kabigan sila. Wala na rin kasing ibang pamilya si Pops." paliwanag ko.

"It's good to know that the man adopted you was kind at hindi ka pinabayaan." I smiled, naalala ko si Pops.

Tama ka, sobrang bait no'n kaso pinatay 'e, g'go talaga ang taong pumatay sa kaniya.

Naikwento ko rin sa kaniya kanina ang nangyari sa'kin nang mawala ako, lahat ng naalala ko ay sinabi ko. He's very furious nang malaman niya, lalo na sa mag-asawang kumuha sa'kin. Na ginamit lang ako para sa kasakiman nila.

"I think it's time for dinner, bumaba na tayo. I will cook for you." Nakangiting usal niya.

|^▽^|

Tumayo kami at tumungo sa dinning area. "Marunong ka pa lang magluto Kuya? Akalain mo 'yon, noon nga muntik mo na atang masunog ang bahay." bulong ko, kaya lang mukhang narinig niya ata kaya kinurot ang tenga ko. "Aray! Loko ka ah!" Pinalo ko ang braso niya.

And he just laughed at me, pft, kainis.

Pagbaba namin sa sala ay nandito ang lahat at nanonood ng movie. Train to Busan ba 'yan? Ang tagal na niyan ah, ngayon lang sila nakapanood.

"Oh Val! Yiiee ayos na sila!" Tumaas ang balikat ko nang sumigaw si Abe.

Aiishh, ang lakas talaga ng boses ng ungas na 'to.

Nilingon nila kaming lahat. "Buti at ayos ka na." saad ni Ash, ngumiti lang ako.

Akala ko ba ay umuwi na sila?

"Big Sis kumain na kami, nagluto kanina si Abe 'e." masayang sabi ni Steel.

"Yeah, may tira pa diyan pero you can cook if you like." Ani ni Storm.

Tumango ako. "Mabuti kung gano'n, magluluto na lang kami." sabi ko.

"Tulungan ko na kayo."

"Let me help you." Sabay na sabi ni Bricks at D'Mitri saka lumapit sa'min.

Anong problema ng dalawang 'to?

That Girl Is A Gangster (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon