- Chapter 14 -

88 47 0
                                    

Chapter 14
Past

I stood up. Everyone is silently looking at us. Inaabangan kung ano ang mga mangyayari. Buti na lang at wala pa ang teacher namin, dahil kung nagkataon ay malalagot na naman ako kay Alonso.

"That was before and it has nothing to do with you."

Edi don't.

"You are the problem here kaya 'wag mong ibahin ang usapan."

Pinigilan kong mapairap. "Oo na, ako na po ang problema sa napakapayapa niyong school. Ako po ang gumulo sa mga buhay niyo, ako na ang masama, ako na lang. Kaya sorry ha," sarkastikong sabi ko.

Wala siyang sinabi, sa halip ay tinalikuran niya kami at umalis na para bang walang nangyari.

Jerk.

Ang iba ay nag-iwas na lang ng tingin. I crossed my arms and let out a heavy sigh.

"Val," natingnan ko ang nagsalita.

"Problema niyo?" masungit kong tanong habang nakataas ang kilay.

Lumunok sila. "Patawad dahil binastos ka namin." Natahimik ako sandali.

"Sorry Val."

Ang magkapatid na sina Wayne at Waldon, humihingi ng tawad? Anong nakain ng mga 'to?

Natingnan ko sila nang sobrang tagal bago umiwas ng tingin.

"Ayos lang, 'wag niyo na lang gawin sa iba." Ngumiti sila.

"‘Wag mong pansinin si D'Mitri," sabi ni Abe sa'kin. "Ganyan lang talaga 'yan, masyadong madrama."

Sinabi mo pa.

"Hey, ayos ka lang?" Gulat kaming tumingin sa kaniya.

"Ash, buti nandito ka. Nakita mo ba si D?"

Bakit siya nandito?

"Yeah. Narinig kong nagkakagulo, I was watching outside," he said.

"Nagulat nga rin kami eh. Ayos naman siya kanina. Bigla na lang nagalit," sabat ni Luke.

"Hayaan niyo na," sabi ko."Nangyari na eh."

Hindi na kami muling nakapag-usap  nang dumating na si Sir, umalis na rin si Ash. Nakinig na lang ako ngunit biglang sumagi ulit sa isipan ko sina Luke, Abe at Ash.

Why are they not mad at me? It's like mas concern pa sila sa'kin kaysa kay Rohan. And matagal na silang magkakilala, eh ako? I know they will never trust me, they don't even know who I am.

Kaya sa kabila ng kabutihan na pinapakita nila, hindi pa rin ako sigurado kung tunay iyon.

♕➺♕➺♕

Ashryvyr's Point of View

I followed D'Mitri when I stepped out of their room. We have no class, Ma'am Antonia cancelled it since she has an important seminar to attend.

Naabutan ko siya malapit sa gym at naninigarilyo. Umupo ako sa tabi niya.

Kahit noong mga bata pa kami ay ganito na talaga siya. He is silent but deadly. Ewan ko ba, ang astig niya lang kasi noon.

That Girl Is A GangsterWhere stories live. Discover now