Tumigil ang sasakyan sa harap ng mataas na building. Pag-aari iyon ni Gotham.

Inupos ko ang sigarilyo sa upuan at bumakat iyon sa fabric ng seat.

"This way..." I followed them.

Tumungo kami ng elevator, isang bodyguard ang sumama sa akin at pinindot ang button ng penthouse. Kinagat ko ang aking labi. Hindi ko alam ang madadatnan ko sa loob, bahagya akong kinabahan.

The door opened. Ilang kalalakihan ang nadatnan ko sa itaas. Hanggang sa main door lang ako inihatid ng tauhan niyang sumama sa akin, binuksan nila ang malaking pinto.

Huminga ako ng malalim, naglakad ako papasok ng penthouse ng mayroong kaba. Mabilis ang tibok ng puso ko, I was definitely nervous. Umikot ang aking paningin sa kabuuan ng penthouse.

"Where have you been?" a baritone voice asked me from the vack.

Humarap ako sa pinanggalingan ng boses. Napalunok ako ng muling nasilayan ang lalaki.

Aba't ang gwapo ng gago.

I cleared my throat. "Prison," Nagkibit - balikat ako.

"Why didn't you contact me? I have been searching for you all those two years you were gone." Mariin ang kanyang bawat salita.

"Why would I?" I raised a brow.

Umigting ang kanyang panga, mas lalo naman akong napangisi.

"Oh, pikon ka na naman?" pang-aalaska ko kay Gotham.

Gotham Wolfgang Arkinson. The asshole.

Nakasunod sa kanya ang isang batang lalaki. Sigurado akong lagpas na ito ng tatlong taon. He was eyeing me from head to toe. Naka-ekis ang braso niya sa kanyang dibdib. Nagtama ang aming paninging dalawa.

"Who's s-she, papa?" tanong ng bata.

"Filantropi..." he called my name.

Ganoon pa rin ang hagod ng kanyang tono kahit dalawang taon na ang lumipas. Masarap pa ring pakinggan ang pangalan ko kapag siya ang nagbabanggit nito.

"My son, Garrison Voight." He introduced the little kid. "Filantropi Agnes Masimsim, she will be your mother from now on..."

Napanganga ako. Halos malaglag ang aking panga sa sahig sa pagkabigla ng sinabi ni Gotham. Wow, kalalabas ko lang kulungan, instant mommy agad ako? Tangina talaga nitong si Gotham.

I knew he has a son, I just haven't met the kid before I got imprisoned. "Ang bobo mo naman, bakit ako ang gagawin mong nanay ng anak mo?" I glared at him.

His brow raised at me. "You're my wife, remember?"

Nabulunan ako ng sariling laway. Namula ang kabuuan ng aking mukha.

It was true, we got married. I married him for the sake of digging gold. He's the gold.

Yes, Gotham is my husband. And it's Filantropi Agnes Masimsim-Arkinson, supposedly. Hindi naman ako sigurado kong registered ang marriage certificate naming dalawa.

"She doesn't l-look like a nanay. She's like a tambay." The little man commented.

Epal.

Umusok ang aking ilong sa narinig. "Maliit na bakunawa..."

Sumimangot ang batang lalaki sa akin.

"I don't like her," he murmured loudly.

Tumawa naman ako. "Sino bang nagsabing gusto kita?" I retorted.

Akala yata niya hindi ako pumapatol ng away sa bata.

Tinalikuran niya ako at bumalik sa pinanggalingan kanina.

Naiwan kaming dalawa ni Gotham sa sala. Ipinagkrus ko ang kamay sa aking dibdib at humarap sa kanya.

"Wala kang sustento sa akin ng dalawang taon," saad ko pa. Makapal talaga ang mukha ko. It was innate. Mas lalo akong lumapit sa kanya. "Hindi ba't asawa mo ako?"

Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng kanyang mukha. Namulsa siya at deretsong tumingin sa mga mata. He moved closer till his face was just inches from from mine. Pinagsisihan ko ang unang naging hakbang ko.

"How about your responsibility with me?" he asked with that intimidating tone. "You just left your husband without saying anything..."

Hindi naman agad ako nakasagot. Gusto ko lang namang magbakasyon sa kulungan para makalimutan ang lahat ng pinoproblema ko sa buhay, maiba lang. Alam ko ang pasikot - sikot, mas madali sa aking mangapa sa dilim.

Nanlaki ang mata ko ng kintalan niya ng halik ang aking labi. It was only a smack.

"Welcome home, wife."

I was caught off guard. Hinawakan niya ang aking kamay at inilagay ang isang card.

"You do what you like," he said. "But make sure you tame that little beast, he's spoiled... you're his only hope."

Titig na titig siya sa aking matang nanghihipnotismo. "I don't like to kiss a smoker."

Iniwan niya akong tulala. Umismid ako sa kanyang sinabi. Nang bumalik ako sa realidad, tiningnan ko ang card na ibinigay ni Gotham.

Oh, yes, a black card. Lumaki ang ngisi ko. Sino ba namang hindi matutuwa sa maraming pera?

Muling umikot ang aking mata sa kabuuan ng penthouse. Ang daming gamit at furniture na maaari kong isangla, tiba - tiba ako kapag nagkataon. It's just that, everything here is heavily guarded.

What else is not... guarded?

His heart.

Guarded ✔ (Alpha Sigma Omicron #5)Where stories live. Discover now