110

209 5 2
                                    


MESSENGER

Frel Agustin

Today 9:39 PM

Frel:
Omg mesh
Sorry di ko alam na pupunta pala si Vance
Sabi niya kasi before hindi e
Baka pinilit ng boys
Sorry talaga kanina
Awkward sayo

Mesha:
Wag ka magsorry wala kang kasalanan
Tsaka wag mo na isipin
Wala namang kaso
Di naman awkward

Frel:
Ows
Halata sis ang awkwardness niyo
Hahahahaha
Buti madaldal ang boys
Halatdong nag-iiwasan kayo ng tingin

Mesha:
Hindi ko iniiwasan ng tingin

Frel:
Huli ka sa cam sis
Wag ka na magdeny

Mesha:
Hindi nga aba

Frel:
Hay nako sis
Hindi ba talaga kayo nag-uusap?
Closure?
Or comeback?

Mesha:
Ano ba yang mga pinagsasabi mo 😒

Frel:
Di naman sa pag-aano pero
halatang deds pa rin kayo sa isa't-isa
hahaha wag ka magalit
Grabe mag-iwasan ng tingin
kapag nagsasalubong mga mata
pero yung palihim niyong tingnan
may spark e

Mesha:
Spark ka dyan
Baka kulo ng dugo yon

Frel:
Baka nag-iinit na pagmamahal yon

Mesha:
Ay corny yarn

Frel:
Hahahaha
Alam mo ichika ko lang sayo
First time ko lang makita si Vance na ganon
Kanina nong magkausap kayo ni Ben
Selos na selos ang koya mo
Ang sama ng tingin kay Ben kapag lumalapit mukha sayo
Tapos kinausap pa niya si Ben kanina bago umalis sa restobar
Baka binakuran ka na
Tinakot ata si Ben eme HAHHAHAHA

Mesha:
Ha???!

Frel:
Di ko sure pero sobrang seryoso ni Vance e
Tinakot ata Benny lol

Mesha:
Bat naman niya gagawin yon?!

Frel:
Ay bhie para nga bakuran ka ano ka ba
Paulit-ulit tayo dito?!
Hahaha chz

Mesha:
Wala siya karapatan na gawin yon!
Hindi ko na siya boyfriend!

Frel:
Bhie chill ka lang
Ako to si Frel
Scary exclamation point mo
Hahhahaahahaha grr
Tsaka kilig kay Vance

Mesha:
Hindi naman kasi dapat niya
kinausap pa si Ben
Like ano namang paki niya

Frel:
Ganyan talaga pag nagseselos sis
Tsaka halatang di pa siya over sayo

Mesha:
Eh kaibigan ko lang naman si Ben

Frel:
Yuz
So ano plano mo?

Mesha:
Kakausapin ko siya.

Frel:
Hala sige go
Comeback pls!

Mesha:
Tanga hindi

Frel:
HAHAHAHHAHAHA
Ay

▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃

Vance Earl Magahis

10:02 PM

Mesha:
Kinausap mo raw si Benny?
Ano, tinakot mo?
Pinagsabihan mo?
Bakit? Dahil lang kinausap ako?
Break na tayo, Vance.
Wala kang karapatan na magselos.
Kahit pa maiinggit ka dyan
o magselos kay Benny,
wala ka nang pakialam.
Seen

When He LiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon