075

178 3 0
                                    


(Phone call)

Vance:
Ang ingay mo.

Mesha:
(Sniffs) Tangina. Eh sa naiiyak ako, e.

Vance:
(Chuckles) Hindi halata.

Mesha:
Hoy, gago, tinatawanan mo ba ako?!

Vance:
(Chuckles) Hindi, ah.

Mesha:
Gago kasi. Akala ko talaga kailangan ko pang magretake. Ayoko pa naman ng gano'n. Nakakahiya kay mama.

Vance:
Edi wag ka na umabsent lagi. 'Wag ka na petiks.

Mesha:
(Chuckles) Oo, bagong buhay na ako.

Vance:
Mas mahirap Ticketing kaysa do'n. Hindi naman gaanong mahirap 'yung Lath pero binasta mo.

Mesha:
(Grunts) Oo na.

(Pause)

Mesha:
Ayos naman talaga ako sa pag-aaral. Napadalas lang talaga absent ko noon. Tas hindi rin nakakasubmit ng mga requirements.

Vance:
Sino bang may sabi sa 'yong umabsent ka?

Mesha:
Madami akong problema no'n kaya hindi ako naka-focus. (Sighs) Kakabreak lang namin no'ng ex ko.

Vance:
Dahil lang do'n?

Mesha:
(Scoffs) Anong dahil lang do'n ka dyan?!

Vance:
Why are you always shouting?

Mesha:
(Tounge clicks)

Vance:
'Wag mong hayaan na maapektuhan ng kung sino man ang pag-aaral mo. Sabi mo nahihiya ka sa mama mo 'pag umulit ka ng subject. Lalaki lang 'yan, Mesha. Hindi d'yan umiikot ang mundo mo. Hindi lang sa pag-ibig.

Mesha:
(Sighs) Why do you sound so bitter? Based on experience ba yan? (Chuckles)

Vance:
Hindi ako bitter. I'm just saying some words of wisdom.

Mesha:
Psh. Hindi bagay. Pero tama ka naman. Hindi lang sa lalaki umiikot ang mundo.

(Long pause)

Vance:
Are you okay now?

Mesha:
Hmm?

Vance:
You still think of your ex? You still love him?

Mesha:
Of course, I still think of him. Minsan. . . Kapag walang ginagawa. . . Kapag mag-isa ako. But love? I don't know. I guess my love for him faded when I saw him kissing another girl.

Vance:
Y-you're ex cheated on you?

Mesha:
Yup. Hindi ko nga matanggap noong una kasi naisip ko. . . why would he cheat on me? (Sighs) Tangina, hindi pa ba ako sapat? Then, I guess if the boy wanted to cheat, they'll do it. No matter if they're drunk or sober.

Vance:
U-uh. . . (Stutters) I didn't know what to say.

Mesha:
(Chuckles) It's okay. Natanggap na ng sistema ko.

(Long pause)

Mesha:
Nand'yan ka pa ba?

Vance:
Hmm. . . I wanted you to know that it's not your fault. Don't ever think less of yourself just because of what he did. Hindi mo kawalan ang mga manloloko, Mesha.

Mesha:
(Heavy sigh) That sounded so nice. For the past few months pakiramdam ko kahit anong pag-aalo ko sa sarili ko na hindi ko naman kasalanan na nagloko siya, wala pa ring epekto. Sa dulo ng isip ko, ako pa rin. Ako pa rin 'yung nagkulang. But hearing you said these things. . . it felt nice. Parang nagkaroon ako ng kakampi.

Vance:
That's good. Pero 'yung mga kaibigan mo? Close kayo 'di ba? You can always depend on them.

Mesha:
(Awkward chuckle) Super. Parang mga kapatid ko na mga 'yun. (Pause) But I have no courage to tell them the reason why Thirdie and I broke up. Kaibigan din kasi nila. Thirdie has been a good friend. . . sa aming lahat. It's just that ayokong masira 'yung pagkakaibigan na 'yun. . . dahil lang sa akin.

Vance:
But it's a burden for you, right? Na hindi mo masabi sa mga kaibigan mo ang totoo?

Mesha:
(Heavy sighs) Oo. Tanginang feelings 'to.

Vance:
So basically, ako lang ang may alam ng bagay na 'to?

Mesha:
Yes. I don't know why I'm comfortable telling you.

Vance:
Baka dahil feeling mo hindi naman ako chismoso.

Mesha:
Ah, so feeling ko lang 'yun?

Vance:
(Chuckles) Do I look like a fucking gossiper here?

Mesha:
Hindi. Alam kong safe ang sikreto ko sa 'yo, dahil d'yan bff na kita!

Vance:
(Chuckles) Oh, fuck! No!

Mesha:
Hoy, gago ka! Grabe ka mag-no! Diring-diri ka ba sa akin?!

Vance:
Bff sounds funny but I'm not going to be your bff.

Mesha:
Edi 'wag. Limited lang offer na 'yun 'no.

Vance:
Paki ko d'yan sa bff na 'yan.

Mesha:
Attitude mo talaga.

Vance:
Akala mo naman hindi ikaw.

Mesha:
(Chuckles) Edi it's a tie. (Pause) Siraulo ka. Nagagalit ka pa sa akin kapag nagmumura ako eh ikaw rin naman.

Vance:
Naririndi kasi ako sa boses mo.

Mesha:
(Sarcastic) Wow! So pati sa chat naririndi ka?! Naririnig mo 'yung messages ko?! Talent yarn?!

Vance:
(Chuckles) You're shouting again.

Mesha:
(Shouts) Wala kang paki!

Vance:
(Warning tone) Mesha.

Mesha:
(Chuckles) Joke lang, sorry na. Sige, ibalita ko muna sa mga chikabebes ko 'yung mabuting balita ko. (Pause) (Clears throat) U-uh. . . Thank you, Vance. Sa pagtulong sa akin. . . at sa mga sinabi mo kanina.

Vance:
Okay.

Mesha:
Ayun, bye.

Vance:
Bye, Mesha.

(Pause)

Call ended.

When He LiedWhere stories live. Discover now