Chapter 42

8.7K 406 39
                                    

Apollo


"Ayaw ko na papa" Naiiyak kong sabi dito pero naiiling na tinulak ako sa mga pinsan ko.


"Such a crybaby but we know na mage-enjoy ka dito" Wala na akong nagawa kundi sumama sa kanila dahil hawak nila ako sa magkabilang braso.


Sumakay na kami ng sasakyan at hindi ko alam kung saan na naman kami pupunta. Sa totoo lang pagod na ako lalo't na kakababa lang namin sa bundok. Nag-aya kasi si Sena na magpicnic daw sa hindi ko alam na pangalan na bundok.


Akala ko may sasakyan kami pero naglakad kami ng mahigit dalawang oras, sobrang sakit ng buong binti ko. Tapos eto na naman at hinihila nila ako.


"You really look like Tito Anton" Sabi ng pinsan kong si Wesi.


"We thought you're a boy. Tito said kasi na he have a son" Akala ko din po ehh. Half po ako hahaha.


"Sena, tito said she's intersex" Honest naman ni papa.


"But who's your wife pala?" Tanong ni Wesi.


"Ahm si Catalina"


"Full name cous" Excited na sabi ni Rena, kambal ni Sena.


"Catalina Vergara" Nagulat silang lahat kaya pati ang nasa unahan ng van napatingin sakin. Sa pinakalikod kasi kami nakapwesto. Katabi ko Wesi at Sena.


"Hell, that very sexy hot woman?! Oh my!" Manghang sabi ni Jason.


"Oo at may anak na kami" Napangiwi ako nang nagtilian ang dalawang katabi ko at may hampas pang kasama. Nagising tuloy si Louise at Tanya, mag-asawa ang dalawang 'yan.


"What the hell is that noise?! children" Saway ni ate Tanya. Pinatulog ulit ang asawa nito.


"Ate Tanya diba kilala mo si Catalina Vergara?" Tanong ni Sena dito.


"Yeah, she's my friend" Kaya pala magka-vibes sila. Parehong masungit at mapang-angkin.


Sobrang kulit nila at talagang hindi nila tinitigilan sa mga tanong nila about samin. Uminit ang pisngi ko dahil sinabi nila na napakabata ko pa pero nakagawa na ng bata.


"Well she's going to be a Leone soon, kapag naayos na ni Tito Anton ang birth certificate mo" Tumango ako dito. Pinapaayos na ni papa ang mga papeles para makuha ko ang apelyido niya, Leone.


Tatlong araw na lang uuwi na kami sa Pilipinas. Kaya sinusulit nila na kasama ako. Sa lahat ng magpipinsan ako ang pinakabata.


"Ano name ng anak niyo?"


"Sekiora Paige" Narinig ko pa silang nag'ohh'. Namiss ko tuloy anak ko.


Sa maghapon na 'yun wala silang ibang ginawa kundi ang hilahin ako kung saan. Akala ko sa mall kami pupunta pero hindi, sa mga museum ako dinadala wala naman akong maintindihan sa mga 'yon. Magaganda lahat ng obra pero hindi ko hilig ang pumunta sa mga ganon.


Marami silang ine-explain sakin pero wala don ang atensyon ko kundi sa tiyan kong naga-alburoto na, sobra na akong gutom. Pareho kami ni ate Louise na nagdudusa.


"Takas tayo, Apollo dali" Pasimple kaming lumayo at tumalikod na, tatakbo na sana kami ng may humila samin.


"At san kayo pupunta?" Natatawang tanong ni Sena habang hawak ako sa braso pabalik sa iba. Nakasimangot kaming dalawa ni ate Louise sa buong hapon.


"Last na 'to at uuwi na tayo" Buti naman. Nang matapos na ay kumain muna kami kung saan may malapit na kainan.


Naparami ata kain ko kaya nagpaalam akong lalabas muna. Hindi ko alam kung san kami kumain pero masarap lahat lalo na ang pizza nila. Habang nagpapababa ng kinain may lumapit sakin na babae.


Hindi ko makita mukha niya dahil naka-facemask ito at salamin na itim.


"Hi! Can we take a picture together?" Alanganin akong tumango dito. Tinanggal na nito ang nakaharang sa mukha niya. Nagulat ako sa nakita dahil ang ganda niya, para siyang artista o modelo.


"I'm Frances Healani Smith but call me Lani" Nilahad nito ang kamay niya na tinanggap ko naman. Napalunok ako ng matindi dahil mapapasabak ako sa english.


"And you are?" Hala Apollo magsalita ka!


"A-apollo" Lalo akong nabighani sa kanya nang ngumiti ito. Pero mas maganda pa din asawa ko.


"So let's take a picture" Tumango ako at lumapit na agad ito sakin, sobrang dikit.


Nung una magkalapit lang kami pero maya-maya nakayakap na siya sa braso ko. Naiilang na ako sa lapit niya, matapos niyang kumuha ng picture ay hindi pa rin siya bumibitaw.


Nagulat ako nang halikan ako nito sa pisngi at kasabay ng may tunog ng pagkuha ng litrato. Bumitaw ito at pumunta sa harap ko.


"You're so cute. I like you" Grabe! Cute daw ako?!!


"Here's my address in Philippines and Italy. If you want me just go to my place, and I'm gonna pleasure you" Akala siguro nito lalake ako?


"I-i'm a girl" Akala ko magugulat ito pero hindi, lalo lang siyang ngumit. Tingin ko dudugo na ilong ko dahil may accent siya kapag nagsasalita.


"I know dear, I don't like boys"


Magsasalita pa sana ako nang may mga taong nagsisilapitan dito kaya sinuot na nito ang facemask at aalis na sana ito ng hinalikan ako nito sa labi tsaka bumulong.


"See you soon dear"


Napahawak ako sa labi ko at biglang pumasok sa isip ko ang madilim na aura ng asawa ko. Kinabahan ako bigla tsaka wala naman akong kasalanan. Bigla na lang akong hinalikan ehh at--


"Apollo!"


Nagulat ako sa sumigaw ng pangalan ko, lumingon ako don at nakita ko ang pinsan kong nakatingin sakin. Lumapit na ako sa kanila.


Inakbayan ako ni Sena at Rena na may ngisi sa labi habang ang mag-asawa pailing-iling lang. Si Wesi naman nanakot pang tumingin sakin.


"Ikaw ha! May chicks kana agad-este kabit. Bawal 'yon  aa pamilya natin" Sabi ni Rena.


"Oo nga, wala sa lahi natin ang mga cheater Apollo kundi mapapaalis ka sa pamilya natin" Banta naman ni Sena.


"Isusumbong kita sa asawa mo" Napatingin ako kay Wesi.


"Hindi ko naman 'yon kabit eh" Depensa ko.


"Hinalikan ka sa labi tas hindi mo kabi?!"



"Siya ang humalik, hindi ako. Wag niyo akong isumbong hindi naman 'yon totoo. Nagpa-picture lang siya sakin tas bigla akong hinalikan, hindi ko naman inaasahan 'yon" Paliwanag ko.


"Oops, alam na pala ni Catalina" Sabi ni ate Tanya. Nginuso niya ang nasa likod ko kaya tumingin ako don. Napaatras at nanlaki ang mata sa nakita.


"C-catalina" Teka? Bakit ako kinakabahan?! Wala naman akong kasalanan.


"Hello there my love"



=====




Her ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon