Chapter 36

7.8K 337 27
                                    

Apollo


"Ma'am kumain na daw kayo" Hindi ko ito pinansin at nakatingin lang sa labas ng bintana.


"Nasa lamesa lang po pagkain niyo" Narinig ko ang pagsara ng pinto. Napabuntong-hininga ako. Akala ko sa bahay kami pupunta pero sa isla na naman.


Dalawang araw na simula ang pagkuha sakin ni Catalina, hindi ako kumakain pero nainom lang ng tubig o gatas na timpla ko. Hindi ako makagalaw ng maayos dahil masakit ang parte ng dibdib ko.


Napaiyak ako ng tahimik dahil parang ibang Catalina na ang kasama ko. Nagawa pa niyang pasuin ako sa may tapat ng puso ko ng C.M.L's. Nagising na lang ako nun na nakaupo ako at nakakadena ang buong katawan sa isang madilim na silid.


Don ko siya nakitang nakatayo sa harap ko habang hawak ang isang nagbabagang bakal na may naka-ukit na C.M.L's. Sobrang sakit nang idikit niya 'yon. Iyak ako ng iyak sa kanya at nagmamakaawang itigil pero tuwang-tuwa pa siya pagkatapos.


Hanggang ngayon wala akong balita sa mga kaibigan ko, sinira niya ang phone ko at pinasara ang gaming room at internet dito. Tanging Tv lang ang magagamit dito.


Sa dalawang araw kong nandito nakaisip na din ako ng paraan para makatakas. Tuwing gabi kasi nagsisi-uwian ang ibang bantay sa dagat gamit ang maliit na yacht at iniiwan lang sa may buhangin. Yun ang gagamitin ko.


Hindi na ako magdadala ng gamit baka makahalata sila, maraming cctv dito pero sa likod wala masyado kaya dun ako dadaan.


Binuksan ko na lang ang tv buti naman may magandang palabas. Habang nanonood napahawak ako sa may taas ng dibdib ko dahil kumikirot na naman, may naramdaman akong basa at pagtingin ko dumudugo na. Ang sakit.


Kinuha ko ang telepono tsaka tinawagan ang nurse ko. Ilang minuto lang dumating na ito at agad na ginamot.


"Ma'am wag niyo pong tanggalin suot niyo, magagalit si Ma'am Catalina" Pinipigilan niya akong hubarin ang damit ko. Hindi ko ito pinakinggan at tinuloy ang paghubad.


"P-pano mo m-magagamot s-sugat ko kung nakadamit ako?!" Inis kong sabi dito. Namumula ang mukha nito habang nililinis ang sugat. Wala kasi akong suot na bra pero nakaharang naman ang damit ko sa may bandang dibdib.


Alam ko ang dahilan niya, nagagalit kasi si Catalina kapag tinatanggal ang damit ko kapag nililinis ang sugat pero mahirap kung gagamutin ako ng may harang sa sugat.


Nakasandal ako sa kama habang ginagamot at nanonood ng tv. Nabaling ang tingin ko sa nurse ko, hindi ko alam kung nurse ba talaga siya muka kasing bata pa.


Maganda siya sa totoo lang pero may pagka-clumsy, palaging nanginginig ang kamay kapag nililinis sugat ko, masayadong magugulatin, at nerbyosa.


"May asawa kana?" Curiuos kasi ako sa kanya. Napatingin ito sakin namumula talaga mukha niya.


"W-wala papo" Malumanay nitong sagot. Ganda ng boses niya para kang hinehele.


"Ilan taon kana?" Nilalagyan na niya ng ointment ang sugat na nagpaigtan sakin ng konti.


"20 po" Mas matanda pala siya sakin tas ino-opo ako.


"Wag kang mag-opo, 17 pa lang ako kaya dapat ako ang nago-opo sayo" Tumango naman ito.


"Nurse ka ba talaga?"


"Akala ko ba ikaw ang mago-opo sakin?" Muka naman siyang bata eh kaya wag na.


"Ayoko tsaka parang magkasing-edad lang tayo" Maliit kasi siya. Ngumiti naman


"Sa totoo lang hindi talaga ako nurse, nanay ko lang po ang nurse tinuruan niya ako mag-gamot sa sugat" Hmm..okay.


Ilang sandali lang natapos na din, pinakuha ko siya ng damit ko yung maluwag sakin. Umalis din siya agad kaya ako na lang ulit mag-isa. Ang boring.


Hindi pa rin ako kumain at iniinom lang ang gatas. Pinatay ko na ang tv tsaka lumabas ng kwarto. Papa-araw ako saglit tsaka gusto ko rin malibot buong isla nila.


Wala ngayon si Catalina dahil may meeting daw siya. Kaya malaya ako ngayon. Naglakad muna ako sa mga buhangin, ang linis dito at ang linaw ng tubig halatang inaalagaan. Hanggang ngayon hindi ko alam kung saan gawi 'to ng Pilipinas o nasa loob pa kami ng bansa.


May nakita akong matandang lalaki na nagwawalis sa resort dito. Tanungin ko siya kung na saan pa kami.


"Manong, itatanong ko lang po kung saan isla po ito?" Nanlaki ng bahagya ang mata nito tsaka yumuko ng bahagya. Luh bakit?


"N-nasa pagmamay-ari po--" Alam ko na 'yan.


"Nasa loob po ba 'to ng Pilipinas?"


"Opo"


"San po sa Pilipinas?"


"Gitna ng Taiwan at Batanes" Malayo pa rin, kakayanin kaya?


Nagpasalamat na lang ako tsaka umalis. Napunta ako sa likod ng resort at nakarinig ako ng huni ng mga hayop, agad akong pumunta dito. Namangha ako sa nakita parang manila zoo pero libre dito. Andaming hayop pero ang mas nagustuhan ko ang baby tiger, ang cute.


Lumapit ako dito at hinawakan ang nakaharang na salamin. Pumunta din ito sakin tsaka umupo sa harap ko at tinagilid ang ulo parang gusto ko ng magbago ng isip na tumakas dito.


Gusto ko sanang hawakan kaso baka sugurin ako ng nanay nito at makain ako ng wala sa oras. Maya-maya ay tumayo ito at pinatong ang mga paa sa salamin kung nasan ang kamay ko. Napangiti ako sa ka-cutan nito.


"Gusto niyo ba siyang pakainin?" Tumayo ang balahibo ko sa gulat at agad na napatayo. Isang babae na may hawak na palanggana at bote na may lamang gatas.


Nagsuot ako ng gloves at 'tong tsaka kumuha ng manok at nilagay sa may butas. Agad naman kinain ng tigre para akong nanonood ng live mukbang, nakakatakam.


"A'po po ang pangalan niya"


"Ikaw po nagpangalan?" Umiling ito sakin.


"Si Ma'am Catalina po. Si A'po lang ang nakaligtas nung nasunog ang dating kulungan nila dahil sa kagagawan ng mga lasing na tauhan ni Ma'am" Lungkot naman non, nawalan agad siya ng pamilya.


"Ano pong nangyari sa mga tauhan?" Napalunok ito.


"S-sigurado ka bang g-gusto mong malaman?" Tumango ako dito.


"Mahal na mahal ni Ma'am ang mga tigre kaya nung nalaman niyang namatay ito. Pinadukot niya ito at kinulong sa kulungan ng mga leon at kinain sila ng mga ito" Kinilabutan ako bigla. Ganon pala siya magalit, mas masakit yung sa kanila.


"Bakit po A'po ang name?" Nagkibit-balikat ito.


"May naalala lang daw siyang tao sa tuwing nakikita niya 'to" Sini kaya 'yun?


"Pwede ko ba siyang hawakan?" Dumedede na kasi sa bote niya habang nakahiga pero nakatingin sakin.


"Pwede naman po, wag po kayong mag-alala trained po siya ni Ma'am at sa tingin ko po gusto ka rin niya" Ngumiti ako dito at binalik ang tingin sa tigre.


Para kang amo mo, mukhang inosente pero delikado.


=====



Her ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon