Chapter 7

9.7K 369 15
                                    

Apollo

"Ajo, pansin ko lang parati kang puyat. Ano ba nararamdaman mo?" Tanong sakin ni Mari.


Tama siya palagi akong puyat. Paano ba naman ikaw kaya sa pwesto ko. Si Scarlett kasi masyado nang nagiging posessive yung may kausap lang ako magagalit agad sakin o sa kasama ko, isama mo pa si Catalina gabi-gabi akong inaabangan samin tapos hahalikan ako agad.


Isang linggo na kaming magkarelasyon ni Scarlett, ayos naman kaso yung posessive niya over na ehh. Balak ko na sanang makipag-hiwalay dahil nasasakal na ako sa kanya, minsan pinagbibintangan pa akong cheater dahil nakita niya lang akong may kausap na babae. Kausap ko lang naman yung leader namin sa group reporting dahil hindi ko masyadong gets yung lesson.


Pero tsaka na lang ako makikipag-hiwalay, kausap ko muna siya baka sakaling magbago diba. Malapit na din birthday ko yey! Isang linggo na lang makakakain na din ng spaghetti hahaha.


Nagpapasalamat din ako dahil hindi na nagpaparamdam si Catalina buti naman, kapag kasama ko siya bumibilis tibok ng puso ko para akong aatakihin ng hika ko kaya iwas na iwas ako.


"Nagugutom ako, kain tayo" Ungot ko dito.


"Gaga ka! 2 minutes na lang magsisimula na klase. Kay Miss Chaves pa tayo ngayon" Ano ba yan nagugutom na ako ehh. Nalate ako ng gising kaya eto kakamadali hindi man lang nakapag-umagahan.



"Baka may food si Pres, hingi mo ko dali" Binatukan niya ako dahil doon.


"Porke't may gusto sayo si Pres aabusuhin mo na, binigay na nga niya yung pagkain niya sayo kahapon" Ayy oo nga pala ehh teka hindi naman ako humingi sa kanya kusa niya kaya 'yon binigay. Sama ng ugali nitong si Maribelle nagseselos lang yan dahil crush niya si Pres hahaha.


Gaganti na sana ako ng dumating na si Miss Chaves--este ang girlfriend ko. Pumasok na siya at humarap samin, ang ganda talaga niya hindi ko na tuloy balak makipag-hiwalay dito. Habang nagtuturo ito tumitingin ito sakin at biglang kikindat kaya namumula mukha ko.


"Get one while sheet of paper, we have a quiz now" Ayy hala wala akong alam! Sa kanya lang kasi ako nakatingin, paano 'to?!



Napatingin ako sa katabi ko sakto at si Isa 'to, ayos makakakopya ako.


"Isa pakopya ako" Binigyan ko ito ng matamis na ngiti kaya bigla itong namula na tumango sakin. Good good.


Habang nagsasagot nagulat kami ng hampasin ni Scarlett ang lamesa niya at masama ang tingin sakin. Hala nalaman niya kayang kumokopya ako kay Isa sana wag naman huhuhu.



Natapos na kami at ipinass na namin ang mga papel. Kinalabit ko si Isa para magpasalamat sa kanya. Alam ko naman na tama lahat 'yon dahil siya ang top1 namin.


"Miss Ortiz in my office before breaktime" Maotoridad na sambit ni Scarlett. Sumagot lang ako ng yes ma'am dito tsaka umalis na agad. Habang nag-aayos ako ng gamit tumunog ang phone ko.


09********
7 days to go and you'll be mine.


May countdown pa talaga siya ha. Ilan beses na itong nagtetext sakin na talagang inaangkin niya ako, hindi ko lang pinapansin baka naghahanap lang ng textmate para sa mga baliw hahaha.


Binalik ko na sa bulsa ang phone ko at nag-ayos na para sa next subject.


Natapos na ang klase at breaktime kaya pumunta na ako sa office ni Scarlett. Pagpasok ko naka-upo ito sa mini dining area at may mga pagkain sa lamesa. Sosyal noh may mini dining area at kwarto siya sa office niya, pwede na yata akong tumira dito kumpleto na ehh.


Her ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon