Chapter 35

7.6K 339 51
                                    

Apollo

"May charger kayo?" Tanong ko sa kanila. Nalobat na phone ko kasi na-adik ako sa larong pinasa sakin ni Ivy. Hindi ko tuloy naalalang magpaload.


"Wala bes, sila tita meron kaso hindi lapad" Pano 'to? Baka galit na si nanay, makakatikim ako ng super thunder belt niya at flying tsinelas.


Pangalawang araw na namin dito. Mamaya na lang kami gagala kasi nagkaproblema mga tiyan namin pag-uwi dito.


"Punta tayo sa Mines view park kita daw yung bundok sa Cordillera" Suhensyon ni Maribelle.


"Dapat mga bago mag-gabi tayo pumunta para maganda view" Sabi ko. Nakita ko kasi sa internet na mas maganda kapag palubog ng araw pumunta don.


"Inom ulit tayo ng gamot bago umalis" Tumango kami sa sinabi ni Ivy.


Bukod sa Mines view park balak namin mag-night market dito. Sobra akong nage-enjoy dito bukod sa malamig dito maraming magagandang tanawin.


Matapos ng tanghalian umalis na kami, syempre bumili ulit ako ng taho.


"Tatlo po manong, wala pong sago" Habang ina-handa ni manong ang pagkain may nakita akong pamilyar na tao. Nagpaalam ako saglit at nilapitan ito.


Nakasuot ito ng maong shorts at hoodie na pink. Nilapitan ko ito at tinawag.


"Shiela?" Humarap naman ito at tama ako. Nagulat pa ito ng makita ako, ngumiti din agad at niyakap ako.


"Hayy salamat akala ko tuluyan na akong maliligaw dito" Hinawakan niya ang braso at inaya sa nagtitinda ng taho.


Binayaran ko na ito at pumasok na sa van. Nagulat pa sila Marlon sa kasama ko. Binigay ko ang isa kay Shiela.


"Mag-isa ka lang ba Shiela pumunta dito?" Tanong ni Ivy. Hindi ako makapagsalita dahil puno ang bibig ko.


"Actually no, I'm with my friends kaso sa dami ng tao nahiwalay ako sa kanila"


"Sama ka na lang samin" Agad naman tumango ito at ngumiti.


"After a thousand years nakarating na din" Napatawa naman kami sa sigaw ni Maribelle. Nakakapagod pumunta dito park pero sa ganda ng tanawin mawawala pagod mo.


Kitang-kita nga yung bundok ng Cordillera dito at sariwa ang hangin. Naputol ang pag-tanaw dito ng tawagin ako ni Shiela. Tumabi ito sakin at pinatong ang ulo sa balikat ko.


"The moon is beautiful isn't it?" Huh? Wala akong makita.


"Maulap Shiela hindi ko makita yung buwan" Buti pa siya nakita ako hindi.


Tumawa ito ng mahina napailing na lang ako, iba ata trip niya.


"What a dense of yours. I'm confessing now pero nakalimutan kong slow ka minsan" Huh? Hina ng boses niya di ko marinig.


"Anong sabi mo? Hindi ko kase narinig yung huli, hina kase ng boses mo" Umiling lang ito at binalik ang tingin sa harap.


Nagtagal pa kami doon bago umalis, nagugutom na kami kaya maghahanap kami ng karinderya o kahit ano basta may kanin.


Hindi nagtagal nakakita na kami. Lahat kami may extra rice pwera lang kay Shiela, diet daw siya. Pagkatapos kumain lumabas na kami at uuwi, madilim na kasi ang langit at kumi-kidlat na.


Papunta pa lang kami sa sasakyan nang may humintong itim na van sa harap namin. Sa bilis ng pangyayari pinag-aagawan nila ako, mga lalaking nakaitim ang pilit na hinihila ako.


Teka ano naman 'to? Kidnap na naman? Ayoko na. Kinagat ko ang kamay ng isang lalaki dahilan nang pagkabitaw niya sa kamay ko, binilisan namin ang pagtakbo palayo pero napatigil nang may narinig kaminh putok ng baril.


"Ibigay niyo samin si Apollo kung ayaw niyong mamatay lahat" Sigaw ng lalake. Natatakot na ako, sobrang lamig ng pawis ko.


"Tatawag kami ng pulis--" Naputol ang sigaw ni Marlon nang magsalita ulit ang lalake.


"Sige pero bago pa makarating dito ang mga pulis, patay na kayong lahat" Kung sumama na lang kaya ako, baka may mangyaring masama sa mga kaibigan ko.

Hahakabang na sana ako palapit dito nang pigilan ako ni Shiela.


"Wag kang sasama sa kanila Apollo, masasama silang tao" Alam ko pero madadamay kayo.


Nangungusap ang mata nitong nakatingin sakin. Habang nag-iisip isang boses ang labis na nagpayanig ng takot ko.


"Apollo Jonquil" Malamig nitong sabi. Namanhid na ata ang katawan ko at ayaw kumilos. Gusto kong umalis pero mas iniisip ko ang mga kaibigan ko.


"Get in" Agad na akong kumilos pero hinawakan ni Shiela ang kamay ko. Kita ko sa mata niya ang pag-aalala.


"Please wag" Umiling ako dito at inalis ang kamay nito sakin.


Hindi pa ako nakakalayo nang pinaharap ako nito at kasunod non ang pagdampi ng labi niya sakin. Nanlaki ang mata ko sa gulat pero mas nanaig ang takot.


Tulala pa rin ako ng magbitaw ito, agad naman akong nagulat nang magpaputok ulit ito ng baril. Napatingin ako kay Catalina na sobrang sama ng tingin samin at nakatutok ang baril kay Shiela?


"Get her in" Agad naman naglumapit sakin ang mga lalake. Malalakas sila kaya hindi na nila napigilan. Nang makalapit kay Catalina nakatutok pa rin ang baril nito kay Shiela.


"C-catalina wag mo siyang s-sasaktan, pakiusap. Sasama na ako sayo pabayaan mo na siya" Napalunok ako nang tumingin ito ng masama sakin, sobrang sama.


"Don't make me repeat what I said, dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko"


"P-pero Cata--Hinde!!!" Tatakbo na sana ako ng buhatin ako ng isang lalake papasok ng sasakyan. Umiiyak akong pinagmamasdan ang nakahigang si Shiela habang naliligo ng sariling dugo.


Galit na binalingan ko si Catalina, magkatabi lang kami sa upuan at walang ibang tao kundi ang driver lang ang kami.


"Mamatay tao ka! Bakit mo 'yon ginawa?!" Madiin nitong hinawakan ang panga ko, bumabaon ang kuko niya dito at sobrang sakit non.


"You cheated on me, anong gusto mong gawin ko? Matuwa. She deserved that" Pabulong pero nandon ang diin nito sa sinasabe.


"Shut your fucking mouth sa bahay tayo mag-uusap" Tumahimik na lang ako sa buong biyahe. Hindi din naman siya maniniwala kapag sinabe ko ang totoo.


Lumipas ang ilang oras akala ko sa bahay uuwi pero ibang daan na ang tinatahak namin. Nalilitong tinignan ko si Catalina.


"Hindi ito daan pauwi samin"


"I know" Alam pala niya pero.


"Saan tayo pupunta?" Hindi ako nito sinagot pero hinalikan ako nito agad kasabay nang pagtusok ng isang bagay sa leeg ko. Pilit akong umaalis pero unti-unti na akong nanghihina hanggang sa dumilim na ang paningin ko.


=====



Her ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon