Chapter 1

17.4K 485 23
                                    

Apollo


"Tsong tara laro tayong volleybal sa bakuran nila Ivy" Aya sakin ni Marlon.

"Maya na tinatamad pa ako" Tumahimik naman ito at naramdaman kong umupo ito sa tabi ko. Hindi ko ito pinansin dahil nakatutok lang ako sa tv. Oggy and the cockroaches ang palabas, paborito ko ito ehh.



Kukuha pa sana ako ng pagkain ko ng wala akong makuha. Marami toh ah pagtingin ko wala na ito. Huminga ako ng malalim at tiningnan ang may sala pero nakatakbo na ito.


"Shuta ka!!! Bumalik ka rito!!! Bakla kvngina ka!!" Hinabol ko ito. Bwisit na baklang yan. Inubos ang dynamite(siling panigang na binalot sa wrapper na may karne sa loob) ko.


"Aray!! Beshi naman, hmp" Nang maabutan ko ito sa court binatukan ko agad.


"Teka, may bagong bahay pala dito beshi, ayy nako sana naman may fafa jan" Napatingin ako sa bagong bahay. Literal na napaamang kami dahil ang ganda. Bibihira lang kase magkaroon ng bahay na magaganda dito sa probinsiya namin kadalasan ay yung mga opisyal dito.


"Baka kay mayor lang yan"


"Ayy true beshi. Napakasipag magpa-gawa ng bahay niya pero ang tamad magsilbi sa lugar natin, sayang lang boto ng mga magulang natin"



"Nasan naba sila Ivy? Kung sino pa malapit ang bahay, siya ang pa ang late dumating lagi" Inis kong sabi.



"Sabi niya kase 2pm" Magsasabi ng oras pero hindi naman dumadating sa ganong oras.


"4pm dating nun. Pilipino time diba" Anas na sabi ko. Tumingin ako sa paligid at nakita ang bola ng volleyball. Kinuha ko ito at pinalo papunta sa direksyon ni bakla.


Sapollll hahahaha.

"Walangya ka beshi!!! Wag mong sirain ang beauty kong fes!! Argh, isa ka talagng festi" Sigaw nito. Patili-tili lang yan sa umaga pero sa gabi dapat barako yan. Pulis kasi tatay niyan at galit pa sa bakla kaya ayun takot siyang umamin, buti na lang ang nanay niya tanggap siya.


"Marloonnn!!! Ajooo!!" Nako po ayan na siya.


"Pisti ka Maribelle, yang bunganga mo ha!"


"Mabango bakit? Ehh yung sayo??" Hamon nito kay Marlon.

"Mabangong mhabhangooo" Sinadya talaga niyang ipaamoy dito kay Maribelle ang hininga niya.


"Gosh ang bahooo" At yan na, nagsimula na silang mag-away. Sila Maribelle at Marlon ay magkapatid, mas maingay si Maribelle at mas maarte si Marlon.


"Hi Ajo" Bati nito sakin at ngumiti. Hindi ko tuloy napigilang kurutin ang pisngi nito dahil ang cute.


Napasimangot siya dahil don kaya napatawa kaming dalawa ni Marlon. Nag-kwentuhan muna kami habang inaantay yung isa.


"Gaga hindi kay mayor 'yang bahay. Iba may-ari niyan" Napatingin kami kay Ivy na kakarating lang. Lakas talaga ng pandinig nito.


"Ehh kanino?" Tanong ko. Umupo ito sa tabi ko bago magsalita.


"Ewan nga pero sobrang ganda ng may-ari. Makalaglag panty mga beshhh" Ahh babae pala may-ari.


"Kaso mukhang masungit, itsura pa lang. Pero maganda siyaaa ahhh!!" Tili nito kaya napatakip kami ng tenga.


"Tama na chismis maglaro na tayo" Aya ko dito baka gabihin kami kakachismis dito.


Nagsimula na kaming maglaro. Apat lang pero ayos na dahil yung iba may pasok sa school kaya bukas pa sila makakasali dito, sabado naman bukas kaya masaya maglaro. Habang kami pachill-chill muna dahil wala kaming pasok, nagkasit teacher namin kaya pahinga. 4th year highschool pa lang kaming nila Marlon habang yung dalawa 3rd year highschool.


Paglalaro lang ng volleyball ang palagi namin nilalaro dahil wala naman kaming mga gadgets. Pero syempre bago maglaro kailangan namin gawin ang mga gawaing bahay para walang palo pag-uwi.


"Mga beshi mag-gagabi na uwi na tayo at ayokong mahabol ng sinturon o hanger ni nanay" Napangiwi kami sa narinig. Ramdam ka namin kaibigan.


Huminto na kami at nagpahinga sandali. Bago umuwi bumili muna kami ng fishball sa kanto para busog agad. Malapit lang pala yung magandang bahay sa court dito. Hindi kaya sila naiingayan? Sumisigaw pa naman kami kanina.


Habang kumakain kami ay napatingin ako sa magandang bahay dahil parang may nakatingin sakin. Napasamid pa ako bigla dahil may nakita akong napakagandang babae na nakatayo sa teresa. Nasa likod lang namin yung bahay kaya pagharap ko siya agad nakita ko.


Maganda yung babae pero wala itong reaksyon sa mukha pero yung paraan ng pagtitig niya nakakakilabot kaya nag-iwas na ako ng tingin at humarap ulit sa kinakain.


Kahit nakatalikod ako ramdam ko pa din ang titig niya na nakakatakot talaga. Bakit kaya?? Isa ba siya sa inutangan ni nanay?? At hindi pa nababayaran ni nanay kaya ganon makatingin sakin. Hoo masabi nga kay nanay na bayaran na niya yung babae. Nakakatakot siya ehh.


======

Kakatamad mag-review kaya update muna ako hahahaha

Her ObsessionWhere stories live. Discover now