Nag abot naman agad si Dolor.

Tirik ang araw pero hindi niya alintana.

"Armando, salamat dahil binigyan mo ng halaga si Isiah" saad ni Rebecca

"Anak ko si Isiah kaya nararapat lang kahit ipinagdamot mo siya sa akin ng ilang taon. Anak ko pa rin siya"

"Dahil yun ang makabubuti. Alam mo yan"

"Marahil ay tama ka pero hindi panrin magbabago na ikaw ang dahilan kung bakit hindi magkasundo ang kambal."

"Alam ko yun at kaya nga ako nandito para umalalay tyaka isa pa may parte ako sa kompanya kaya whether you lile it or not. Mapapadalas ang pagkikita natin sa loob ng kompanya."

Lahat ng makasalubong nila sa lobby ay ninabati rin ni Armando pabalik ng naka ngiti samantalang si Rebecca ay dedma lang.

"Hindi naman ako tutol diyan, ang sa akin lang. Nanay ka ng dalawang executives kaya umpisahan mo ngumit kapag may bumati sayo. Reputasyon ng mga anak mo ang dala dala mo" sambit ni Armando

"Pati ba naman yan. (umiling siya) You know me Armando. Hindi ko ugali yan."

"Well, kung gusto mong hindi mapahiya ang mga anak mo.... Umpisahan mong ngumit para naman gumaan ang mundo sayo"

"Anong akala mo sa akin?"

"Bakit kailan ba naging maaliwalas ang mukha mo?" matawa si Armando

"So ngayon ganyan ka na, dati rati patay na patay ka sa akin kaya itinanan mo ako, baka nakakalimutan mo na?"pagpapaalala ni Rebecca

"Ha ha ha Oo hindi ko naman pinagkakaila iyon kaso dati yun. Ngayon sa mga anak na lang natin naiwan ang pagmamahal na yun"

May gumuhit sa puso ni Rebecca sa narinig. Ngumiti ito ng bahagya at tyaka tumingin ng diretso

Biglang nanlaki ag mga mata nito sa nakikita.

Agad siyang lumingon kay Armando.

"ah mauna ka na sa itaas. May nakalimutan ako sa kotse" aniya.

Hindi na niya hinintay na tumugon ito. Nagmadaling naglakad ito papalayo.

Nang sumakay si Armando sa elevator ay nagmadali siyang dumaan sa kabila

"What is he doing here? " aniya habang naglalakad ngabilis

Nang makita niya ito ay nagpagala gala ang kanyang tingin. Sumitsit ito

"Sino yun?" naka kunot ang noo ni Abel

Naulit ang pag sitsit nito

Nang lumingon si Abel ay nakita niya si Rebecca.

Malapad ang ngiti niyang ipinukol dito

Lumapit siya. Isang metro pa lang ang layo niya ng magsalita si Rebecca.

"Stop right there"

Huminto namn ito

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya agad

"Para surprisahin ka madam" pagbibiro ni Abel

"Surprisahin, nahihibang ka na ba? Sabi ko sayo hindi na tayo magkikita diba?"

"Sabi ko lang yun, ang salita pwede magbago" pang aasar ni Abel

Pinaningkitan niya iti ng tingin. "Mukha ba akong nagbibiro?"

"Malamang sa itshura niyo hindi. Mukhang sasakmal ng kaaway ng wala sa oras" natawa pa ito sa huling sabi niya

"Anong gusto mo, pera?"

Ngumiti ng makahulugan si Abel. "Yan ang gusto ko sayo madam, alam na alam mo ang tinutumbok ng utak ko"

"Magkano, bilisan mo. Ayaw ko na may makakita sa atin na nag uusap"

"Sa ngayon, kailangan ko ng 100,000"

Naglabas ito ng ballpen at ang bank check niya. Agad siyang nagsulat at ibinigay ito kay Abel

"Anong sa ngayon, walang mauulit. Pwede ba huwag kang pupunta rito"

"Yan ang hindi natin matitiyak madam. Wala akong trabaho, isa akong ex-convict"

"Basta huwag kang pupunta dito" mariin niyang sambit.

Naka ngiti si Abel kay Rebecca habang naglalakad palayo.

Pumasok ito sa elevator...

Laking gulat niya ng makita kung saan ito papunta. Nagmadaling hymanap ng bukas na elevator.

"Lint!k na yan, hindi ka pwedeng magpakita kay Armando" buling niya sa sarili habang nag aabang na bumukas ang elevator.

Agad na labas ang mga empleyado ng makita siya.

Patakbo na ang lakad nito mahabol lang si Abel.

Pumasok ito sa opisina ni Armando.

Nakahinga ito ng maluwag ng wala siya doon.

Nakita niya na wala din si Armando

Napa awang ang bibig nito sa iniisip

Lumabas ito at doon niya nakita si Abel kausap na niya si Armando.

Napahawak ito sa gilid ng mesa ni Vita.

Maka ilang ulit na napalunok ito at hindi maipinta ang inis niya.

"Opo, nahihiya po ako kaso kailangan ko po talaga ng trabaho sir. Janitor po okay na okay sa akin basta may trabaho."

"huh ang galing mo agpakaawa effect. Humanda ka sa akin" bulong ni Rebecca na naningkit ang mata na nakatingin sa dalawa

"Wala pong problema at tyaka tatay po kayo ni Tata kaya okay lang. Bukas na bukas din ay mag uumpisa na po kayo"

Ngumiti si Abel at tumango tango.

"Salamat po sir, talagang napakabait nyo tulad ng pagkukwento ni Tata sa amin"

"hehehe sige po, ay gagawin pa po ako. Ipapalakad ko na sa secretary ko ang inyong papel sa HR.

Sa may paseyo ay naroon si Rebecca nag aabang.

"Ngiting tagumpay ha. Anong binabalak mo?" sambit niya

"madam, kailanga ko ng trabaho. Hundi sapat ang ibinigay nyo sa akin kaya habang andito ako. May garantiya na may sustento ako galing sayo"

"anong sustento pinagsasabi mo?"

"Baka nakakalutan nyo o nalimutan nyo na, kung hindi dahil sa akin ay malamamg inaamag na kayo sa kulungan, diba po?"

Nagngingitngit sa galit si Rebecca.

"At kailangan mo pa talagang banggitin yan. Nabigyan na kita noon diba?"

"Noon yun, iba na ngayon. Sa tingin nyo may kukuha sa isang tulad kung ex-convict, habang nabubuhay ako kargado mo ako, dapat alam mo yan?"

"Siguraduhin mo na hindi ka gagawa ng gulo dahil ibabalik kita sa kulungan"

"Oo naman pero hindi mo ma ako maibabalik pa dahil natauhan na ako. Ingat ka madam" sumaludo ito ng may pang aasar na ngiti bago ito umalis.

Nanlalambot ang mga tuhod nito sa nginig na nararamdaman.

"Dapat dinispatsya na rin kita. Hindi ikaw ang guguho ng mundo ko" aniya

"Good morning Madam"

"Shut up!" pagsusungit nya sa bumati at tyaka umayos ng tayo at umalis.

"Ang taray talaga nya"

"Oo nga, hindi naman kagandahan"

"Wala namang pangit eh kaso dahil sa ugali nya pumapangit ang tingin ko sa kanya"

"sinabi mo pa"

"emp tara na nga baka masira pa lalo ang araw natin"



The cold Mr. CeoOnde histórias criam vida. Descubra agora