22

113 5 0
                                    

"Oh, welcome back" bati ni Zeq ng makita si Vita

"thank you sir" sagot ni Vita at ngumiti

Tumango lang si Zeq at pumasok na ito sa kanyang opisina.

Naalimpungatan si Tata sa lakas ng alarm clock nito.

Sinipat nuto ang orasan.

Agad na napa baligwas ng bangon at dumiretso ito sa banyo.

Masakait ang ulo nito dahil sa nainom kagabi. Isa lang yun pero lakas tama na agad sa kanya.

"Oh, naka buhis ka. Saan punta mo?" usisa ni Ben

"May appointment ako ngayon" sambit niya.

Nagsusuklay ito ng buhok.

"May bagong trabaho?"

Umiling si Tata. "Sa dati pa rin. Ayaw nila i-let go ang isang tulad ko. May specual skills yata ako kaya todo convince sila sa akin na bumalik" pagbibiro niya

"Kaya, pero kung abusado pa rin ang boss mo dapat umalis ka na. Mahirap magtrabaho kapag hindi healthy ang workplace mo. Ikaw rin ang mahihirapan" ani Ben

"Yes, sir." sumaludo ito kay Ben

"nah, ikaw talaga, puro ka biro. Kain ka muna bago ka umalis" alok nito

Kumuha lang uto ng isang piraso ng hotdog at bacon. Mabilis niyang nginuya at uminom ng tubig.

"Aalis na ako" sambit niya

"Teka, parang tinikman mo lang ah. Niluto ko yan para sayo" anas ni Ben

"Sori na, mamaya dito ako kakain. Promise!" ani Tata

Nasa lobby na siya.

Wala itong ID at appointment kay Zeq kaya ayaw siyang papasukin ng receptionist.

"Please lang, importante to tyaka kialal mo naman ako diba?"

Pagmamakaawa niya. Sa estimate niya nakakalahating oras na siya doon na nakikipag-usap.

"Pakitawagan si Zeq at pakisabi na andito ako sa lobby, please"

Nakulitan na ang baabe kaya nag dual na ito.

Pagkabanggit niya ng pangalan ay agad siyang pinagalitan.

Rinig ni Tata ang sigaw mula sa telepono. Inilayo ng babae agad ito.

Napayuko si Tata at pinipigilan na matawa.

"Pasok ka raw" sambit ng babae. Halata sa tono ng boses nito na may pagkainis ito.

Namumula ang pisngi niya sa pagkapahiya.

Tumango si Tata at ngumiti ng malapad.

Pag bukas ng pintuan ng elevator ay tanaw na niya agad ang mga close sa trabaho.

Nakipag chikahan muna ito ng kaunti bago nagtungo sa hallway papunta sa office ng mga bosses.

Laking gulat niya ng makita si Vita. Agad itong lumapit at niyakap ito ng mahigpit.

"Na miss kita ate Vita!" sambit nya

"Ako rin"

"Kailan ka bumalik?"

"Ngayon lang, kakarating ko pa lang ang dami ng chikang dumating sa akin lalo na yung pag quit mo dito"

"Oo totoo yun, akala ko makakaya ko pagka baliw niya kaso sumabog ako noong araw na iyon kaya agad agad aking nag-resign."

"eeehm kaya pala pero hindi na ako nagtaka, yung mga nauna nga sayo. Wala pang iaang oras umamalis na. Ikaw nga isang buwan mong nakayanan. Yun na yung pinaka matagal sa lahat" paglalahad ni Vita

The cold Mr. CeoWhere stories live. Discover now