9

125 5 0
                                    

"Paki bili nga ako ng mantika sa tindahan" utos ni Dolor

"Bakit ako pa, haaaayst tirik na ang araw bakit tulog pa ang prinsesa!" atungal ni Abbie.

Padabog itong naglakad palabas.

"Bibili naman pala eh magrereklamo pa. Mga bata nga naman ngayon" napailing si Dolor.

Minabuti niyang ihanda ang mga lulutuin niya para sa tanghalian. Special ang araw na ito dahil kasama nila kakain si Tata.

Naputol ang pag hilik ni Tata ng biglang tumunog ang selpon nito.

Kinuha niya ito at agad na pinatay ang tunog.

Bumalik siya sa pagkakatulog. Maya maya ay tumunog nanaman ang selpn niya.

"Haaaaay.... Natutulog ang tayo eh!" reklamo niya habang kumakamot sa buhok.

Tinignan niya ang screen. Walang pangalan. Numero lang ang naka rehistro.

"hello" tamad niyang sambit.

"What the f*ck, you hang up my call?"

Inilayo niya sa tenga ang hawak na selpon.

Bumalikwas ito ng bangon.

"Sira ulo yun ah. Ang aga aga nantritrip. masampulan nga"

Nang wala ng sigaw siyang naririnig ay ibinalik niya ito malapit sa tenga niya. "Who the f*ck are you, akala mo kung sino ka nag eenglish diyan. Sinisira mo ang ang tulog ha. Alam mo ba na sabado ngayon, ibig sabihin buong araw ako matutulog!" bulyaw niya

"Then you are fired!"

Napakunot noo ito. Bigla niyang nabosesan ito. Napasapo ito sa noo. "Sir naman, hindi ko naman alam na kayo yan eh. Wala namang ganyanan."

"Now you realized that was me ha?"

"sir dami kasing nang tri-trip sa panahon ngayon. Usong uso ang Prank kaya malay ko bang kayo yan."

"Ang dami mong daldal. Hindi ka ba nabibingi sa sarili mong boses?"

(wow siya pa talaga itong nagsabi noon eh sino ba ang sigaw ng sigaw sa amin dalawa?) bulong niya.

"What are you saying?"

"ah ano sabi ko, ano pong kailangan nila?"

"Parang hindi yan ang narinig ko"

"sir yun talaga ang sinabi ko"

"Kailangan mong pumasok?"

"Po?" gulat niyang sabi

"Ayaw mo?"

"Ah ano an-o kasi nagulat lang po" nauutal niyang sambit

"Kailangan kita dito sa office. Ngayon na!"

"Si-sir?"

(aba loko to ah, bigla akong binabaan ng tawag ng wala man lang pasabi. Haaay naku nakalimutan na ata niya ang salitang manners)

Nagmadali itong umahon sa hingaan.

Alam niyang ayaw na ayaw ni Zeq ng mabagal at pinaghihintay siya.

"Oh bihis na bihis ka, saan ang punta mo?" paninita ni Dolor

"Tumawag ang boss, punta akong kompanya ngayon" sagot niya

"Aba eh sabado ngayon at tyaka ipagluluto kita ng paborito mo?"

"Itabihan niyo na lang po ako nay. Kakainin ko yan mamaya"

"Ganoon ba, siya sige kumain ka muna ng almusal"

Kumuha ito ng isang nilagang itlog.

"Ito lang nay sapat na. Alis na po ako"

The cold Mr. CeoWhere stories live. Discover now