Chapter 13: Sorry, I'm Sorry

Start from the beginning
                                    

"Sorry..." napapahagulgol ako sa iyak habang sinasampal-sampal niya ako.

Sorry... kung nabuhay ako sa mundong to.

Ano bang nagawa ko para saktan ako ng mundo?

Nagsimulang tumunog yung bell sa loob ng room. Sign iyon na nagwawala na naman yung pasyente.

"MAMATAY KANA!!!" sinasakal niya ako at hindi ko kayang pigilan siya.

Hindi ko siya pipigilan.

Siguro ito nalang yung way na mapagbayaran yung mga kasalanan ko sa kanya.

"MAMATAY KAA!!!" pagsisigaw niya sa akin.

Sana nga mamatay na lang ako. 

Sana namatay nalang ako. 

Pero sa sakit na nararamdaman ko ngayon, parang tinutusok ako ng milyon-milyong kutsilyo sa puso ko.

Hindi ko mapigilan yung luha ko. Hindi na nga ako halos makakita ng dahil sa luha ko. 

"PINATAY MO YUNG PAMILYA KO. DEMONYO KA!!!" 

"Sorry" habang sinasakal niya ako, wala akong magawa kundi ang umiyak na lang. 

Masakit kase. Sa sobrang sakit parang namamanhid kana. 

Hindi na ako makahinga. Siguro time ko na to para mamatay. Matutuwa kaya si Mommy kung mamamatay ako? Kung gagaling siya pagnamatay ako, kaya ko tanggapin ang sakit ng death. Para lang kay Mommy.

Mahal kita Ma.

"MAMATAY KA!!!" nagsidatingan na yung mga nurse at tinatanggal nila yung pagkakasakal ni Mommy sa akin.

Natanggal yung pagkakasakal sa akin at hindi sinasadyang natulak ako ng isang nurse kaya tumilapon ako sa labas. Hindi naman nila napansin iyon dahil nagpupumiglas si Mommy.

"MAMAMATAY KANAAA!!" iyon nalang ang huli kong narinig mula sa kanya at ininjectionan na siya ng slepping pills. 

"Sorry Ma." napalean ako sa walls ng hallway. Hindi ako makatayo. Umiiyak parin ako. 

"Sorry.." kase nabuhay pa ako dito sa mundo.

"Sorry.." kung namatay sila Daddy at Kuya.

"Sorry..." kung nasira yung buhay mo ng dahil sa akin.

"Sorry... sorry... Sorry Ma.." ang sakit kase kinakamuhian ka ng sariling ina.

Yung tipong sa sobra mong pag-iyak wala ng luhang tumutulo.

Yung tipong sa sobrang sakit wala ka ng maramdaman.

"Sorry... Sorry..".

Tinakpan ko yung mukha ko na basang-basa na sa luha ko. Ang blurred na ng paningin ko kaya hindi ko makita yung mga taong dumadaan. Nakakahiya. Nakayaka kase ako sa sahig ng hallway. Pero hindi kase ako makatayo.

May nilagay yung isang tao sa lap ko. Hindi ko kase siya makita kase blurred na nga yung vision ko tsaka tinatakpan ko yung mukha ko. Parang umalis na siya kaya kinuha ko yung nasa lap niya.

Isang panyo.

Siguro malinis to kaya pinahiran ko yung mukha ko nito. Parang namamagapa rin yung mga mata ko pero umayos na yung vision ko.

Nung nakakuha na ako ng lakas para tumayo hinanap ko yung nagbigay nitong panyo.

Parang familiar ata yung mukha ng panyong ito? Ito yung binigay ko dun sa lalaking nabasted nung Foundation Day.

Ibig sabihin... Hindi. Malabong mangyari yun. Bakit naman siya pupunta dito? Imposible. Simula nung bata pa ako kilala ko na yung mga taong pumapasok dito kaya malabong magpunta yun dito at wala din naman akog naririnig na may bagong pasok dito na pasyente at tsaka marami din kayang katulad tong panyong ito. Malay natin sa iba galing to.


A/N: Kaninong panyo kaya yan? Nakuuu. Sino hula niyo?

Btw, naiyak ba kayo? Paki rate naman up to 10 kung natouch kayo.Be honest guys*u*. Gusto ko lang kase malaman kung magaling ako magpaiyak. Ecomment niyo yung score *u* THANKS :*

PS: Kay Ian kaya yun? o kay Kris?

The 'Not-So' Forever Alone [Baekhyun xx Taeyeon xx Suho]Where stories live. Discover now