Chapter 2: Dora the loner forever

359 53 38
                                    

Simulan na natin ang paglalakbay ni Dora ng mag-isa.

Ang boring talaga maglakad papauwi pag di mo kasama sila friends. Hindi na ako sanay mag-isa kaya ito tuloy ako patingin-tingin nalang sa cellphone kahit wala namang load kaya makabasa na nga lang ng mga GM ng mga katext.

Buti't hindi ko'to iniwan sa bahay kundi mukha akong shungang naglalakad mag-isa ngayon, ang dilim dilim din ng daan tapos idagdag mo pa yung mga aso sa kalye dito na parang mga gangsters na nagmemeeting.

Sanay naman ako mag-isa noon pero nung naging kaibigan ko sila Mari parang naninibago na ako pag ako lang mag-isa.

Nanlaki yung mga chinita kong mata kase may nakita ako sa may mini park sa barangay namin. Wow lang. May namamasyal pa pala dito kahit nabalitaang may multo. Malapitan ko nga curiousity kills kase baka mamatay pa ako dito sa kalsada.

Ayun nilapitan ko ng konti at bumungad sa aking mga mata ang isang lalaking naka uniform na nakapatong sa isang babae.

Ano kayang ginagawa nila dito sa dilim? Siguro gumagawa ng project?o kaya isang himala? Kaya pala kahit napapabalitaang may multo andito parin sila.

Wait a minute kapeng mainit.

Magkauniform kami nung girl. Sino kaya to? pesting lalaking ito. Tinatakpan yung mukha ng babae kaya patakbo in a tiptoe way papunta sa malapit na puno sa kanila para magtago. Para akong ninja nito. Isang chismosa- ooops. Di ako chismosa isa akong curious na nilalang. Curious Ninja?

Tinignan ko ng mabuti yung girl- jackpot! Nakita ko na din yung feslak ni baklaeta.

Si Cheska Cruz lang pala. Ang dakilang jiganess at napagchichismisan na ...

Sekreto lang natin to pero napag-uusapan na kase na sinuko na niya ang bataan at sya din yung dakilang HIPON. Masarap lang yung katawan pakitapon mo nalang yung mukha.

Well, madami ding galit sa kanya . Isa na kami dun. Ipagkalat ba naman niya na hindi na daw virgin si Mari tapos siya lang pala tong ginagawang motel ang mini park? Makunan nga ng picture pangblackmail.

Ilalapit ko na sana yung cell ko sa kanila ng biglang may natapakan akong stick at naputol kaya nagtago ako ulit sa puno

"Sino yan?" tanong ng boy na suot yung uniform ng William High na all-boys school.

"Pusa po" sagot ko.

Ano? Nasabi ko ba talaga yun? kung may award lang siguro sa pagiging tanga ako na siguro nag-grandslam.

"Hon, ituloy na natin. Pusa lang daw siya." sabi ni Cheska.

Hindi pala ako maggragrandslam kase kakumpitensya ko din pala tong hipon na to. Malandi na nga tapos bobo pa. Naiwan siguro utak niya sa sinapupunan ng nanay niya.

Buti nga at tinuloy na nila yung pagPPDA ng biglang nagsink-in sa utak nung boy yung sinabi ko. Mabuti pa yung boy may utak.

"Ano? Pusa?"

"Meow... meow..." juice colored! Umepik sana.

Bigla akong nagpanic may narinig kase akong mga footsteps papalapit sa pinagtataguan ko.

"Meooow... meoooww..." sabi ko habang nagnininja moves papalayo.

"Hoy! Tang ina!" Sigaw ng lalaki.

in 1... 2... 3... TAKBO!!!

"meeeoooow" sigaw ko ng malakas habang tumatakbo papalayo sa mini park.

"Arf! Arf! Arf!" tahol ng mga aso habang hinahabol ako. Ako? Hinahabol?

GG nato.

Takbo lang ako ng takbo at kahit saan na ako napapadpad sa kakatakbo.

Hinihingal na ako. Pangmarathon kase tong mala-gangster na mga asong to.

Grabe lang. Hindi na ako Forever Alone kase inahabol na ako ng aso. Ang saya lang *insert sarcasm*.

Nahihilo na ako sa kakatakbo kaya buti nalang at nakapasok ako sa isang store. Buti nga't hindi binigyan ni Lord ng powers ang mga asong ito na bumukas ng door.

"Bye doggies!" with matching flying kiss.

Nakahinga na din ng maluwag. Sinandal ko yung katawan ko sa glass door ng store.

Hingal na hingal pa talaga ako. Tang-inang mga asong iyon. Niyaya pa talaga ako sa pang Olympics na marathon.

Grabe. Pawis na pawis pa talaga ako. Pa-aircon tayo dito sandali.

The 'Not-So' Forever Alone [Baekhyun xx Taeyeon xx Suho]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon