Chapter 3: Dear Paris, I love you.

303 51 46
                                    

Sosyal ng store nato lakas ng aircon at ang sosyal din ng name. 'K' yung nakalagay sa labas. Baka kay Korina Sanchez kaya to? o kay Kathryn Bernardo? o kay Kris Aquino?

Ano ba tong pinag-iisip ko? Epekto ba to ng pang marathon kong takbo? First time ko kase yun at hindi kase pang-athletic yung katawan ko. Wala din sa budget ko yung pagpapahealthy ng katawan ko.

Makapagpa aircon na nga lang.

Pero yung nagbabantay nung store parang papatayin ako sa tingin.

Magtambay ba naman ako sa harap mismo ng aircon nila. Feel na feel ko yung pagfafly-fly ng hair ko. Pwede na akong maging model ng shampoo.

"To the left to the right, umikot ng sabay-sabay." with matching ikot-ikot pa yan. "Lalalalalala~ hair mo" di ko na kase alam yung lyrics.

"Miss may bibilhin ka ba?" tanong nung nagbabantay ng cashier.

Nakalimutan kong may nagbabantay pala. Nakakahiya yung ginawa ko pero

bakit ba siya naka mask? Para tuloy siyang holdapper na nakabantay sa cashier. Ang weird tignan.

Wait lang ha. Ako ba kinakausap ng taong to? Well, matignan nga yung likuran ko baka feeling ko lang na ako kinakausap ng taong to mapahiya pa ako.

Well, wala namang tao sa likod ko. So, baka ako nga tinatawag nito? Matanong nga.

"Ako po ba?"

"Hindi. Yung aircon" sabi niya sarcastically "Ano? Miss may bibilhin ka ba?"

"Oo, meron." suplado nitong lalaking to gwapo sana siguro half-chinese yun? Ewan. Mata lang naman kase yung nakikita sa mukha nya.

Nagikot-ikot nalang ako sabay tingin sa mga binebenta ng store na ito.

Char! May pa CCTV pa silang nalalaman. Makapag selfie nga!

*post* *post* *wacky* *derp face* *feeling model* *poker face*

Ang abnoy ko tignan. Ito na ata ang epekto ng pagiging loner. Makabili na nga!

Ano kaya maganda bilhin dito? Ito nalang kayang chocolates? Cge na nga lang. Ito nalang tsaka mura naman yung chocolates nila dito kaya ito nalang. Langgamin man lang ako ngayong paparating na Valentines day kahit forever alone ang peg.

Kumuha ako ng dalawang chocolates at pumunta na ako sa counter ng cashier kung nasaan ang supladong tagabantay. May nagPPDA din sa linya. Ang sarap pakainin ng resibon buti nalang nakaalis na sa linya yung dalawang naglalandian. Kinuha na niya yung chocolates tas niwrap ng ribbons at may pakulo pa silang nalalaman ha.

"Oh. Ito ballpen. Pangsulat..." sabi niya.

"Ayy, Alangan naman po yung ballpen pangkain. Kaya nga tinawag na pen kase pangsulat." pangpipilosopo ko sa kanya.

"Gusto mo uminon ng tinta ng ballpen?" tanong ng supladong lalaking ito .

"Bakit po? Masarap po ba yun?" ang peacorn ni Kuya Cashier.

"Nonesense. Oh ito card isulat mo dito yung gusto mung bigyan nitong chocolates" sabay abot ng ballpen at dalawang card. Ano kaya ilalagay ko? wala naman akong pagbibigyan.

"To my Beloved Self,

HAPPY 15 YEARS OF BEING FOREVER. SINCERELY MINE ."

Ang epic ng sinulat ko tapos yung sa isa naman.

"Dear Paris,

I LOVE YOU.

From: The one who wrote this card ."

Kinilig ako sa sinulat ko sa second chocolate at before ako tuluyang mag grand exit sinabi ko kay Kuya Cashier (kahit mukhang magka-edad lang kami).

"Kuya, paki sabi po sa nagbabantay ng CCTV niyo na e-upload sa facebook or instagram yung mga pictures sa photoshoot namin kanina." tapos yung mukha ni Kuya Cashier parang may kausap siyang baliw na hindi niya maintindihan.


The 'Not-So' Forever Alone [Baekhyun xx Taeyeon xx Suho]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum