Ang mga Taga-Hilaga

0 0 0
                                    

Kinakabahan ngunit mabilis akong tumakbo patungo sa arko ng bayan. Sino ba ang mga taong iyon? Ano ang kailangan nila sa amin?

Sa tulong ng aking abilidad ay naririnig ko na agad ang pagtatalo ng dalawang grupo.

"Hindi nga kayo maaring makapasok dito." Matigas na bulalas ni Manuel, isa sa mga kasamahan ko sa pagbabantay ng aming bayan.

"But we need help." Dinig kong sagot ng isang babae. Base sa boses n'ya ay kaedad ko lamang siya.

"Hindi n'yo ba narinig ang sinabi ni Manuel? Bawal nga. Hindi namin kayo matutulungan." Masungit na tugon ni Franco.

"Kailangan ko ang pinuno nyo. May nais lamang akong ipakausap." Malumanay na sabi ng isang lalaki. Marahil ay s'ya ang lider ng mga taga Hilagang ito.

"Ah ano kasi..." Hindi na alam ni Manuel ang sasabihin sa lalaking kaharap. Ano nga ba ang dapat n'yang sabihin? Na wala silang pinuno? Hindi maaari. Makikita lamang ng ibang tao ito bilang kahinaan ng isang bayan.

"Anong kailangan n'yo sa bayan namin?" Sabi ko noong makarating sa kanilang pwesto. Nagulat sina Manuel sa aking presensya ngunit mabilis din naman silang nakarecover atsaka pumunta sa aking likuran.

"Anong ginagawa n'yo dyan? Ang tapang n'yo kani-kanina lamang." Pang-aasar ko sa limang tao na nasa aking likuran.

"Narinig mo Marina?" Tanong sa akin ni Jelly.

Tumango-tango naman ako sa kaniyang tanong.

"Ito kasing si Manuel at Franco, away at gulo lagi ang nasa isip. Buti pa itong si Aesvel tahimik lang." Kinikilig namang anuns'yo ni Nery.

"They're harmless." Pabulong ngunit dinig naming saad ni Aesvel.

"Ano?! Bakit ngayon mo lang sinabi? Uupakan kitang lalaki ka." Histerikal na sagot ni Manuel.

"Ano ka ba naman Manuel. Hindi ka naman nagtatanong. Sinugod mo agad sila at tiningnan nang masama." Pagtatanggol ni Nery kay Aesvel kasabay ng pag-irap nito.

"Tama si Nery. Kasalanan mo Manuel." Pagsang-ayon ni Franco sa sinabi ni Nery.

"Hoy Franco! Akala ko ba kakampi kita? Palibhasa nand'yan na si Marina kaya bait-baitan ka d'yan."

"At least may tinatagong bait kesa naman sa'yong masama talaga ang ugali." Pahabol pa ni Nery.

"Tumigil na kayo. Nakakahiya sa kanila." Pagsingit ni Jelly sa nangyayaring sagutan.

"Marina my loves, patawarin mo sana ako. Kasalanan talaga ni Manuel at nadawit lamang ako. " Naluluha pang banggit ni Franco.

"Bakit hindi n'yo s'ya inawat?" Tanong ko sa kanila habang nakatingin kay Manuel.

"Ayaw paawat eh." Sagot naman ni Nery.

"Nag iingat lang ako atsaka ayokong magpadalos-dalos ng desisyon." May punto naman si Manuel doon.

Napabuntong hininga ako bago hinarap ang mga taga Hilaga.

"Ikaw ba ang pinuno ng bayang ito?" Maagap na tanong ng isang lalaki.

"Hindi na mahalaga iyon. Anong layunin n'yo dito?"

Nasabi na ni Aesvel na harmless sila. May kakayahan siyang makakakilala ng taong may masamang hangarin at hindi pero kailangan ko pa ring malaman kung anong ginagawa nila dito.

Tiningnan ko ang lalaki at ang mga kasamahan nito. May mga tinamo silang sugat at madumi rin ang hitsura. Marahil ay napasabak sila sa isang biglaang labanan.

"Ako si Zephyr at ako ang lider ng grupong ito. Makikiusap sana akong makituloy muna sa inyong bayan kahit na dalawang araw lamang. Sugatan ang mga kasama ko at kailangan namin ng tulong." Sagot ng lalaki na may itim na buhok at brown na mata. May dala rin siyang bag at espada sa tagiliran. Maging ang kaniyang mga kasamahan ay may kaniya-kaniya ring armas.

"Ako naman si Cheska. Tulad nga ng sabi ni Zephyr, kailangan namin ng tulong. Nasa isang paglalakbay kami nang nilusob kami ng mga bandido. Triple ang bilang nila sa amin kaya wala kaming nagawa kundi ang tumakas na lang. May kasama kaming manggagamot ngunit maging s'ya ay sugatan din." Dagdag pa ng babaeng may itim ding buhok na umabot lamang sa kaniyang leeg. Bilugan ang kaniyang mata na kulay itim din lamang.

"Manuel, dalhin mo sila sa may pagamutan. Hatiran nyo na rin sila ng pagkain at pagkatapos ay magpupulong tayo kasama sila. Sumama na rin kayo Franco at Jelly."

"Masusunod Marina." Sagot nilang tatlo.

"Aesvel at Nery, bumalik muna kayo sa inyong mga pwesto. Ako na muna ang bahala dito. Kapag may nadaanan kayong iba nating kasamahan ay papuntahin n'yo dito para makauwi muna ako."

Tumango naman silang dalawa bago umalis. Nagsimula na ring maglakad sina Manuel kasama ang mga taga Hilaga. Naiwan naman ako sa may arko para magbantay.

Tulad ng nasabi kanina, wala nga kaming pinuno. Kaming mga may kakayahan at abilidad ang nangunguna dito ngunit ang mga desisyon para sa bayan ay nakadepende sa lahat ng mamamayan.

"Marina, tama ba?" Napamulagat ako sa aking pag-iisip nang marinig ang pinuno ng mga taga Hilaga na nagngangalang Zephyr. Naiwan s'ya dito sa may arko kasama ang babaeng si Cheska.

Tumango ako sa kan'yang katanungan.

"Salamat sa inyong tulong at pagtitiwala. Bilang ganti ay handa naming isiwalat ang dahilan sa aming paglalakbay na ito. Makakaasa ka na wala kaming pinaplano na masama sa inyong bayan at maging mga mamamayan." Pagpapatuloy pa nito.

"Ang mabuti pa ay sumunod na kayo sa inyong mga kasamahan. Magpahinga na rin kayo upang mamaya ay makapagusap tayo nang maayos." Sagot ko rito.

Sumunod naman sila sa aking sinabi. Pinagmasdan ko ang kanilang mga likod hanggang sa sila ay tuluyan nang maglaho sa aking paningin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 30, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Saving ErewhonWhere stories live. Discover now