Panimula

0 0 0
                                    

"Magandang umaga Marina."

"Magandang umaga rin po Manong Kiko."

"Umagang kay ganda Ina."

"Sa'yo rin po Lola Rosa."

Masaya akong naglalakad ngayon sa may pamilihan. Halos lahat ay bumabati sa akin at hindi naman ako pumapalya sa pagbati at pag-ngiti rin sa kanila. Hindi pa kataasan ang sikat ng araw. Malamig pa ang simoy ng hangin pero halos lahat ay abala na sa kanilang mga gawain.

"Marina!"

Mabilis akong napalingon sa tumawag sa akin.

"Magandang araw po Nanay Luz. Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?" Magalang na tanong ko pagkatapos kong lumapit at magmano.

"Pauwi ka na ba sa iyong Lola Minda?"

"Opo."

"Mabuti naman kung ganoon. Dalhin mo ang mga prutas at gulay na ito."

"Naku Nanay Luz nakakahiya man po pero hindi ko na po ito tatanggihan. Maraming salamat po dito."

"Ano ka ba namang bata ka. Pasasalamat na rin yan sa magdamagan n'yong pagbabantay sa ating bayan. Ilang taon na rin tayong naninirahan nang masaya at payapa dito."

"Nanay, karapatan lang po natin 'yon. Hindi tayo nasusuportahan ng konseho kaya kina-kailangan nating matuto na tumayo at lumaban."

"Oh s'ya puntahan mo na ang Lola mo. Paniguradong nag-aalala na naman 'yon sa'yo. Magaayos na rin ako ng mga paninda ko."

"Opo Nanay. Maraming salamat po ulit dito."

"S'ya nga pala, kapag nakita mo si Buboy ay pasabing pumunta s'ya dito at tulungan ako. Agang-aga ay laro ang inaatupag non."

Natatawa akong muling nagmano kay Nanay Luz bago nagpaalam.

Hindi ko kaano-ano si Nanay Luz. Katulad ni Manong Kiko at Lola Rosa ay isa lamang din s'ya sa mga mamamayan ng aming bayan, ang Liwayway. Halos lahat ay magkakakilala dito kaya hindi na bago ang pagtawag ng Nanay o Lola sa mga nakakatanda.

Nakalampas na ako sa pamilihan kaya tahimik na akong naglalakad ngayon. Kagagaling ko lang sa pagbabantay at pagmamasid sa bawat border ng aming bayan kaya pauwi pa lamang ako. Totoong hindi kami sinusuportahan ng konseho. Halos isang daang bayan at komunidad ang sakop ng Erewhon. Nasa dulo kaming bahagi kaya wala ring pakielam ang mga nasa taas. Wala silang pakielam kahit mamatay man kami sa hirap at gutom.

"Nasaan na ba ang batang iyon."

Malayo-layo pa ako sa aming tahanan ay nakikita at naririnig ko na ang paghihimutok at pag-aalala ng aking Lola. Lumaki na akong kasama s'ya. Hindi ko namulatan ang aking mga magulang at hindi na rin naman ako nag-usisa pa. Masaya na akong kasama s'ya at wala na akong gugustuhin pang iba. Ang mahihiling ko na lamang ay ang makasama s'ya sa matagal pang panahon. Binilisan ko ang aking paglalakad para makauwi agad.

"Nandito na po ako Lola." Masaya kong salubong kasabay ng paghalik sa pisngi at pagmano sa kaniya.

"Saan ka na naman ba nagsusuot na bata ka. Diba dapat ay kanina ka pa tapos sa pagbabantay?" Nakakunot ang noong tanong sa akin ni Lola.

"May dinaanan lang po ako atsaka ito po may padala si Nanay Luz." Nakangiting sagot ko sa kaniya habang pinapakita ang prutas at gulay na ipinadala ni Nanay Luz.

"Ilagay mo na lang yan sa kusina. Sabayan mo na rin akong kumain bago ka maglinis ng katawan at matulog."

"Opo Lola."

Sumunod ako kay Lola sa kusina atsaka kami nagsimulang kumain.

"Ang sarap talaga ng luto mo Lola. Walang kupas."

"Alam ko na 'yon. Walang epekto sakin yan. Ikaw pa rin ang maghuhugas ng pinggan." Mabilis na hirit sa akin ni Lola.

"Alam ko din 'yon Lola. Pinupuri lang naman po kita."

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain noong may mga batang biglang tumawag sakin sa labas ng bahay.

"Ate Marina! Ate Marina!"

Mabilis akong tumayo at lumabas sapagkat halata sa boses nila ang pagkataranta.

"Anong problema?" Bungad kong tanong sa kanila.

"Ate Marina, may mga tao po sa may arko ng bayan. Galing daw po silang Hilaga." Mabilis na sagot sa akin ng siyam na taong gulang na si Leon.

"Anong ginagawa nila dito?"

"Hindi po nila sinasagot ang tanong nina Kuya Manuel. Ang pinuno daw po ang nais nilang makausap." Sagot naman ng kapatid nitong si Lea.

"Anong gagawin natin ngayon? Wala naman tayong pinuno."

Napalingon akong bigla sa aming pintuan noong marinig ko ang tinuran ni Lola.

"Ako na pong bahala. Buboy..." Tawag ko sa batang kasama nina Leon at Lea.

"Bakit po Ate Marina?" Kinakabahang tugon nito sa akin.

"Maiwan ka muna dito kay Lola. Pagbalik ko ay saka ka pumunta sa nanay mo sa pamilihan."

"Opo Ate."

"Lola aalis na po muna ako." Paalam ko kay Lola.

"Mag-iingat ka Apo." Huling narinig ko kay Lola bago ako tuluyang tumakbo patungo sa arko.

Saving ErewhonWhere stories live. Discover now