Nakita kong napapikit siya nang mariin. Inangat niya ang kaniyang parehong kamay at ngayon ay nakulong na ako sa dalawa niyang braso. Nakayuko siya sa akin habang ako naman ay nakatingala sa kaniya.

“I want to hear your laugh again, please. I want you always like this. . . be happy. I love you, Charm.”

He held my chin and then lifted it up. Mas lalong kumalabog ang aking dibdib sa kaniyang ginawa.

Why are you doing this to me, huh?

“Is there something wrong? Bakit parang pakiramdam ko ay may mali?” nangunot na bigla ang aking noo sa pagtataka.

He shook his head. “Walang mali, Charm. I just want to be sweet. Hmmm.”

I closed my eyes tightly. “No. . . Is there something else? Kaya ba ganiyan ang-” 

He cut me off.

Nilapit niya ang mukha niya sa akin para pantayan niya ang paningin ko.

“There’s no something else. I just want you to make you mine.”

Napalunok ako.

“I n-need to sleep. Get out of my room now. Let’s sleep now. I know we’re all tired-”

He chuckled. “I will not get tired, Charm. For you. . .”

Gusto ko lang magpahinga, ngayon na ngayon din.

I sighed.

“O-Oo! Sige na. We need to sleep. Pagod tayong lahat, let’s sleep.”

Dahan-dahan siyang tumango sa akin.

“Okay. Charm. I’ll obey what you wants from now on.”

Huh? Ibigsabihin, kapag sinabi kong gusto kong makausap mga kapatid ko, papayagan niya ako?

Damn! 

Pero bago ko pa siya matawag ay nakalabas na siya ng pinto. Bumagsak ang balikat ko at ngumuso. Bukas na nga lang. Gabi na.

Mabilis akong nakatulog dulot na rin siguro ng pagod ko. Pagkagising ko ay kaagad akong naligo at bumaba. Gising na rin sila at nasisiguro kong nasa office na si Kaeton dahil siya lang ang wala rito. 

“Good morning, Miss Charm!”

I smiled.

“Morning din sa inyo!”

Napatingin ako sa mga katulong. Fudge?! Servant pala ako rito! Bakit parang iba? Bakit parang ako pa ang inaalagaan dito?! Nanlaki ang mata ko at mabilis na pumanhik sa taas at nagbihis. I need to be great today. You can do that, Charm. Kausapin mo rin siya mamaya tungkol sa iniisip mo kagabi.

Mabilis akong nagsuot ng servant uniform ko. Ang cute kapag ako ang nagsusuot. Why would I deny that? Totoo naman, e.

Bumaba ako at napanganga naman si Avery nang makita niyang nakabihis ako. Nangunot ang noo ng dalawang lalaki sa akin.

“What are you doing?” they asked.

Huh? I’m a servant here, what do you expect?

“Pagsisilbihan ang mahal na prinsipe, bakit?”

Napabuga naman si Callum sa iniinom niyang kape sa gulat. Ano ba ang kanilang problema sa akin? Seryoso ba sila?

“Hell, Ma’am. Baka ikaw pa ang pagsilbihan ng lalaking ‘yon!”

Ngumiwi ako at saka sila inirapan. Bahala na sila.

Umakyat ako sa taas patungo sa kaniyang office. Mabilis akong pumasok doon at napansin na seryoso siyang nagtitipa sa kaniyang laptop. Palagi naman siyang tutok doon. 

Kaeton's Obsession (Blazing Series 1)Where stories live. Discover now