Chapter 31

4.1K 110 1
                                    

Nakita ko si Dj sa may lawn. Na nakasandal sa puno nang mangga at natutulog ata.

Oo. Natutulog.

Nilapitan ko siya at naririnig ko pa yung pag snore niya kaya natawa ako konti. Sobrang pagod siya siguro sa trabaho.

Umupo ako sa tapat niya at pinanood siyang matulog. Ang gwapo niya talaga.. yung ilong, mata na may eyebags, yung.. yung.. labi na sobrang perfect. Wahhh! Tukso! Layuan mo ako!

Nakita ko yung phone niya sa tabi niya na umiilaw. Nakavibrate mode kaya hindi nagriring. Kinuha ko yung phone niya nang hindi niya napapansin at tinignan kung sino--

Peste! Siya na naman?! Ano bang kailangan ng malanding ipis na to?!

Sinagot ko yung tawag pero hindi nagsasalita, "Hello Daniel? Bakit wala ka dito?! May scene tayo! Alam mo na ba na kissing scene yun? Inaway mo pa si Direck tungkol dun. Bakit ba ayaw mo?!" hindi ako nagsalita para hindi niya alam na kasama niya ako

Ano daw?! Kissing scene?! May ipapalabas na agad siya?! Tsaka sa boses nitong ipis na to, nagugustuhan niya pa. Pero, inaway daw ni Dj yung director nila dahil sa scene na yun.

"I'm sorry. Alam ko na ayaw mo yung scene na yun. Papakiusapan ko na si direck nawag nalang lagyan ng kissing scene yung point of view natin. Kaya please Daniel, pumunta ka na dito." tumahimik konti, "I miss--" binaba ko na yung tawag

Kahit na galit ako.. hindi ko parin maiwasan ang mag isip ng masama. Ano ba ang meron silang dalawa at close sila? Tapos may pa 'miss miss' pang nalalaman. Ano ba ang nakita niya sa Liza na yun at siya ang gusto niya kesa sa akin?

"Kath!" lumingon ako sa likod ko.

Wahhh! Si Enrique!

Tumayo ako para salubungin siya nang...

O_____O

O//////////O

"Dj..." akala ko ba tulog siya?! Ang lakas nga ng pagconcert niya kanina eh!

Hinila niya yung kamay ko kaya naout of balance ako...at nahiga ako sa kanya.

A-a-at napasandal ako sa may dibdib niya.

>//////////<

I can hear his heart really beats fast.

Really? Mamamatay na ba siya? May sakit ba siya sa puso? Ha?! Bakit ang bilis?!

Wag niyo nang pakealaman yung akin kasi sasabog na yan sa kilig! Pero ito ring kasama ko oh! Imposibleng may gusto sa akin yan kaya baka may sakit siya sa puso! Baka naman nananaginip siya? Kaya niya ako nahila?

Naramdaman yung init ng katawan niya at yung akin rin. Shet! Omaygad! Kinikilig ako! Wahhh!

Maya maya pa, may narinig akong mga yapak na papunta dito. At doon ko naalala si Enrique.

Natapatayo agad ako. Hawak hawak niya yung kamay ko kaya binitawan ko na. Kahit masakit sa akin, kailangan. Baka kung ano pa ang isipin ni Enrique sa amin no. Baka sabihin niyang may ginagawa na kaming masama kahit wala naman =____=

"Uy Kath" bati niya sa akin at napatingin sa likod ko

"Oy Quen." natatawang sinabi ko

"Tsk. Nalaman mo sa tanda na yun no?" tumango nalang ako kaya ginulo niya yung buhok ko.

"Tsk." napatingin kaming lahat sa likod pero tanging tulog na Dj lang ang nakita namin

"Pinapatawag ka na pala ni tanda. Magsasayaw daw tayo. Tsk. Kainis yun ah" ginulo niya pa yung buhok niya dahil sa pagkainis

5 Handsome Guys in my HouseWhere stories live. Discover now