12 Doc

0 0 0
                                    

Matapos kong matuklasan ang iba pang lihim ni Raymond, nagsimula na akong mag impake ng gamit namin ni BABY.

IIWAN KO NA SI RAYMOND. Hindi na ako interested kung kelan,bakit at paano nya ako niloko. Naramdaman ko nalang bigla na ayoko na.

Minessage ko si Mama na sunduin ako. Tanong ng tanong si Mama kung bakit pero sabi ko saka ko na sasabihin pag uwi ko sa kanila. Basta sunduin nya na kami agad.

Maya maya ay andyan na si Mama. Bumaba ako dala ng mga bag naming mag iina. Nagulat ang parents ni Raymond na nag alsa balutan na ako. Di ako nagsasalita. Diretso lang ako papunta sa tricycle na dala ni Mama at nilagay ang gamit namin. After non kinuha ko na si Baby kay raymond. Wala din imik si raymond. Kahit di na kami mag usap mukhang alam naman nya ang ibig sabihin ng actions ko. Di nya ako pinigilan. Tanong ng tanong si NANAY MARITES, inaawat ako. Ang sagot ko nalang sa mahinahon na salita " Pasensya na po Nanay, si Raymond nalang po ang magkukwento"

Dahil sabado non, andon lahat ang pamilya ni raymond na natulala nalang sa pangyayari. Nakatingin lang sila at tila confuse if anong meron.

Fast forward, andon na ako samin. Kinuwento ko kina Papa at Mama na pinagtrabaho ako ni Raymond sa KTV. na nagwork ako bilang gro.
Iyak ako ng iyak. July 25,2015 po nangyari to dahil bday din un ng sister ko na sumunod sakin...

Ayaw na ako pabalikin nila Papa sa ganong trabaho. Galit na galit sila kay Raymond. Ang sabi pa ni Papa,

"Ano ba yang si Raymond?! Di nya ba alam na kayang kaya syang ip@p@t@y ni KONSEHAL TOM pag nalaman na pinatos nya ang asawa nya"

Milyonaryo ang angkan ni KONSEHAL TOM. alam kong mabait sila pero magiging mabait pa kaya sya pag nalaman nya ang totoo?!

Umakyat muna ako sa taas. Kinalong muna ni mama si baby. Sa kwarto ko dati, naka konekta sya sa terrace ng bahay namin. Malaki ang terrace don at maraming halaman. Naupo ako sa bench. Tapat ng bahay namin ay ilog. Don din nakaharap ang terrace. Nakatulala lang ako sa ilog habang nag yoyosi. Sunod sunod ang ginawa kong paninigarilyo.. naka limang sunod sunod ata ako non. Kung di pa ako nasamid.. di ako titigil.

Fast forward. Nasa bahay na sister ko na may bday non. Walang handa pero nagyaya sya na itreat ko daw sya. Mag bar daw kami. Since bday nya naman, at kumita aq ng 20k sa work kaya sige kako.

Mga around 7pm , paalis na kami ng sister ko. Nag chat si Angela if asan daw ako. Kapatid sya na bunso ni Raymond at dati kong classmate. Isang engineer si Angela.sabi ko ay bday ng sis ko at mag iinom kami. Sasama daw sya. Sabi ko ay ok lang ba talaga ba sumama sya kasi kakapanganak nya lang ng ng July 3. Sabi nya,ok na daw sya. Gusto nya daw akong makausap at alamin ang nangyari.

So nagkita kami somewhere then sabay kaming tatlo ng sis ko pumunta sa bar na iinuman namin. Pag pasok palang namin sa bar na un, pinagtitinginan na kami ng mga lalaki. Nakabackless ako non at leggings. Nakasleeveless at pants naman sis ko. Si angela naman ay naka maiksing short at polo shirt.

Nag order kami ng cocktail drinks. And nagstart na ako magkwento kay Angela ng mga pangyayari. Galit na galit si Angela sa kuya nya. Wala daw itong isip. Sabi ni Angela,kahit daw hiwalay na kami ng kuya nya, gsto nya is friends pa din kami.

Nag inom lang kami and nag saya. Gusto ko mag enjoy. May mga lumalpit samin sa table para magpakilala pero dedma muna dahil dalan dala na ako.

Fast forward, di na ako pumasok sa work. Tawag ng tawag si mam Vina dahil ang dami naghahanap sakin. Pati mga kawork ko, chat ng chat sakin dahil miss na nila ako. Kaya nagsabi ako kina Mama at Papa na babalik sa work dahil mabilis ang pera don. Ayaw nila talaga pero pumayag na din dahil alam nila na di ako mapipigilan. Nag aalala lang sila dahil pag nalaman ng mga taga samin ang work ko ay lalo akong bastusin. Mababa ang tingin sakin ng mga taga samin pero saka ko na ikuwento kung bakit.

August 1,2015, sabado non.. Bumalik ako sa work. Tuwang tuwa ang Mam Vina kasi kung kumikita ako, kumikita din sya sakin. And sinabi sakin ni Mam Vina na promoted na ako. (Napopromote pala ang mga GRO 🤔🤪)
It means from 600 per night allowamce, 1k na ako. Ibig sabihin pag 1k ang TF, kabilang ako sa mga mabebenta. GGSS naman ako non.

8-10pm ang 1st guest ko. Tamang kain lang ng pizza kami ni Lolo General . Di sya nainom ng alak. Mineral water lang. Gusto lang nya kakwentuhan and mag isa lamg sya lagi pumunta.
Wala pang 10pm, nasenyas na si Mam vina sakin, after kay Lolo General, tinatawag nako nila Pastor. (Yes, may pastor po akong guest)
10pm to 1am ang grupo nila Pastor. Party party naman ang gusto nila.. as in tugs tugs tugs ang tugutugan tapos tamang talon talon lang kasabay sa beat... Yeah!!! Hehehe
After kina Pastor, magpapaalam na dapat ako para mag early out. Hangang 3am kasi ang shift namin kaso sabi ni Mam Vina, may nag aantay daw sakin na guest.. 3hrs na daw akong inaantay. Puntahan ko na daw sa VIP ROOM 2.

Anyway mga sis. Sa ktv,dlawa ang klase ng room don. May regular at vip. Sa regular, yung pinto nya is kita mo kung sino ang nasa loob at maliit lang sya. Pag vip room,malaki ang area,di mo kita kung sino ang nasa loob and soundproof at may sariling cr. And mahal ang vip. Pang big time lang talaga ang maka afford.

So kumatok muna ako bago pumasok .si Doc Aga pala nag aantay sakin. Kasama nya driver nyang si Brad. Nakahanda sa table ang favorite kong wine at tuna sashimi.

"Hi Doc, long time no see. "
Sinalubong ako ni doc at bigla akong niyakap.

Sabi nya sakin
" Akala ko hindi na kita makikita"

To be continue

"forgive but never forget"Where stories live. Discover now