8 FRIEND OR FOE

1 1 0
                                    

I love to be friends with Mandy.
Lagi nya ako kinakamusta and ingatan ko daw ang pagbubuntis ko. Ang sarap sa feeling na nagkaroon ako ng mabuting kaibigan and di ko sya makikilala kung hindi dahil kay Raymond.
Kahit mayaman sina Tom and Mandy, di mababa ang tingin nila samin.

So fast forward, May 3,2015
May laban sina Pacquiao and Mayweather.
Maaga kaming nagpunta kina Tom and Mandy dahil nag avail sila ng PAY PER VIEW so live namin mapapanood ang laban. 😍😍😍

May pusta kaming 2k in favor with MAYWEATHER kasi feeling namin is dehado si PACQUIAO pero sympre sya pa din ang love namin.

Sobrang exciting ng laban, napapasigaw at talon ako. May pusta kami kay MAWEATHER pero masaya ako pag nakakasuntok ng solid si PACQUIAO and sympre after ng laban, si MAYWEATHER nga ang nanalo and nanalo din kami ng 2k sa pustahan. 😍😍😍

Di ko na matandaan kung bakit ako umuwi samin after non pero ang tanda ko is pag dating ng gabi ng MAY 3,2015... sobrang nananakit ang singit ko na parang naipitan ng ugat. Sobrang sakit na din ng balakang ko at halos di na ako makagalaw. Sabi ng Mama ko ay normal lang daw sa buntis yun kasi malapit na din ako manganak. June 15 kasi ang due date ko.

Nakatulog nalang ako sa sobrang sakit and sa isip ko is magiging ok na ako kinabukasan. Then the next morning, MAY 4,2015... pag gising ko, mas matindi na nararamdaman ko na sakit. Di na ako makatayo at makagalaw. Sobra na din ang manas ko. Sumigaw nalang ako para marinig ako nila Mama kasi mag isa lang ako sa kwarto ko nun.

Umakyat sina Mama and nag aalala sakin kasi namimilipit na aq sa sakit. Namumutla na din ako. Natatakot sina Mama kasi baka bigla na naman akong atakihin ng epilepsy ko dahil sa sobrang pain na nararamdaman ko. Tinawagan ko na si Raymond and nagmadali din syang pinuntahan ako. Sinundo nya ako and yung tricycle na nasakyan nya ..don na din ako sasakay papuntang hospital. Binuhat ako ng tatlong tao dahil sobrang bigat ko and di ko talaga kaya pang tumayo.

Fast forward, nasa hospital na ako and may nag I.E. sakin sa e.r. and pumutok na daw ang panubigan ko. So im not sure if whats going on kasi malayo pa duedate ko and wala na ako sa sarili sa sobrang pain. So since sobrang baba ng BP ko, pinahanap si raymond ng 2 bag of blood. Tumawag sa lahat ng hospital pero wala available that time. Tinurukan muna ako ng pampakapit tapos May 7 ng umaga..don palang kami nakakuha ng dugo sa mismong red cross and nung araw din na yun is na CS na ako and sympre premature ang baby ko so diretso agad sya sa incubator. Sobrang groggy ko naman kaya di ko matandaan itsura ng baby ko.

I forgot na ikwento na binigyan pala ng new cp c raymond ng kuya nya na iphone kaya hindi na de keypad ang cp nya. May dala din na tablet si raymond sa ospital.pinahiram ni ate Cathy para may magamit kami. Sa tablet na yun is naka save ang mga pic ng baby ko so sabi ko kay Raymond is patingin ng tablet at gusto ko makita ang baby q. Inabot nya sakin ang tablet.
Tuwang tuwa akong makita mga pic ni baby kahit na sobrang skinny nya..kita pa din na tisay at maputi ang baby ko. May wifi sa hospital kaya naisip ko mag upload ng pic ng baby ko sa fb.

Pag open ko ng fb app, naka log in ang account ni Raymond. Tapos nung oras din na yun is may biglang nag pop up na message sa messenger. Si MANDY ang nag chat. Pagbasa ko is nagulat ako sa message.

"Ok, i love u po"

Yan ang chat ni MANDY kay raymond. 😭💔

Sobrang nabigla ako. Nakaramdam ako ng panginginig ng laman sa sobrang galit. Parang sinasaksak ang puso ko that time. Hindi alam ni raymond na naka log in ata sya sa tablet . That moment, nasa sulok sya at nag cecellphone. Biglang narefresh ang messenger and nawala na ang message ni MANDY. ibig sabihin binura ni RAYMOND habang nag cecellphone sya sa sulok.

Tinawag ko sya.. umiiyak na ako sa sobrang galit. Sabi ko sa kanya "magtapat ka sakin, may relasyon ba kayo ni MANDY?!" sympre tumanggi sya at ano ba daw ang pinag sasabi ko. Sabi ko is nabasa ko ang chat ni MANDY na nag i love u sya sa kanya. Hinarap nya sakin ang cp nya at pinakita ang messenger nya.

"Wala naman chat ah? Naghahallucinate ka lang. Magagawa ko ba naman sayo un e may anak na tayo at di hamak naman na mas maganda ka don saka asawa yun ni KONSI, ganoon ba kababa tingin mo sakin at pag iisipan mo ako na tataluhin ko ang tropa ko?!"

Nanahimik ako. Alam ko at sigurado ako sa nabasa ko pero may point sya. Hindi naman ganon ang pagkakakilala ko kay Raymond. Mabuting tao si raymond. Sya ang savior ko. Di nya ako magagawang lokohin. Di nya din para taluhin si Tom. Malabo din na patulan sya ni Mandy dahil ano ba naman ang binatbat ni Raymond .walang stable na trabaho,walang pera at walang pundar. Baka nga nag hahallucinate lang ako...

--to be continued--

"forgive but never forget"Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum