Chapter 8: Muling ibalik ang tamis nang pag-ibig

1.1K 14 1
                                    

Araw nang valentines, medyo hindi kinikibo ni Jamie si Michael. Ang tahimik nya sobra. Nakaupo lang sa isang corner nang room nila si Jamie. Valentines pero hindi sila lumabas. Parati namang busy si Michael kapag valentines....nasa ospital sya parati. Ordinaryong araw lang sa kanila ang valentines. Dahil pareho silang busy sa kanilang medical duties. Iba syempre ngayon , kailangan nyang alagaan si Jamie.

Bati na sila pero nag-iba ang mood ni Jamie kay Michael. Si Michael naman ang naglalambing sa kanyang asawang buntis. Nung nasa kama sila....gumapang si Michael palapit kay Jamie nang tadyakan sya nito sa mukha. Kaya naman sya nahulog sa higaan. Kahit nandyan sya sa tabi ni Jamie....titingin si Jamie sa ibang direksyon nang room.

Kelan kaya babalik ang sobrang malambing, maalaga at pasaway na si Jamie. Kahit bobita, natatangi sya sa puso nang genius nating bida. Kaya pahirapan ngayon. Para bang bumaligtad ang situasyon. Si Michael ngayon ang nanlalambing, kumakarinyo samantalang si Jamie lumalayo.

Umalis na naman sina mommy at daddy. Si Jun-Jun at si Hannah na ang-asawa na ay nag-valentines date den. Sina Jamie at Michael ay nanatiling nasa kwarto nila. Si Erika naman umalis at nagshopping.

Balak ni Erika na bumili nang mga bagong damit, gadgets, make-up, at bag. Balak na rin kasi nyang bumalik sa US. Malamang sobrang nag-aalala na yung mga magulang nya. Iniwan nya rin kasi ang cellphone nya roon kaya walang communication. Naisip din nyang sobra na ang ginawa nyang panggugulo kaya dapat lang na umalis na sya at hayaang lumigaya si Michael.

Nang biglang may tumawag sa kanyang likuran habang tumitingin sa mga lipstick nang etude house. Isang lalaking gwapo ang lumapit sa kanya. Hawak nito ang mga bagong labas na liptick na nasa malaking tray. Sya ay si Romeo.

Nanlaki yung mga mata ni Erika. Hindi sya halos makagalaw. Nanlalamig na sya. Gusto nyang tawagin ito sa ngalan nito pero hindi sya makasalita. Hindi na nya alam ang gagawin kaya napaatras nung lumapit na si Romeo matapos nito gawin ang dapat gawin.  Tiningnan nya ito hanggang ulo hanggang paa. Suot nito ang isang plain white t-shirt na may Etude House.

Romeo: Erika, why are you here? Do you need something for your ageless beauty?

(Parang musika na pumasok sa tenga ni Erika ang mga salitang iyon. Hindi nya napigilang sumama sa agos nang mga salitang nagpa-ikot ikot sa kaniyang malawak na imahinasyon. Hindi nya namalayang napaatras sya at nawalan nang balanse. Buti na lang agad syang sinaklolohan ni Romeo na humawak sa kanyang kanang kamay at beywang. Para tuloy silang sasayaw nung magtama ang mga mata nila. Mga 2 minutes silang napahinto sa ganoong posisyon at nagtitigan. Naawat sila nung may taong pumasok para bumili)

Precious Kissحيث تعيش القصص. اكتشف الآن