Chapter 3: Si Erika

1.3K 16 2
                                    

Tulad nang alam niyo sa mga nakaraang kabanata. Si Erika ang pinakamagandang pinsan ni Michael na galing sa US. Lumaki syang laki sa layaw. Pinakamalupet ding pinsan dahil gusto nya kanya lahat ang mga bagay-bagay. Panira sa moment nang mag-asawang Jaime at Michael. Sa kabila nang pagiging barbie look ni Erika.....napaka bad girl nya. Sya ang kabaliktaran ni Jaime. Inshort, matalino sya .....makasarili......self centered .......walang pake alam sa iba. Ang pagkakapareho lang nila ni Jaime ay kapag may nagustuhang isang bagay. Magsisikap para makuha iyun.

Sino nga ba si Erika? Bakit nga ba sya naging malupet? Anong nangyari sa kanya? Sa nakaraan nya? Bakit ganoon na lang nya kung pagsalitaan ang KUYA MICHAEL NYA? At bakit bigla bigla na lang syang nagpakita sa bahay nito?

Noong hindi pa nakakaalis papuntang Amerika ang pamilya ni Erika. Parati silang naglalaro ni Michael. Habulan, tagu-taguan, bato-bato pick, etc. Hanggang sa dumating yung time na kailangan na nyang umalis papuntang Amerika dahil okey na ang visa nilang pamilya. Ayaw nya talagang umalis. Nag-iiyak sya pero hindi sya pinayagan ng mga magulang nya na magpaiwan. Ayaw nyang iwan ang Kuya Michael nya. Ayaw nya.

Pero ang Kuya Michael na nya ang kumausap sa kanya. Sinabihan nya si Erika na sumama na sa Amerika. Doon kasi sa Amerika mas maganda ang buhay. Mas malaki ang kikitain ng mga magulang nya roon. At makakapag aral sya nang husto. Mabibili nya lahat nang gustuhin nya.

Ayaw nyang pakinggan ang mga sinasabi ng Kuya Michael nya. Para sa kanya , isang pahiwatig lang ito na itinataboy sya. Kaya ayun , sa sobrang inis nya. Nasampal nya ang kanyang kuya Michael.

Erika: Kuya, akala ko mahal mo ko? Baket ginaganito mo ko? (lumuluha na)

Michael: Para sa ikabubuti mo ito Erika

Erika: Kuya!! (sabay yakap kay Michael)

Michael: Cge na hinihintay ka na ng mga magulang mo

Erika: Hinde kuya....dito lang ako (nakayakap pa rin)

Michael: UMALIS KANA!! (SABAY TULAK DITO PALAYO)

Erika: Mi..Micha...Michael....

     Tinalikuran na sya ni Michael. Umalis na ito. Nasa airport sina Erika. Ayaw niyang umalis. Ayaw nya.

     After 20 years, aksidenteng nabuksan ni Erika ang isang blogsite. Na-intriga sya dahil marami ang tumitingin sa blogsite na ito. Tungkol kasi ito sa dalawang kabataan na agad na nagpakasal. Marami ding larawan ang couple na talaga namang kakikiligan. Bagay yung mag couple.

      Parehong taiwanese ang couple sa blogsite. Nakalagay pa ang Chinese name na couple. Hindi naman nya mabasa dahil hindi na sya nakapag-aral sa chinese school. Tingin ...Tingin na lang sya. Nang makita nya ang mga baby picture na mga ito. Nanlaki ang mga mata nya nang makita nya yung isang old photo. Old photo ng isang batang lalaki. Parang yung pinsan nya

          Pinagmasdan nyang maigi ang picture. Nang makita nya yung sumbrero nung batang lalaki. Pulang sumbrero na ibinigay nya sa kanyang pinsan noong birthday nito. So ito na kaya ang nawawala nyang pinsan. 

         Nawawalang pinsan? 

         Matagal na nawalay si Erika sa pinsang nyang si Michael. Gusto nyang sulatan ang pinsan nya. Pero busy din sya sa dami nang kanyang projects. Minsan naman sumasama sya sa gimikan ng mga bakarkada nya doon sa US. Kaya ayun, naputol ang communication nila nang pinsan nya. Ni wala syang balita kung ano na ang nangyari dito o kung ano na ang itsura. Sa US na nagdalaga si Erika.....kaya curious sya kung ano na ang itsura  ni Michael. Clueless..... Kaya nung nauso yung social websites tulad nang facebook, twitter at iba pa .......hinanap nya si Michael. Kaya lang hindi nya makita. Hindi naman nya maitype chinese name nito.....kasi limut na nya...at hindi na sya nakapag aral ng chinese. 

      Nung mapagtanto ni Erika ang picture ng batang lalaki at yung picture ng magcouple sa blogsite. Hindi sya makapaniwalang kasal na ang pinsan nya. Ang bilis naman at ang aga-aga. Kahit na marami nang kabataan ang mabilis sa relasyon. Hindi sya makapaniwala na pati si Michael ay mapapabilang din don.

       Nagselos talaga sya. Maraming taon na ang nagdaan pero si Michael parin ang gusto nya. Ang KUYA Michael nga pala nya dahil mas matanda sa kanya nang isang taon.

      Kinabukasan.....

 Nagkakagulo na sa bahay. Nawawala si Erika. Hanap ng hanap yung mga magulang nya.

Sa kabilang eksena naman, may isang lalaking mahimbing na natutulog katabi ang isang babaeng mukhang barbie doll. Tama kayo....sya si Erika.

Erika: I'm back Kuya!!!

Nung nasa Taipei na si Erika. Pinagtitinginan sya ng mga tao. Dinedma lang  nya yung mga tao dahil may hinahanap syang address.

Nung mahanap na nya ang bahay ni Michael. Huminga muna sya bago lakas loob na nag dorbell. Yung asawa ni Michael ang nagbukas. Kailangan nya munang ngumiti. Then dere-deretso syang pumasok. Nung makita nya si Michael. Niyakap nya ito.

Bumulong pala sya kay Michael.

Erika: Kuya, I'm back (agad syang naitulak ni Michael dahil nakilala yung boses nya)

Hindi tanggap ang agad na pagpapakasal ng pinsan nya sa isang unknown girl. Gusto lang makuha ni Erika ang dapat na sa kanya. So she is back.......

Author's note: Walang bibitaw......patuloy lang sa pagbabasa. Ayan nakilala nyo na ang isa sa bagong character. Abangan nyo pa ang mga mangyayari sa most awaited drama ng taon....hahha mabisyosa......pero sana nga

Precious KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon