"Crush te?" sundot niya na may halong panunukso. Napansin ko pa ang pagsulyap niya kay senyorito Gaston na ngayon ay tumutulong na kina Jepoy at Longlong sa pag-iihaw. Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya, siguro naramdaman ng senyorito na may nakatingin sa kanya dahil lumingon din ito sa amin. 

"May crush ka na , Ate Cam?" ulit niyang tanong sa akin. Binalik niya ang tingin sa mesa at kumuha ng mangga saka sinawsaw sa bagoong bago kinain. Napalunok ako sa ginawa niya, mukhang masarap. 

Muli kong tinapunan ng tingin si senyorito Gaston na ngayon ay nakatingin pa rin pala sa akin. Pilyo itong kumindat sa akin kaya agad kong binawi ang tingin ko sa kanya. Hmp! Feeling bagets. Maypakindat-kindat pa. Narinig ko ang malakas niyang tawa pero di na ako tumingin sa gawi nila. Pakiramdam ko nag-iinit ang pisngi ko dahil sa ginawa niya. 

"Siguro may crush ka na te Camilla noh? Di ka makasagot eh. Kinsa te? Gwapo?" Umiiling akong ngumiti sa kanya. 

"Wala. Hindi ako mahilig sa mga ganyan Meling." mahinang kong sagot. Sadyang hininaan ko talaga at baka marinig na naman ng unggoy na matalas ang pandinig. Magpi-feeling pa. Oh talaga ba, Camilla? Bakit crush mo siya? 

"Crush lang naman ate Camilla, tsaka normal lang naman yun sa mga teenagers ngayon.Si Ate Amor nga namamakyaw ng crush eh." Sumimangot si Amor sa nakababatang kapatid pero tinawanan lang ito ng huli. "O bakit diba, totoo Ate Amor? Nung isang linggo lang sabi mo crush mo si Senyorito Gustavo, tapos nitong nakaraan si...Senyorito Gaston na naman." hininaan niya pa ang boses  sa huling sinabi para di marinig ng mga lalaki sa unahan.

Natawa ako sa kanya dahil hindi lang naman ang dalawang senyorito ang crush ni Amor. Basta gwapo sa paningin niya naghe-heart-heart agad ang mga nito. Ang rupok ni Amor sa mga gwapo at malalaki ang katawan. Kahit nga doon sa ibang university may crush din ito. Basta gwapo, go si Amor doon. 

"Paghilom pa gud diha Meling, gakitab ra na imong baba!" saway ni Amor sa kapatid at pinapatahimik ito. "Bakit ka nagtatanong ng ganyan ha? May crush ka na ba?" Sasabat pa sana ito pero saktong pumasok si Longlong sa kubo dala ang inihaw ng tilapya. Nilapag niya ito sa dahon ng saging na inayos ni Amor kanina. Ang bango ng isda, nakakagutom. 

"Cam, magpahatid daw ng tubig at suman si senyorito Gaston." kapagkway baling nito sa akin. Oh, ginawa pa akong tagasilbi? Amo yern?  "Nauuhaw daw siya, kapagod daw yung ginawa niyo kanina. Ano ba kasing ginawa niyo at napagod si senyorito?"

Muntik akong mabilaukan ng suman na kinakain ko dahil sa tanong ni Longlong. Bumara ang suman sa aking lalamuna at  may pumasok pa atang butil ng malagkit sa ilong ko. Mabilis akong naabutan ni Amor ng tubig pero inuubo pa rin ako. Tawang-tawa pa ang babae sa akin, hindi man lang naawa. 

"Dapat masanay ka ng kumain ng suman, Camilla. Para di ka nabibilaukan agad." biro ni Amor sa akin na alam kong may ibang kahulugan. Tinaliman ko siya ng tingin pero kunwari inosente itong tumingin sa akin. Bastos ng bunganga mo, Amor!

Sanay naman akong kumain ng suman dahil paborito ko yun pero nabigla lang ako sa sinabi ni Longlong. Paano, biglang nagflash yung ginawa naming halikan ni senyorito kanina habang nakasakay sa kabayo niya. At ang bwesit na lalaki din man lang nahiya, kung ano-ano pang pinagsasabi. 

 "Ako nalang magdadala ng suman at tubig kay senyorito Gaston, Long." sagip ni Amor sa akin, pero hindi paman ito nakalabas sa kubo, naramdaman ko ang mainit na kamay na marahang humahaplos sa likod ko. Hindi ko napansing nakalapit na pala sina senyorito Gaston sa amin. 

"What happened?" may halong concern ang boses niya habang marahang hinahaplos ang likod ko. " Drink this, come on." Kinuha niya ang baso na may lamang tubig at siya pa mismo ang nagpainom sa akin. Ayoko ko sana kasi nakatingin sina Amor at Meling  pero seryoso ang tingin ni Senyorito sa akin. "Drink slowly, baka mabilaukan ka ulit. "gustong kong umirap. Apaka lambing ng boses, pa-fall. Harot yern? 

Sandoval Series # 1 : The Stars Tonight (Soon to be published)Where stories live. Discover now