7

7 0 0
                                    


"Ang ganda pala talaga dito." Inilibot ko pa ang mata ko para mas lalong makita ang ganda ng hotel. This is indeed a dream come true for people like me who loves stars and galaxies.

Mula sa ceiling hanggang sa mga upuan hango lahat sa celestial bodies, it's like you're in outer space.

"Ma'am, do you have a reservation?" Lumapit sa amin ang isang lalaki na may hawak na tray.

Ang cute ng uniform niya!

Black na vest at merong print ng Aries na constellation. Gusto ko din ng gano'n.

"Breyen Tan, she made a reservation for us." Zygfryd said na agad naman tinanguan ng waiter.

Agad niya kaming pinasunod sa kaniya at dinala sa isang kwarto na literal na stars ang nag papaliwanag sa kwarto. The room's ceiling was made in transparent glass kaya nakikita ang ganda ng langit.

"Ang ganda talaga!" Hindi ko mapigilang sabi. Sobrang ganda, noon tinitingnan ko lang 'to sa magazine tapos ngayon nandito pa ako sa isa sa mga VIP rooms nila.

"Not bad for Bree's choice." Sinabayan pa ni Zygfryd ng pag tango na tila sinasabi niyang "pwede na."

No! Hindi pwedeng sakto lang. Masyado na 'tong grande, pag balik ni Bree hindi ko na siya uutusan.

Omaygash gusto kong tumili ng maupo kami sa isang malaking pillow.

Wala pa ngang limang minuto ang katahimikan na namayani sa amin ni Zyg may lumitaw na namang epal.

Kailan ba kami magkakamoment?

"Hi, are you enjoying the night?"

Napalingon ulit kami sa nag salita. Huh? Anong ginagawa ng babaeng 'yan dito.

Nalipat ang tingin ko kay Zygfryd ng bigla siyang tumayo at humarap sa akin, "Ako ng bahala dito,Amor."

Pero bago pa mahawakan ni Zyg ang braso ni Sam ay bigla na lamang itong umiwas at tumabi sa kinauupuan ko.

Ngumiti si Sam na parang gandang-ganda siya sa design ng paligid at muling nilipat sa akin ang kaniyang mata, "Well, well, well, ang bilis ng upgrade, Ms. Secretary slash alalay slash..." She rolled her eyes and check me from head to toe with disgust before saying, "Best friend." And even quoting it by her two fingers.

Huminga ako ng malalim, "Ayoko ng gulo Sam, please." Pero mas lalo ara siyang naasar sa sinabi ko.

Ang kapal naman ng mukha nito maasar, sampal ko kaya sa kaniya yung suot kong sapatos full designed naman 'to para sa mga katulad niyang makakapal ang mukha.

She scoffed, "Ayaw ng gulo pero hinaharot ang boyfriend ng ibang tao?"

What? Hinaharot ko? Kanino namang boyfriend ang haharutin ko.

It's my time to scoffed back at her, "Wag ka masyadong immature, Sam. Dahil din naman sayo kung bakit nangyayari 'tong mga ito." Paninisi ko sa babae dahilan para mas lalong tumaas ang kaniyang maninipis na kilay.

Sarap ahitan yung one row na kilay ng babaeng 'to.

Ang ganda na ng gabi ko tapos biglang eentrada, jusko.

"Ang lakas na nga ng loob mo kaibiganin si Breyen na future sister in law ko na sana tapos aagawin mo rin ang husband ko!" She grab my hair and pulled it upwards.

Aww! Bwesit.

Hindi ko talaga uurungan 'tong si Sam matagal na akong pikon sa babaitang 'to.

Hinila ko din ang buhok niya ang kaibahan lang namin ang arte ng kaniya doon siya nag kamali dapat nang mahawakan niya ang buhok ko winasiwas niya na sana ang ulo ko pero dahil dakilang spoiled brat naman si gaga hindi marunong makipag wagwagang kanto, kaya naisip ko na it's my time to shine! inikot ko ang kamay ko sa buhok niya at pati anit niya sinigurado kong mararamdaman ang sakit.

Wag mo akong sisimulan.

Patuloy pa din ang gera namin ni Sam, nagulat na lang ako humihingal na binuhat ako ni Zyg palayo sa babaeng impakta na 'yun at hinihila naman si Sam ng gwardya palabas ng lugar.

"Heya! Ang wild mo pala sahig." Sinamaan ko ng tingin ang lalaking nag salita. Parang aliw na aliw pa siya sa pinag gagawa ni Sam.

"Kung nandito lang si Bree panalo na sana ako." Turan ni kuya Shin  na abala sa pang-aasar, ginawa pa kaming sabong.

Napansin ko  namang nangunot ang noo ni Zygfryd at hinawakan niya kaliwang pisngi ko.

Tumingin ito sa kapatid at himalang umalis si kuya Shin na walang rekla-reklamo, pailing-iling nga lang pero pwede na malaking improvement na rin 'yun para sa isang katulad niya.

"Saan ka pumunta!" Tanong ko sakaniya na may halong inis, syempre. Ramdam na ramdam ko kaya yung kalmot ng Sam na 'yun sa mukha at braso ko.Bwesit.

Pero hindi sumagot si Zyg at hinila lamang ako sa kung saan. Hila ba talaga 'to o kaladkad na?

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Oct 14, 2022 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

SIRIUSOnde histórias criam vida. Descubra agora