5

5 0 2
                                    

NILIBOT ko ang paningin sa buong paligid. "Woah, ang bilis ng preparations pero ang bongga pa rin ng reception." I said.

I'm aware na mabilis talaga ang lahat ng pangyayari kaya ang expected ko ay baka kumain na lang kami sa labas, but noong ihatid kami ni Bree dito gamit ang kotse nya, amazingly nalaman ko na they reserved it for us. I also seen my name as well as Zygfryd's at the gate.

Ang bilis talaga pag may pera ka.

Inalalayan ako ni Zyg maglakad habang ako enjoy na enjoy pa din sa paligid, "Tan always has their own ways." He said na walang halong kayabangan it's like a natural thing.

"Yabang." Inikutan ko sya ng mata na tinawanan nya.

"Totoo yun, Amor." And he winked at me.

This man ewan ko kung mula pag anak sakanya ni tita dala na rin nya yung kahanginan.

I smirks at him, "Aba umaasenso ang tawag sa'kin." Pag susubok kong asarin siya.

Ang hirap kasi asarin ni Zygfryd masyadong mahaba ang pasensya niya lalo na pag ako ang nang-aasar.

Siguro kay kuya Shin at kay Bree mabilis maputol ang pisi ng pasensya niya kasi mga kapatid niya yun pero sa ibang tao, masyado siyang kalmante.

"Tawag ko na sayo 'yan noon pa." Turan niya.

Pero parang bumalik din sa akin agad yung hiya. Shit, bakit kinikilig ako sa simpleng salita at cheesy call sign nya.

Hindi ko pinahalata sa kanya ang hiya ko, syempre nandito na tayo panindigan na, "Minsan mo lang ako tinatawag nang ganyan, may kasalanan ka pa." Tinarayan ko pa s'ya para dama talaga yung pabebe senti mode ko.

He grabbed his chest na parang nasaktan sa sinabi ko, "Grabe..." Ang drama nito sarap ibalibag.

"True ba mars?" I asked and raised him an eyebrow.

He gently slapped me in the arms ,"Oo, mars." He answered dahilan para matawa na lang ako sa pinag-gagawa nya. "Pasensya na, mars." And he added.

"Bilisan mo na d'yan nagugutom na ako." I demanded. Para kasi kaming timang sa sarili naming kasal yung mga bisita nasa loob at kumakain na tapos kaming dalawa nasa pinto pa din.

Sarap pala talaga makasal sa taong gusto mo. Sana mag tagal 'to.

"Masarap ata yung cake." He pointed the cake na nasa harap sa tabi ng stage.

I rolled my eyes, "May ipapaliwanag ka pa pala sa'kin." At dinuro sya sa pisngi.

Akala niya nakalimutan ko na ang biglang pag hila at pag palit ko sa bride nya, never!

Ngumiti sya ng napakalaki,"Sure, We have a plenty of time baby." Katwiran nya sabay kindat.

"Yuck, panget mo."

"Crush mo lang ako, e."

Natatawang hinila ko na lang siya papunta sa loob, masyado na siyang masaya.

Pag pasok namin sa loob nagulat ako bumungad sa amin tunog ng mga baso na tinutuktok ng kutsara lahat sa loob ay nakangiti. Well, hindi lahat nakasimangot kasi si kuya Shin.

Panira talaga ng good vibes 'to.

"Nice ang tagal nauna na ba honeymoon?" Sigaw niya dahilan para mahiya ako at mag tawanan ang mga bisita.

Wala bang araw na hindi ako bubwesitin ng Tan lalong-lalo na si kuya Shin.

Inirapan ko siya, "Kailan ka ba mag-aasawa ng manahimik ka na?!" Sigaw ko pabalik dahil para tumawa na naman ang mga bisita at sumimangot na naman si kuya Shin.

SIRIUSजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें