4

15 0 0
                                    

Pagbukas ng pinto ay tumugtog na din ang napiling kanta para sa araw na 'to.

Ang ganda ng kanta-perfect parang ako.

"Nanjan na si Florencia Manalagsag!" Someone shouted dahilan para matawa ang ibang bisita.

Kilalang-kilala ko ang someone na yun at hindi ako magkakamali sya lang ang tumatawag sa buong pangalan ko ng may tonong pang asar.

Hinga Rence, wag pansinin si tukmol.

Maingat na lakad ang ginawa ko para lang manamnam ko ang saya, kahit hindi tunay ang kasal ienjoyin ko na lang. Nagsibalikan na din ang kaninang solemn na aura bago sirain ng sigaw ni kuya Shin.

Tunay naman tong kasal but then peke pa din para sakin dahil ang tunay na kasal ay ang pag bubuklod ng dalawang pusong nag mamahalan.

E' pano kung ako lang nag mamahal?

Yun ang tunay na ouch!

He doesn't even aware why I'm doing this. Sinong matinong babae ang mag papakasal sa bestfriend nyang tumatakas sa stalker nito? Edi sya, wala ng iba kaya nga feel na feel nya na ang pag lalakad diba?

Pak! Ang daming tao lahat ganap na ganap din.

Habang nag lalakad pasimpleng tinitingnan ko yung groom ko pero parang wala sya sa sarili.

I knew it!

Bwesit na Zygfryd to lumilipad na naman kung saan ang utak. Napansin ko ang pabulong-bulong na si kuya Shin sa tabi ni Zygfryd dahilan para mangunot ang noo nito at tumingin sa isang bahagi ng simbahan.

Siguro nag tataka sila kung bakit naka itim si Bree. At madami ding nag tataka kung bakit ako ang nandito at ikakasal kay Zygfryd.

An hour earlier abala kami ni Bree sa pag hahanap ng sapatos na susuotin pati nga pag make-up dahil pareho kaming walang alam sa bagay na yun buti na lang may kakilala akong beki na magaling mag pinta ng mukha.

Pag dating namin sa simbahan marami ng tao.

An hour ago...

Ang init.

Sobrang tirik ang araw tapos yung suot ni Bree ang init din sa mata kasal ang pupuntahan pero naka itim na dress.

"Bree ang pangit ng damit mo para kang—" Gulat na lang ako nang biglang mawala si Brengot sa tabi ko.

Lumingon-lingon ako para hanapin sana yung babaeng kasama ko. May pag ka ninja-go talaga si Bree pero minsan hindi nya nilalagay sa lugar tamo iniwan pa ako dito mukha akong tanga.

Shit nagulat ako ng may biglang humila sa braso ko tapos sa sobrang bilis nya lumakad para akong tinangay ni Flash hindi ko na nga napansin kung saan kami lumiko.

Na saan ako?

"Ikaw na lang ang pag-asa ko." A familiar man's voice said.

Pag lingon ko nakita ko si Zygfryd na parang balisa. Katabi nya ay si tita na tahimik lang.

Ano bang nangyayari akala ko ba ikakasal na 'to at ano yung sinasabi niyang ako na lang ang pag-asa nya.

Nag aadik na nga talaga siguro 'to.

Tinaasan ko sya ng kilay hayag na gusto kong ipaliwanag nya yung sinasabi nya, aba ganda lang ang meron ako amindo tayo d'yan.

"Hindi makakarating yung binayarang babae ni Andrei..." Hinawakan nito ang kamay ko, "Ikaw na lang ang naisip kong makakatulong."

Nanlalaking mata ko syang tiningnan.

Binayaran? Nag hire si kuya Shin ng babae para pakasalan si Zygfryd?

"Wait..." I said. Loading pa din yung utak ko sa sinabi nya besh. Si tita naman sa gilid parang nag eenjoy pa sa mukha kong constipated.

Humarap ako sa nanay ng lahat, "Tita ano 'to prankster ka na pala." Tinusok ko pa yung tagiliran ni tita.

Alam ko na 'to ako na naman nabiktima ng prank nila.

"Iha, ikaw ang mukhang prankster sa ating dalawa." Umirap ito sa akin at binuksan yung bitbit nyang pamaypay.

Feeling ko talaga may galit sakin tong nanay nila Bree e. Hindi nya siguro masabi kasi bestfriend ko mga anak nya.

"Mama!" Zygfryd shouted.

Tinaasan lang sya ng kilay ng nanay nya. Attitude talaga si tita.

"Ipaliwanag mo na sa kanya, Zygfryd."  Tita said. Ano ba ipapaliwanag sa akin?

Nangamot lang ng ulo yung isa. Jusme.

Nagulat na lang kami ng may lumilipad na pamaypay ang tumama sa mukha nya.

Sapol.

"Bilisan mo Zygfryd dahil may mga bisita na nag hihintay sa labas, por dios mio, puro stress na lang ang dala nyo sa akin..." Sinamaan nya ng tingin si Zyg. "Yang kuya nyong si Bryz hindi din umuwi, si Shin biglang nawawala, yung isa naman anak ko ba yun?" Pag- lilintaya nya.

Napangiwi pa ako ng hindi nya man lang mabanggit ang pangalan ni Bree. Ano kaya ginawa ng babaeng yun at mukhang galit na naman nanay nya sa kanya.

"Puro sakit kayo sa ulo, manang-mana kayo sa tatay nyo lalo na yang si Bree makita ko lang sya kukurutin ko talaga ang singit ng batang iyon." At walang sabi-sabing lumabas ng kwarto si tita.

Na high-blood ata. Ang intense ng sermon wala pa ding kupas.

Kaya siguro nawala si Bree kanina may kasalanan pala s'ya.

Tiningnan ko ng masama si Zygfryd ng maalala ko ang pag hila nya sa'kin.

Nag taas sya ng kamay na tila sumusuko, tuloy napansin ko yung porma nya. Well bagay sakanya yung suot nyang damit. Pwede na.

"Amor, please help me with this one, promise ipapaliwanag ko sa'yo 'to mamaya." Tapos walang pasabi na ibinigay sa akin ang isang wedding gown.

I sighed and took the hanger, "Ipaliwanag mo mamaya." I said with a warning tone na tinanguan naman nya.

Iba din pala mag laro ang destiny.

Kaya ito ako ngayon ikinakasal sa lalaking pangarap ko, sa lalaking nag mamay-ari ng puso ko mula umpisa.

Ang bestfriend ko na I think asawa ko na later.

SIRIUSWhere stories live. Discover now