6

8 0 0
                                    


THIRD PERSON

"AALIS ka na ba talaga?" Tanong ng boss niya. Mabigat man sa loob ay kailangan niyang umalis sa kompanyang pinag tatrabahuan upang hindi magkaroon ng problema sa hinaharap.

Aware naman kasi siya na madaming kalaban ang gustong pabagsakin ang negosyo ng pamilya ng asawa niya noon pa man, bakit pa niya naging kaibigan ang isang Breyen Tan kung hindi din naman siya updated.

Mula noong makilala niya ang pamilya Tan hindi niya na tinuring na iba ang mga ito gayun din naman ang mga ito sakaniya kadalasan nga ay kasama pa siya sa salo-salo at bakasyon ng pamilya.

Napag-usapan na din nila itong mag-asawa kagabi. Noong una hindi pumayag si Zygfryd na umalis siya sakaniyang trabaho ngunit wala na itong nagawa nang idahilan niya ang pagpapatayo ng cafe na alam nitong matagal na niyang pinapangarap.

Gusto pa nga nito mag bigay sakaniya ng puhunan panimula ngunit syempre tinggihan niya ito dahil bukod sa may sarili siyang ipon para sa cafe na balak niyang buksan gusto din mag invest doon ni Bree at ni Avi.

Speaking of Bree, kagabi pa siya nagtataka sa kaibigan dahil matapos nito ihatid ang grocery ay nagmamadaling kumaripas ng alis ang dalaga.

Makalipas ang ilang oras tinawagan sila ng ama ng mga Tan upang itanong kung na saan ang kanilang bunsong anak dahil nag-aalala na nga ang kanilang ina ngunit kahit sila at walang na sagot.

-

"Let's date." Napa angat ng tingin mula sa kaniyang binabasa si Florence, hindi na bago sa kaniya ang ganoong pag aaya ng asawa pero iba pa din pala ang epekto kung iba na din ang inyong relasyon.

She's like processing again and again what her husband said. Tila isang sirang plaka na umiikot ang kaniyang paningin ang mga salitang binitawan nito.

"Ayaw mo?" Ngumuso pa ito sa harap niya.

Natatawang tumingin lamang siya dito pinipigilan ang sariling hilahin ang pisngi ng binata.

"Gusto mo lang gumala dadalamay mo pa ako." Pang-aalaska niya sa asawa.

Kilalang-kilala niya ito mula ulo hanggang talampakan.

Kalaunan ay napapayag siya ng binata sa pag-alis.

-

FLORENCE

"Sa kalsada ba ang date natin?" Natatawang tanong ko kay Zygfryd na kanina pa nagmumura ng mahina.

Kanina pa kasi kaming umalis sa condo pero halos wala pa ata kami sa kalahati ng biyahe.

Ito ang tinatawag na tutol ng tadhana.

"Anong nakakatawa?" Asar niyang tanong na umani na naman sa akin ng isang pagtawa lalong umasim tuloy ang kaniyang mukha.

Paano magyayaya na lang rush hour pa ayan tuloy traffic pahimado pag dating namin sa pupuntahan sarado na yun.

Mukhang irita na din kasi siya sa suot niya paano ay balot na balot si mokong. Akala mo naman pagkakaguluhan e gabing-gabi na.

"Bakit kasi bihis na bihis ka tapos ako parang katulong mo lang?" Tanong ko sakaniya.

Hindi naman siya sumagot dahil nag simula nang umandar ang mga kotse. Salamat naman. Kanina pa kasi ako nagugutom kakain na sana ako kanina kaso biglang nanghihila itong isang 'to.

Akala ko nga matagal pa yung byahe namin pero nakahinga ako ng maluwag ng bigla siyang lumiko sa isang street hindi ako pamilyar dito pero alam ko naman na walang gagawing kalokohan si Zyg.

"Wear the sun glass." Sabay abot sa akin ng isang paperbag.

"Ha?" Nagtatakang tanong ko. Hindi na naman niya pinansin ang tanong ko kaya nag decide ako na silipin ang laman ng paper bag.

Sunglass? Wig at pakpak? Ano na naman kaya ang pakulo ng bwesit na 'to.

"Hoy?" Pag tawag ko sakaniya.

Nauna ng bumaba si Zygfryd sa sasakyan kaya hindi na ako makapagreklamo at sumunod na lang.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko bago kumapit sa braso niya.

"Maganda mag star gazing dito, Amor." At tinuro niya ang isang field na may iilang couples na abala sa pag tingin sa telescope.

"Dito talaga?" Hindi pa din ako makapaniwala na dadalhin niya ako dito matagal na kasi noong huli kong naikwento kay Bree itong lugar dahil pareho ko mahilig din 'yun sa mga stars hindi lang halata.

"Pero paano mo nalaman..."

Hinila niya ako sa isang malapit na tent at inalalayan umupo sa damo katabi ko ngayon ang isang malaking telescope. O.M.G!

Tiningnan ko si Zygfryd na parang nanghihingi ng permiso kung pwede ko bang itry yung telescope.

"Si Bree ang nag sabi na gusto mo daw pumunta dito pero dahil nga sa trabaho niya hindi niya daw magawa yung pangako niyang siya ang sasama sayo." Pag papaliwanag niya.

Sumilip ako sa telescope at doon nakita ko ang nag gagandahang mga bituin. Mula sa maliit hanggang sa pinaka maning-ning.

Hindi talaga ako maka paniwala, pangarap ko lang 'to noon. Tuluyan na nga 'tong nawala sa isip ko dahil wala talaga akong budget sa lugar na ganito.

"Sandali..." Nag dadalawang isip pa ako kung itatanong ko sakaniya kung magkano ang ginastos niya pero parang nabasa niya muli ang nasa isip ko.

He seated on my side and pat my head like a child, "Pag sinagot ko 'yang tanong mo, babayaran mo ako?" He asked.

Kaya nang sinabi mo niya 'yon nag simula na ding mag bilang ang utak ko.

"Joke lang, parang iba ka na kung pababayarin pa kita lalo na ngayon." Turan niya.

Inirapan ko siya pero sa loob loob ko laking pasalamat na din na naranasan ko ang isa sa mga imposibleng pangarap ko.

"Good evening, Sir and Ma'am." A lady in red dress approach us with a gentle smile.

"Good evening." Balik na bati ko dito.

"I am Fushia the owner of this place, one of my colleague called and she regards me about you being here." Lintanya niya. Tumingin ako kay Zygfryd na agad naman niyang sinagot ng isang kibit balikat.

"Capt. Tan was my special friend in Aviation School, before." Sagot niya na tila nabasa ang pag tataka sa mukha naming dalawa ni Zyg.

"If you want to order you can tell me and I will personally cook it for the both of you." Hindi ba nangangalay ngumiti itong si ate.

"Thank you, papasok na lang kami mamaya sa loob. My wife here, wants to try this telescope first." Sabi ni Zygfryd na ikinatango naman ni Fushia.

"Okay, if you want something don't be shy to call." And she signalled her hands like a telephone before leaving us.

Nakita ko pa ang pag iling ni Zygfryd bago siya tumingin sa akin at inguso ang telescope sa aking tabi.

SIRIUSOnde histórias criam vida. Descubra agora