Tumango lang naman ako at pilit na ngumiti.



"The exhibit will be held two weeks from now." muling turan nito. "Nakita mo na naman ang venue, hindi ba?" tumango ako. "Wala ka ng gustong baguhin?"


"Wala na Manager 2." tugon ko.


"Kairita talaga 'yang Manager 2 na pinagsasabi mo. Pwede namang Crista kung ayaw mo talaga ng Ate Crista." reklamo nito bago muling sumeryoso. "Make sure na andun ka sa opening at last day ng exhibit, Iris."



Napangiti naman ako upon hearing my second name, iyong malalapit lang kasi talaga sa akin ang tumatawag sa akin ng ganun.



"Do I need to paint more?" I asked, kahit ang alam ko ay sapat na naman ang mga paintings na nagawa ko para sa nasabing exhibit. "Magiging busy kasi ako Manager 2, maghahabol ako ng namiss kong classes."



Kinailangan ko kasing mag-absent sa Univ dahil sa last painting na ginawa ko. Dalawang araw ko ring ginawa iyon ng halos walang pahinga. Hindi rin naman ako nakakatulog ng maayos after kaya sa coffee shop na lang ako nagpakapagod kesa tumunganga ako sa Univ sa sobrang kabangagan. Lagot din pala ako kay coach Tim!



"Painting was your escape and therapy. It's your choice, Ave." Manager 2 stated. "Magpaint ka if you feel the need to do so. I'm just here to support you and to showcase your works. Your works inspired and touched people's hearts." she held my hands. "Just let your hands paint what you're feeling."



I smiled and nodded at her.



"You're a good person, Ave. You don't need to prove anything. Just do what you want to do, have fun and enjoy your life. We got you."



Biglang nag-flashback sa'kin ang mga pinagdaanan ko, ang rason kung bakit ganito ako ngayon, kung bakit parang naghahabol ako ng oras, ng achievements.



"Thank you Manager 2." I held her hands too at pinilit magbiro. "Pero mas bagay sa iyo ang pagiging masungit, hehe."



Binatukan naman ako nito at inirapan.



"Since you're okay now, let's talk about T.A.L.A."



The Angel's Love Association or T.A.L.A. is a private charity association whose primary objectives are philanthropy and social well-being. It provides scholarships, part-time jobs, assistance during calamities, financial support for orphanages and other charitable projects.



"If you're free umattend ka ng feeding program sa St Mary Orphanage this Saturday, nagpahanda na rin ako ng mga laruan at school supplies para sa mga bata." turan nito habang nagba-browse sa hawak na tablet. "May 2,367 applications for scholarship na kailangan ng approval mo, I'll send their application form. Kailangan din ng approval mo para sa mga newly graduates na nag-aapply sa Vega Tech."


"Pwede bang ikaw na lang ang mag-approve ng mga yan Manager 2?" nakangiti kong turan. "Inaayos ko pa din kasi ang architectural at business plan para sa Altair Electronics."



Umirap naman ito at kumunot ang noo.



"Dadagdagan mo na naman ang business mo?" tanong nito. "Kung umattend ka kaya muna ng board meeting sa Pollux, hindi iyong palagi na lang kami ni Mia. Sawang-sawa na ako sa pagmumukha ng mga board members na wala namang ginawa kundi hanapin ang CEO."


"Luh. Baka kapag umattend ako magpull out ang mga iyon ng kanilang shares." turan ko. "Mas okay na kayo ni Manager, dalawang Attorney."


"Attorney na inaalila mo." irap nito. "Humanap ka kaya ng totoong manager, ano? Kawawa naman kami at hindi na namin maenjoy ang propesyon namin."


"Pa-humble. Director naman kayo pareho." banat ko.


"Whatever! Kung hindi lang–naku!"



Natawa na lang ako nang panggigilan na naman nito ang pisngi ko. I'm lucky to have them, parang Ate ko na din kasi sila ni Manager.



"But seriously Iris, you can take a rest. Malayo na ang narating mo, marami ka nang natulungan. Sarili mo naman ang isipin mo."



"Okay naman ako Manager 2, don't worry." nakangiti kong tugon.



Umiling naman ito at umirap na naman.



"Lovelife naman kaya ang pagtuunan mo ng pansin?" biglang wika nito. "Feeling ko talaga bitter ka, kaya hindi mo kami binibigyan ng bebe time ni Mia!" akusa pa nito bago ako pinaningkitan ng mga mata.


"Bebe time pa nga, magkasama na nga kayo sa bahay, tsk! Ang clingy naman Manager 2!"



Napasimangot naman ito at sinamaan ako ng tingin samantalang ako'y natatawa lang.



"Lumayas ka na ngang bata ka, panira ng araw!"

TOUCH THE SKYWhere stories live. Discover now