Kabanata 5

2 0 0
                                    

Pa ulit-ulit kong sinabunan ang aking naginginig na kamay. Kunwari may ginagawa. Hindi naman niya kita dahil nakatalikod ako. Ganito ako kapag kinakabahan. Minsan natataranta at hindi alam ang gagawin. Ang tanging gusto ko lang ngayon ay umalis siya. Tinanong siya ni tita kong anong ginagawa niya? Ang sagot niya naman ay dito nalang niya hihintayin si kuya.

"Ganoon ba, tapos ka na rin kumain?" tanong ulit ni tita.

"N-not yet."

Hala, hindi pa siya kumakain? Bakit naman?

"Bakit hindi ka kumain?"

"I have no appetite " sagot niya.

"Hindi pwede iyan. Dapat kumain ka muna. Kasi medyo malayo ang pupuntaan niyo. At maglalakad kayo panigurado mapapagod ka." mahabang sabi ni tita.

Oo nga.

"Sabi ni Darwin malapit lang?"nahimigan ko ang pagtataka sa kanyang boses.

" Naniwala ka naman doon. Malayo iyon. "mabilis na sagot ni tita."Sumabay ka na sa amin."

Mahina akong bumuntong hininga.

"Is it okay?" paniniguro niya.

"Oo naman.Pero sa sala ka muna na maghahanda pa ako." sabi niya. "Bia magbanlaw ka na. Sabon ka ng sabon dyan. Baka ma ubos mo na iyan." suway niya sa akin.

Kaya nagbanlaw na ako ng kamay at pagkatapos. Siniguro kong hindi mag angat ng tingin sa kanya. Hanggang sa malagpasan ko na siya. But I could feel his gaze on me. Baka feeling ko lang iyon? Ay ewan!

Nag stay muna ako sa kwarto pero naka handa na ang susutin ko. Hinihintay ko si kuya levi matapis maligo. Maya-maya ay may kumatok sa pinto. Agad naman akong tumayo at lumabas. Naka tayo si kuya levi habang naka balot ng tuwalya ang kanyang pambaba.

"Ikaw na."

Tumango nalang ako at bumalik sa loob. Kinuha ko ang aking towel at mga damit. Nadaan ko sa sala si Bassel. Magisa siya doon. Naka sandal ang kanyang likuran sa sofa. Tapos naka tingin sa florescent bulb namin. Na parang interesado.

Hindi niya manlang ako napansin. Hindi nga ba?

Mabilis ang lakad ko pabalik ng kusino. Binuksan ko ang pinto ng cr at pumasok sinara ko din iyon. At sinabit ang damit sa towel rack. At nagsimula na akong maligo. Matapos noon ay nag bihis rin ako. Siniguro kong tuyo aking buhok bago lumabas. Nadaanan ko ulit siya sa sala pero hindi na siya naka tingin s ailaw namin. Nagtama ang aming tingin.

He suddenly asked me."Matutulog ka na ba?"

"H-Hindi"utal kong sagot.

"Bakit naka pajama ka? Tirik na Tirik ang araw?"

Nasanay na ako at.

"Mas comftable akong suot ito."

Tumango nalang siya at nagkaroon na ako ng dahilan para umalis. Nang makapasok sa kwarto ay parang lumulutang ako. Bumalik ako sa realidad ng may kumatok sa kwarto ko.

"Bia, kakain na." sigaw ni mama mula sa labas.

"Wait lang po." sigaw ko rin.

Humarap ako sa salamin at nag suklay ng buhok. I put on my eyeglasses again. Bago lumabas ng kwarto at pumunta doon. Naka upo na silang tatlo sa upuan. Gusto ko sana ma upo sa tabi ni kuya kaharap niya si Bassel. Pero nakakahiya naman dahil nasa likuran lang ako ni bassel.

Kaya na upo nalang ako sa tabi niya kahit ayaw ko. Ang aming ulam ay adobong manok at kinilaw. Nag simula akong kumuha ng kanin. Dahil sila ay meron ng laman ang plato. Naglagay rin ako ng legs ng manok. Tapos kaunting kinilaw.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 08, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Asymmetrical Beauty (Ongoing) Where stories live. Discover now