Kabanata 1

2 1 0
                                    

Tahimik lang ako habang nag uusap sila. Pa sulyap-sulyap ako sa lalaki.Medyo tuyo na ang buhok nito ganoon rin ang balat.Humalakhak siya dahil sa kwento ni kuya Drey.He's handsome.Napaiwas ako ng tingin ng magtagpo ang tingin namin. My heart skip a beat.

Nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Kaya nagpaalam ako sa kanila mag banyo.Tinuro naman sa akin ni kuya hayden kong saan.Nag alok pa na samahan. Kaya lang tumanggi na ako.

Sinunod ko ang sabi niya. May naka salubong pa akong kasambahay.

"Sino ka? At bakit ka nandito?" tanong ng matandang babae.

"B-Bia po.Sinama ako ng kapatid ko dito.Nag-aya sa kanya si kuya hayden mag inuman. Kaya po nandito ako. At mag c-cr sana." paliwanag ko na kinatango niya.

Muka namang naniniwala sa sinabi ko.

"Ganoon ba." sagot niya at sinamahan ako pa puntang banyo.

After I pee.Humarap ako sa salamin.Tinitigan ko ang muka ko. Hindi ko maintindihan kapag naka tingin sa salamin.Symmetrical naman ang muka ko. Pero kapag nag take ng picture asymmetrical. Frustrating isn't it?

Na bully ako noon ng mag take kami ng picture para sa ID ng school.They called me ugly. Hindi ko nakalimutan ang tawa nila.Simula noon I started hating myself. I don't like myself because my face is asymmetrical.Buti sana kong mata ko lang. Pero hindi e buo kong muka.

Lumapit ako sa mirror.Tinitignan kong mabuti at napansin ang hindi pantay na angulo ng aking muka. Bumuntong hininga akong lumayo doon.

Nanghihina akong lumabas ng banyo.Lagi sinasabi ni tita sa akin. Maganda ako dahil wala namang pangit sa mundo. I don't belive her. Kasi sinasabi niya lang iyon para hindi ako masaktan.

Nakasalabuong ko ang lalaki na pinsan pala ni kuya hayden.Nagtama ang tingin namin.Yumuko ako at nag patuloy sa paglalakad.

"Hey."tawag niya.

Umangat ang tingin ko." Bakit po? "

Hindi agad siya nakasagot at nag isip sa sabihin. Kumunot pa ang noo niya sa akin.

" Bakit mo ako tinawag? "

Nagulat ako sa tanong niya. Siya tumawag sa akin? " Po? "

" Bakit? "

" Ikaw ang tumawag sa akin?"

Umirap siya. "Oh never mind."suplado niyang sabi at iniwan ako doon.

Tinignan ko ang malapad niyang likuran. Na naglalakad pa puntang banyo na nilabasan ko.Ang suplado naman noon. Tapos ako pa tinanong kong bakit siya tinawag?Siya nga ang na unang tumawag sa akin e.

Nang makabalik ako sa upuan ay wala pa rin ako sa sarili. Iniisip ko ang lalaking iyon.Hinintay kong babalik siya pero hindi na.Baka na tulog na iyon. Napa tingala ako sa balcony nila.Nanlaki ang mata ko ng magtama ang tingin namin.He was there.Agad kong binalik ang tingin sa pagkain.

"Anong year ka na sa collage?" tanong ni kuya drey sa kuya Denver ko.

"Fourth year na this school year."

"I can help you to work in our company after you graduate." seryosong sabi ni kuya drey.

"Talaga." gulat na sabi kuya.

Tumango siya. "Pero marami lang mga aayusin na papers.May mga training ka rin na dapat tapusin.Ayos na sa akin kahit maka solas ka ng six month. At kahit five month lang na experience."

"Kong ganoon salamat." masayang sabi ni kuya.

"Tahnk me,kapag naka sampa ka na."

"By the way, mananahi ang nanay mo diba?" tanong ni kuya hayden.

Asymmetrical Beauty (Ongoing) Where stories live. Discover now