Inilahad ng lalaki ang kamay sa kaniya. "Hi. I'm Dark Nikolov Megalos Stavros Montero. Megalos is the maiden name of my grand mother. Stavros is my middle name. My mother is Greek, and my father is half-Filipino half-American."

At hindi tulad ng ibang lalaki, hindi nito tinanong ang pangalan niya. Maybe he was not interested to know her freaking name.

Napatitig siya sa kamay nito. Kapagkuwan ay tumaas ang tingin niya sa mukha nito na nakangiti. Mukhang lasing na siya dahil medyo umiikot na ang paningin niya, kaya siguro naakit siya sa kakisigang taglay ng lalaking nasa harapan niya.

"Ganyan ka ba talaga magpakilala?" Napapantastikuhang tanong niya sa lalaki. "Pati talaga middle name mo kasali?"

Mahina itong natawa saka kinuha ang kamay niya at pinilit siyang makipag-hand shake. At nakagat ni Anniza ang pang-ibabang labi ng may maramdamang kuryenteng dumaloy sa kamay niya patungong braso niya.

"Yeah. I sometimes speak Greek. At palaging kinu-question kung anong nationality ko. So, I always make it a hubby to explain my whole name and origin."

"Okay." Inagaw niya ang kamay niya na hawak pa rin nito saka ibinalik niya ang atensiyon sa iniinom na tequila.

Wala siyang balak makipag-usap dito, o kaya ang tumingin sa lalaki. Habang kasi nakatitig siya sa mukha nito, hindi niya maiwasang bumaba ang tingin sa mga labi nito na parang napakasarap halikan.

She could still remember his kiss earlier today and how good it tasted.

Nang maubos ang isang bote ng tequila, isang bote naman ng rum ang inorder niya. Ang lalaking katabi naman niya ay nag-order ng isang basong scotch on the rocks

They drank side by side. Wala lang silang imik pareho hanggang sa basagin ng katabi niya ang katahimikan.

"So why are you drinking, agápi mou?" Basag ni Dark sa katahimikan na bumalot sa kanila.

"My boyfriend cheated on me." Hindi niya alam kung bakit sinasabi niya rito ang problema niya. Pero sabi nga nila, magaan sa loob magsabi ng problema sa taong hindi mo kilala. "Nakita ko siyang nakikipag-sex sa ibang babae. Tapos 'yong babae tinawag akong ugly, fat duckling. 'Yon daw ang dahilan kung bakit niloko niya ako." Mapait siyang ngumiti at binalingan ang binata. May luhang nalaglag sa mga mata niya. "Bakit kayong mga lalaki mas gusto niyo 'yong sexy at halos buto-buto nalang? Hindi ba sapat na mahal kayo ng plus size na mga katulad ko? Diba, sabi nga ni Andrew E, humanap ka ng pangit at ibigin mo ng tunay kasi hindi ka niyang lolokohin?"

"Huwag mong lahatin," ani ni Dark na nakatingin sa mga mata niya. "I don't like skinny women. And for your information, you are not an ugly, fat duckling."

Anniza scoffed. "Yeah, right."

"Do you want me to prove it?"

Nagsalubong ang kilay niya. "Paano?"

Bigla itong dumukwang palapit sa kanya at sinakop ng mga labi nito ang mga labi niya. Sa halip na itulak ito palayo, hinayaan niya lang ito lalo na ng maramdamang ang malambot nitong labi na inaangkin ang mga labi niya. Nalasahan niya ang scotch on the rock na iniinom nito at mas lalong dumagdag iyon sa sarap ng labi nito na nagpapa-init sa katawan niya. Magaling humalik ang binata, ni hindi niya napigilan ang mapahalinghing ng ipasok nito ang dila sa bibig niya at tinudyo-tudyo ang dila niya, kaya naman hindi nagtagal ay ginagagad na niya ang bawat paggalaw ng labi nito sa mga labi niya at lumaban siya ng mapusok na halikan dito.

Napahawak siya sa balikat ni Dark ng mas palalimin pa nito ang halik na pinagsasaluhan nila. He stood up, parted her legs, and pressed his body against her. Ang likod niya ay nakasandal sa bar habang naghahalikan sila ng mapusok ng binata. Wala siyang pakialam sa paligid niya. Nakatutok ang atensiyon niya sa masarap na halik na pinagsasaluhan nila ni Dark na mas nagpapadarang sa kanya na maging mapusok pa.

POSSESSIVE 6: Dark MonteroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon