Chapter 1 - Meet the Heiress

113K 1.2K 161
                                    

CHAPTER 1

"Manang! Manang!" dinig sa buong bahay ang sigaw ni Mikaela. Natatarantang hinalungkat niya ang study table sa loob ng kwarto niya. Crumpled pieces of paper were scattered on the floor, almost covering the lush carpet.

Humahangos na pumasok ang isa sa mga katulong nila at yaya ni Mikaela simula pa pagkabata. "Mikay? Ano'ng nangyari? Ba't nagsisigaw ka?"

"Manang!" she cried. "I can't find my phone! I need it now! May deadline ako in an hour!"

"Suskong bata ito! Sa'n mo ba kasi nilagay yun?"

"Manang?! Magtatanong ba ako sa inyo kung alam ko?" mataray na sagot ng dalaga.

Umiling-iling na lang si Manang Diday. Sanay na siya sa ugali ng alaga. Palibhasa kasi, may pagka-spoiled brat naman talaga ito. Napasobra yata ang ginawang pagsunod ng magulang nito sa mga luho. Hindi rin naman niya masisi ang papa nito, nag-iisang babae si Mikaela, at bunso pa. Marami na ring napagdaanan ang pamilyang pinagtatrabahuhan niya. Kaya imbes na mainis, ay mas nahahabag pa nga siya rito.

"O siya. Tutulungan kitang maghanap. Naaalala mo ba king saan mo huling nakita yun?"

"Nandito lang yun kanina manang eh! I'm sure. I was checking the outline of my article kanina. Pero ngayon, hindi ko na makita. Manang! Pakibilisan naman! I am going to be so dead 'pag di ako umabot sa deadline ko!"

Napabuntong-hininga na lang si Diday at lumapit sa makalat na mesa ng alaga. Kaya naman pala eh! Wala ka talagang makikita rito. Nakupo! Walang katapusang ligpit na naman ang gagawin niya mamaya.

Isa-isa niyang tinipon ang mga nagkalat na papel. Ilang sandali pa ay nakita na niya ang hinahanap. Natakpan lang pala.

"Eto na," sabi niya sabay abot ng telepono kay Mikay.

Nagpakawala ito ng isang eksaheradang hininga ay niyakap pa ang cellphone. "Salamat po, manang!"

Napangiti siya. Kahit na minsan ay may pagkamaldita at maarte ang alaga niya, hindi naman ito masamang tao. Marunong pa ring gumalang sa mga nakakatanda. Pinalaki pa rin ito ng maayos ng inang namayapa.

Kidnap My Heart (A KathNiel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon